Ryz P.O.V.
"Gulaaay! Gulay kayo dyaaann!" sigaw ko sa mga taong nagdadaanan na maagang namamalingke
Habang si nanay naman ay naghahanda ng ibang mga gulay para sa ipaglalako ko
"Oh heto anak kumpleto na yan, may okra, talong, kalabasa at ginsing" sabi ni nanay sa akin
"Ok po nay, salamat po" sabi ko kay nanay sabay yakap sa kanya
"Oh sige nat yumakag kana para makarami ka" sabi ni nanay sa akin sabay abot ng isang nigo ng mga paninda naming gulay
"Sige po nay alis na po ako" paalam ko kay nanay
"Oh sige anak mag-ingat ka" sigaw pa nito
Naglalakad na ako ngayon papuntang mercado habang lukdo ang mga paninda kong gulay.
"Gulaaayyy! Sariwa pa po itooo!" sigaw ko
"Ijo ilan yang talong mo syaka yang kalabasa mo?" tanong ng isang matandang babae
"Bali dyes lang po ang gapos into manang" sabi ko sa kanya na nakangiti
"Ilan lahat yan, bibilhin ko nalang lahat" sabi nito
"150 po ito lahat manang" sagot ko naman
"Oh heto, wag munang suklian" sabi nito sabay abot sa akin ng 300 pesos
"Eh manang sobra po to" sabi ko sa kanya
"Itago mo nalang ang sobra ijo" sabi nito sa akin na nakangiti
"Salamat po manang, hulog ka talaga ng langit, hindi ko po alam kong paano kita pasasalamatan" pasasalamat ko sa kanya
"Sos napakabait na bata kaawaan ka ng Diyos" sabi nito sa akin
Umalis na naman ito, kaya napagpasyahan ko nalang na bumalik kay nanay. Habang naglalakad ako at narinig ko naman na may tumatawag sa akin
"Hoy! Pangit! Bakla!" tawag nito sa akin
Hindi nalang ako nag-abalang tignan ito dahil sa boses pa lamang kilalang kilala ko na.
"Hoy pangit bingi kaba!" sigaw nito ulit
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi nalang kinibo ito. Pero bigla naman akong na pa aray na may tumamang matigas na bagay sa aking ulo.
"Aray!" giit ko habang hinahawakan ang parte kung saan ito tumama
"Hahahaha pangit talaga!" sabi nito sa akin
"Tigilan mo nga ako Trevor, nakakasakal kana ahh" mahinahon kong sabi sa kanya
"Hahahaha ang effect kasi ng mukha mo bakla, hindi na madrawing" asar nito sa akin
"Eh ano namang paki mo?" sabi ko sa kanya
Hanggang kailan talaga hindi talaga ako marunong magtanim ng galit o sama ng loob. Ewan ko ba basta ayoko lang talaga magalit kahit na palagi nya lang akong binubully.
"Hoy bakla gumanda ka ngayon ahh, anong pinakain mo sa mga tigyawat mo bakit palaging nanganganak" asar na naman ni Trevor sa akin
"Sige na Trevor, alis na ako baka hinahanap na ako ni nanay" paalam ko na dito
Mabilis naman akong tumalikod at naglakad pabalik. Narinig ko naman itong sumigaw pero hindi ko nalang ito nilingon. Yun nga pala so Trevor ang palaging nang-iinis at nang aasar sa akin. Pero hindi ko nalang ito pinatulan. Kaya nga palagi nya akong inaasar ehh, kasi daw mahina ako at hindi daw ako marunong lumaban. Sinabi ko na din sa kanya ang rason kung bakit hindi ako lumalaban sa kanya, syempre para iwas ng gulo.
Hapon na nang tinulungan ko si nanay sa pagliligpit ng mga gamit. At sa awa naman ng Diyos ay naubos lahat ng paninda namin ni nanay. Mga bandang ala sais ng gabi natapos na kami ni nanay sa paglilinis sa kanyang pwesto. Naiayos naman naming nailigpit ang mga gamit namin. Pumunta na kami ngayon ni nanay sa terminal ng tricycle. Kailangan pa kasi naming sumakay ng tricycle kasi medyo malayo-layo din ang lungsod sa baryo namin. Nang makasakay na kami ni nanay ay bumnyahe na si Manong driver.
