[ AILIE'S POV ]
"An invisible red thread connects those who are destined to meet , regardless of time, place and circumstance. The thread may stretch or tangled, but will never break .."
paulit-ulit kong binabasa ang mga katagang ito sa libro ko ..
paulit-ulit kong iniintindi ...
pero kahit anong basa ko hindi ko pa rin magets !!! (_ _")
haayyyyy ...
suko na ko !!! ayoko na !!!
sinara ko na yung libro ko at sumadal ako sa pader ... tumingala ako sa kalangitan at kitang-kita ang kagandahan ng mga ulap ..
"strings ..." ang bigla kong nasambit
nandito ako ngayon sa may rooftop ng school namin dahil lunch break na namin at tapos na rin akong kumain ..
maya maya'y nagbell na kaya nagdesisyon na akong bumaba sa may rooftop ...
pagkababa ko .. nakikita ko ang mga studyante na papasok sa kani-kanilang rooms at ....
nagkalat ang mga stings sa sahig ...
napakadami nito ..
para akong nakakakita palagi ng rainbows kapag nakikita ko ang mga strings .. mula pagpasok ko sa school at lalo na pag-uwian ..
naisip ko, ano kayang pakiramdam ng may strings ???
kasi, wala akong ni isang strings ..
diba sabi naman nila kahit hindi pa kayo nagkikita ng soul mate mo ay meron ka na rin nun dahil siya ang nakatadhana para sa'yo ??
pero bakit ako .. wala ??
ano bang wala sa akin na meron sila ???
kung sabagay, wala naman akong kaibigan .. soul mate pa kaya ??
isa lang akong ampon ... namatay ang tunay kong pamilya noong 8 months pa lang ako .. sabi ng tumatayong guardian ko, ang mama't papa ko daw ay namatay sa aksidente .. wala silang pamilya dito dahil parehas daw silang 'only one child' at ayon din sa kwento, patay na rin daw ang lolo't lola ko sa kanila kaya wala na talaga akong ibang relatives ... kaya napagdesisyunan ng kapitbahay namin na kupkupin ako at sila na ngayon ang guardians ko ..
sa kanila na ako nakikitira mula noong 8mths. pa lang ako hanggang ngayong 16yrs. old na ako .. malaki rin ang naitulong nila sa akin .. binigyan nila ako ng maayos na higaan, pinatira din nila ako at binigyan din ng masasarap na pagkain ... pinag-aral din nila ako at itinuring na tunay na anak .. hindi kasi sila pwedeng magkaroon ng sariling anak dahil may diperensya ang tumatayong kong nanay sa matress niya .. kaya bilang anak at bilang sukli sa kabutin nila, nagtrabaho ako .. para sa pag-aaral ko at dahil na rin sa hindi na magkasya ang kinikita ng tumatayong tatay ko .. at saka para hindi rin ako masyadong pabigat sa kanila .. sa may karinderya ako nagtatrabaho bilang isang waitress .. pumayag naman sila at ang sabi nila ay napakasuwerte nila at sila ang kumopkop sa akin ...
sa paglalakad ko papuntang room, may naramdaman akong may natapakan ata ako ...
pagingin ko sa natapakan ko ..........
isang Red String ...
at sa kasamaang palad ay naputol ito ....
nagtago ako sa may pader at tiningnan ko kung sinong dalawang tao ang may ari ng string na ito ....
yung babae ay classmate ko at yung lalaki taga-ibang section ...
yung classmate ko, umiiyak siya habang yung lalaki ay lumalakad papalayo sa kanya ....
tinignan ko yung kalahati ng string (yung sa lalaki) ...
naglalaho na ang string niya na parang bula .....
ang ibig sabihin nito ay ,
wala na siyang pag-ibig sa classmate kong babae ....
samantalang ang kalahati ng string (dun sa girl) ...
ay nanatiling putol na ang ibig sabihin ay,
mahal pa rin niya yung lalaki ...
ang bawat strings pagnaputol, meron siyang ibig sabihin ..
kapag ang kalahati ay nanatiling nasa kamay ng kapartner niya ay meron pa rin itong pagmamahal sa kanya at kung ang kalahati naman ay naglaho sa kapartner niya, hindi na siya parte ng buhay nito at madali itong makakalimot tungkol sa babae ...
pero kung ang thread o strings na yun ay naghiwalay pero nasa kamay pa rin ng bawat isa, may posibilidad na mabuo ulit iyon o may ibang tao na kukunin ito bubuuin ito gamit ang sarili niyang string ..
pero kapag hindi nakaya ang sakit na nararamdaman ay lahat ng string na nasa iyo ay magiging kulay puti na ang ibig sabihin nawala na sa iyo ang lahat .. mga kaibigan mo, taong mahal mo, sa crush mo, kaaway mo, pagiging cold hearted mo sa iisang tao, at pagiging playboy/girl mo .. pero pwede ka pa rin makakuha kaso paglipas pa ng mahigit isang taon ka muling makakakuha ng iba't ibang kulay ng strings ...
ganito ang mangyayari sa mga strings ....
masakit man sa damdamin pero kelangan mong tanggapin ...
kung gusto mong manatili o protektahan ang mga natitirang strings na nasa iyo ...
*****
natapos na rin sa wakas ang klase namin at sa wakas makakauwi na rin ako ..
"nakakapagod ngayong araw na ito .. parang ayoko ng pumasok !!!"
(*napagod siya dahil wala siyang kausap sa klase !!!!*)
tokwa .. para akong zombie kung maglakad pauwi !!!!! kaasar !!!!!
"*yawn* !!! antok na ko !!!!"
sa paglalakad ko, biglang may nabangga akong lalaki ..
" ay sorry !!!" sabi ko
tiningnan lang niya ako at tahimik na umalis ...
tinignan ko siyang umalis ....
napansin ko ....
wala rin siyang kahit anong strings ...
kaparehas ko siya ...
napabuntong hininga ako ..
haaayyyyy ... bakit ganun ?? kami lang dalawa ang walang strings ???
tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad ..
" haayyy ... sumasakit lang ang ulo ko sa mga iniisip ko .. "
napapikit na lang ako sabay hawak sa may ulo ko ....
pagkadilat ko .....
"red string??"
nakita kong may nakakabit na string sa maliit kong daliri ...
tiningnan ko kung saan papunta yung string ...
nakita kong papunta sa may banda sa likod ko yung taong sinasabi nilang soulmate .....
sinundan ko yung string ....
hindi pwedeng hindi ko siya makita .....
dahil sa string na ito ay ....
alam kong isa siya sa magiging parte ng buhay ko ...
sa kakahanap ko ay nakita ko rin sa wakas ang kakabit ng string na ito ....
nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod sa akin .....
" sino ka ??? " yan ang lumabas mula sa bibig ko ..
humarap siya sa akin ....
kilala ko ang itsura ng lalaking ito ...
siya yung lalaking nakabangga ko kanina ...
pero ang pinagtataka ko lang ay ..
hawak-hawak niya ang hibla ng string ....
"nakakakita ka rin ng strings ??"
BINABASA MO ANG
The Strings
Novela JuvenilThe different color of the strings have, different bonds, different feelings, and different meaning ..