TUWING SABADO AT LINGGO
pumupunta ako sa bahay nila Ninong Mark para mag bakasyon at parang kabayaran na rin dahil pinatira nya kame ng mga magulang at kapatid ko sa isa pa nilang bahay
kaya tuwing weekend dito ako sa kanila mas gusto ko pa nga dito e,kasi ang sasarap ng pagkain
At dahil ako ang kadalasang umaako sa ibang gawaing bahay sinabi ko kay ninong Mark na ako na lang ang mamimili sa palengke tutal walking distance lang naman ang pamilihan sa kanila
dahil sa Medyo nag dadalaga na ako noon ^___^V NAHIHIYA akong dumaan sa may maraming TAMBAY lalo pag mga LALAKI
so dahil no choice,
dire-diretyo ako sa pag lalakad mabilis na mga hakbang ang pinapakawalan ng mga paa kong animoy nagkakarera
Dahil sa nakatungo ako mag lakad at medyo mabilis, di ko namalayan na
may nabunggo na pala ako
di ko agad nakita ang mukha nya sapagkat nakayuko nga ako
ang UNA kong nakita ay puting tsinelas na makapal na may tatak na ISLANDER
yun ang sikat na klaseng tsinelas nung mga PANAHON na yun