*Jhancee's POV*
Nakakaasar naman sila mama lagi nalang ba silang mag-aaway. Nakakarindi na. Gusto ko na tuloy umalis sa bahay nato. Puro nalang problema. Pag tinatanong ko naman sila lagi nalang nilang sinasabing
"Wala to iha. Maayos din namin ng daddy mo to. Mag-aral ka lang ng mabuti ah!"
Nakakaasar na. Gusto ko man tumulong sa problema nila pero lagi na lang ganyan. Kesyo maayos din, pero lagi naman silang magsisigawan. Minsan nga gusto ko na magwork para matulungan ko naman sila. Kaso sa tuwing nagpapatulong ako sa mga kaibigan ko. Lagi nalang nilang kinokontra. Arggh ! Ayaw nila ako tumulong pero lagi naman silang nagsisigawan sa loob ng bahay.
Nakakarindi na. Sobrang ingay nila. Isang beses nga nung nag-aaway sila. Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Basta hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan ako dadalhin.
Sa sobrang pagkabadtrip ko hindi ko akalaing nakarating na pala ako sa hindi ko alam na lugar. Super na amaze ako sa ganda. May fountain kasi sa pinakagitna. Tapos may nakapaligid na magagandang bato at flowers. Tapos sa bandang unahan may Stage sya. May magmimini Concert ata. Nakita ko kasi sa isang Tarpaulin na
"Free Mini Concert of Loom Band XD" (A/N: Wala akong maisip na band. Hahahaha! XD )
So, May free mini concert daw ang loom band. At dahil hindi naman ako masyadong may alam sa kanila at sobrang amaze pa ako dito sa park nato ay naglibot-libot na lang ako.
Ang daming tao dito ngayon. D'on sa may malapit sa stage my mga babaeng nagtitilian sa nagmimini concert, may pamilya din na nagpipicnic sa may gilid at mayro'n ding mga walang paki-alam sa mundo.
Nang mapagod ako sa kakalibot ay saktong may nakita akong bench malapit sakin. Naglalakad na ako papunta sa bench ng hindi ko mapansin ang malaking bato sa dadaan ko kaya naman ay matatalisod ako-
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay ang pagbagsak ko sa lupa. Subalit nakapagtataka naman, bat parang ang lambot ng pinagbagsakan ko. Iminulat ko ng kaunti ang mapupungay kong mata at laking nagulat ko na may lalaking sumalo sakin. Grabe sya na yata ang tagapagligtas ko. Ang aking Knight in Shining Armor. Oh my ghad ! Ang gwapo nya. Ang tigas ng kanyang mga dibdib. Bigla akong natauhan ng magsalita sya.
"Hey! Miss are you alright?"
"A-ahh, y-yeah. Im okay. Thanks" sabi ko at'ska ako umalis sa mga matitigas n'yang bisig at nagpasalamat sa ginawa nya.
Naglalakad ako ng paika-ika papunta sa bench dahil sa pangyayaring may naidulot ng maganda. Charot! Ngunit parang may napapansin akong kakaiba sa likod ko-
"Ahmm, Mr. Stranger w-why are you following me? "
"Hahahaha, youre calling me Mr. Stranger. You must be kidding!". Anong nakakatawa dun??
"Oo, bakit anong nakakatawa dun. Eh hindi naman kasi kita kilala. Kaya Mr. Stranger tawag ko sayo alangan naman sabihin ko sayo 'Hoy Lalake bat mo ko sinusundan??' I'm not that bad para gawin sa'yo un. Pasalamat ka nga mabait pa ako."
"Yeah. I see. So. A-ahm. Im Dale. Kirk Dale Hernandez. Ikaw, ano name mo?"
"Ah. Dale salamat pala sa pagsalo mo sakin. Utang na loob ko pa sayo ang pagligtas mo sakin. Ahh ! Salamat uli. "
"Ang haba naman ng name mo."
"Sige alis na ako. Baka hinahanap na ako ni mama." Pagpapaalam ko. Then i wave my hand. Tumakbo naman siya para habulin ako.
BINABASA MO ANG
I Meet Him (Ongoing)
RomanceLet's try to follow kung anong mangyayari sa pag-iibigan ng dalawang tao na kung saan ay may ugnayan na simula palang noon ngunit nakalimutan na nila ngayon dahil sa mga araw, buwan at taong lumipas. =============================