Ahy teka nga pala kanina lang ako satsat ng satsat dito tapos hindi pa pala ako nakapagpakilala sa inyo. Hahaha nahihiya na tuloy ako sa inyo.
By the way ako nga pala si Ryz Diaz, 16 years old, to be honest po isa po akong bakla pero hindi po ako cross dresser. Hindi po ako kagaya ng ibang bakla na gumagaya sa suot ng mga babae. Ang gusto ko lang naman kasi at yung disente lang ako tignan para naman bigyan ka nang respito sa iyong lipunan.
Sabi naman ng nanay ko na maganda daw ako kasi nga maputi raw ako, may matangos na ilong, may saktong kapal ng kilay at higit sa lahat ay ang maninipis at mapupulang labi ko at ang kulay abong mata ko. Pero ang lahat ng mga yan ay natatabunan lamang ng aking kapangitan. Pano ba naman kasi mahal na mahal ako ng mga tigyawat ko, ayaw talaga nila akong iwanan. Kaya nga palagi nila akong tinutukso na baklang pangit dahil natatabunan ang mukha ko ng mga naglalakihang tigyawat. Sanay naman ako sa mga palayaw nila sa akin. Minsan ng tinutukso nila ako dahil sa itsura ko pati narin sa kasarian ko. At dahil ipinanganak akong mabait, masipag, mapagmahal at mapagkumbaba ay hindi ko nalang sila pinapatulan para iwas nadin ng gulo.
Sakto namang tumigil ang sinasakyan naming tricycle. Bumaba na kami ni nanay nang makita naming hingal na tumatakbo si aling Janet sa direksyon namin.
"Naku Alicia ang asawa mo naglalasing na naman at yon nagwawala" hingal na sabi ni aling Janet
Nang narinig ko ang sinabi ni aling Janet ay mabilis akong tumakbo papunta sa bahay
"Ryz anak!" sigaw ni nanay
Pero hindi ko nalang iyon nilingon bagkus ay binilisan ko pa ang takbo ko. Nang makarating na ako sa bahay ay nakita ko naman si tatay na sumisigaw.
"BUNO! SINONG MATAPANG DYAN! PATAYAN TAYO!" sigaw ni tatay
Mabilis ko naman siyang nilapitan upang pigilan.
"Tay, tama na po ya..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sinampal niya ako ng malakas
Napatumba naman ako dahil sa lakas ng sampal na isinalubong ni tatay sa akin
"Tay tama na po" naiiyak kong sabi
"TUMAHIMIK KA BAKLA!" sigaw ni tatay sa akin sabay gawad sa akin ng malakas na suntok
"Rommel wag mong saktan ang anak mo!" sigaw ni nanay
"TUMAHIMIK KA ALICIA, WALA AKONG ANAK NA BAKLA" sigaw ni tatay
Pinigilan naman ni nanay si tatay pero malakas nya namang itinulak si nanay na sanhi ng pagkabagsak nito.
"Tay *sob* wag nyo pong *sob* saktan si nanay" lumuluha kong sabi kay tatay
"WAG NA WAG MO AKONG TAWAGING TATAY DAHIL HINDI KITA ANAK, WALA- WALA- WALA AKONG ANAK NA BAKLA" sigaw ni tatay habang tinatadyakan at sinusuntok ako.
"Auughmkk" ungol ko ng nalasahan ko naman ang dugo sa aking bibig
"Rommel maawa ka sa anak mo Rommel" umiiyak na sigaw ni nanay
"WAG KANG MAKIALAM DITO ALICIA!" sigaw ni tatay at sinampal ako
"Tay ta..ma na po auughmkk" nanghihina kong sabi
Sumigaw naman ito sabay suntok sa akin pero hindi ko na narinig ng lamunin na ako ng dilim
****************
VOTE (kung worth it)
COMMENT (kung may gustong sabihin)
FOLLOW (kung gusto niyo)
Geraheart_17
BINABASA MO ANG
The Ugly Gay Meets The Bullies (BOYXBOY)
General FictionI'm Ugly They were handsome I'm a simple student They were famous I'm poor They are all rich I want to help my family But it all change when I've got a full scholarship in Z University A school were I've expect the unexpected A school were they mak...