Simula
"Uy Sis! una na ako sa locker ko ha! sunod ka na lang!" paalam ko sa aking besfriend na si Suzy sabay bitbit sa aking bag
"Sige sis, dito muna ako hihintayin ko pa si Greg e" patungkol niya sa kanyang boyfriend.
Member kami ni Suzy ng Prim Cheering squad kaya naman muli ang puspusan naming pag eensayo para sa nalalapit na kompetisyon kalahok ang iba't ibang universities. Second year college lamang ako nung hikayatin ako ni Suzy na sumali dito. At ngayong 4th year na ako, kahit mahirap ang magkaroon ng iba pang activities sa school dahil sabay sa aking pagthethesis ay di ko pa din binibitiwan itong pagcheering squad ko.
Pag bukas ko ng aking locker, tumambad sa akin ang isang box ng mamahaling chocolate na may nakalakip na note na "FOR MY ANGEL". Halos dalawang buwan na siguro akong nakakatanggap ng ganito malimit dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ngunit hanggang ngayon wala pa din akong idea kung sino ang nagbibigay sa akin nito. At ang magaling pa nito nailalagay niya sa loob ng locker ko yung mga item. Sa pagkakatanda ko, tanging ako at si Suzy lamang ang may alam ng password ko dito. Naitry ko na ding baguhin ngunit tila ba'y matinik sa pag kuha ng password ko itong si "Mystery Guy" . Sa pagkakataong ito hindi lamang "MY ANGEL" o "MY INSPIRATION" ang nakalagay sa note may nakasulat na ding ito "I'LL REVEAL MYSELF"
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ngunit kasabay ang mumunting excitement. Di ko alam bakit ako kinakabahan, excited dahil malalaman ko kung sino tong lalaki na unang gumagawa ng ganitong kaespesyal na bagay sa kin. Minsan na lamang naiisip ko sana si Vinz Aldana na lamang ito. Engineering student.Siya lang naman ang crush ko sa university. Hinahangaan ko siya kasi ang galing niyang magbasketball, gwapo, matalino, ngunit kalat sa buong campus ang pagiging playboy nito. Hinahangaan ko siya pero hanggang dun lang yun. Di pa naman umaabot sa puntong nakikipaggitgitan ako para makuha ang kanyang atensyon.
Nainterrupt ako nang biglang dumating si Suzy.
"Anj! uyyyy!!! Galing kay Mystery Guy again? Tanong niya sabay kuha ng isang tsokolate.
Ngiting Sagot ko habang ngumunguya.
"Alam mo yang si Mystery guy mo, balak kang patabain! haha!" sabi ni Suzy
"Okay nga e! tingnan moto oh! mamahalin na naman at ang sasarap naman talaga! tuwang sabi ko
"Ganda mo talaga! Iba level ng beauty mo Sis! Ani Suzy
"Maganda? Ako? panu pa kaya ikaw? Diyosa?! Dami mo nga dyang suitors. Meron dyang Marion, Kenneth tapos meron pang Hans!! " sabi ko
"Suitors? di kaya! I didn't entertained them. I have my Greg na no!" Sabay tingin sa phone niya.
Kung may imumungkahi akong Every Guy's Dream Girl ito na ang Bestfriend ko. Maganda, Top student sa course niyang Architecture, laman ng mga beauty contest na madalas ay naiuuwi niya ang korona, maputi, matangkad. Napakaswerte ni Greg sakanya.
"oh asan nga pala yun? sabi mo hinihintay mo siya?"
"Eh nagtext e. Sabi my tatapusin pa daw sa research nila."
"Ahh. kung ganun sabay na tayo umuwi." Pag anyaya ko.
Kinabukasan, dala na marahil ng pagod at pagpupuyat sa pagthethesis ko, hindi ko maiwasang maipikit at ibagsak ang ulo ko sa klase kong ito. Buti na lamang katabi ko itong si Trey ang self proclaimed besfriend ko daw.
"Uy Best! gumising ka. Baka makita ka ni Sir! " pabulong niya
"Ha? e Antok pa koooo" Nakapikit kong sagot
"15 mins nalang at magdidismiss na!! Dilat ka na dyan!"
Wala akong nagawa kundi ang dumilat at makinig kunwari dahil sa kulit nitong si Trey.
Nang matapos ang klase sabay kaming tatlo ni Suzy, Trey at ako maglunch.
"Trey, kaw siguro ang Mystery Guy ni Anj!" Sabi ni Suzy habang naghahalo ng spaghetti niya
"Ha? Anung ako? Di kaya!"
"What? Si Trey? Manghilabot ka nga Sis! " pabiro kong sambit
"Sama mo best! tsaka may nililigawan kaya ako. "
"MakaBest ka naman! ako lang bestfriend ni Angel no!" Sabi ni suzy.
Matapo ang lunch. Sabay na kaming pumunta ni Suzy sa Gym upang magpractice. Dalawang araw na lang laban na namin kaya naman puspos kami sa pageensayo.
Dumating ang araw ng laban. Lahat ng kalahok ay nagpakita ng galing. Sabay sa nadaramang kaba dulot ng kompetisyon ay ang kabang naramdaman ko nang may mahagip ang aking mata mula sa audience.
Vinz Aldana..
He's watching. Naisip ko kung anu naman ang dahilan ng pagpunta niya dito. Ayokong isipin na may girlfrriend siya nakasali sa laban at pinapanood niya to ngayon.
"Erase.erase.erase" sabI ko sa aking utak. Bawal ang bad vibes. Kailangan ko positibo. Kaya naman inspirado ako habang nag eexecute ng aming hinanda.
Matapos magpakita ng galing ang walong universities. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Eto na iaannounce na
"And the 2014 Majistro Cheering Squad Competition Champion is..."
malakas na pag aanunsyo ng host
"Prim Cheering Squad!"
Di magkandaumayaw ang buong team sa pagkapanalo namin.
Nabingi ako sa tilian, at saya dulot ng tagumpay. Mula sa aking pwesto nakita ko ang nakangiting Vinz. Marahil masaya siya sa pagka panalo ng school. Pero di ko maiwasang hindi isipin na maaring may pinanood siya na girlfriend o nililigawan. Wala naman. SANA
Alam ko dahil wala namang bahid ng Vinz na nagpupunta o kasama ng mga kamiyembro ko.
Busy ang lahat sa pagseslfie, ppagpipicture, walang humpay ng pagcocongratulations ng may biglang lumapit sakin na may hawak ng isang bouquet of roses.
"Ahmmm. Hi" Sabi nung lalaking may makapal na salamin.
Ito na ba to? Si Mystery Guy ko? Ngayon na ba yun?
Gumuho na ata yung pangarap kong si Vinz Aldana to. Dahil sa harap ko isang isang lalaking nakatuck ang shirt, may hawi sa gitnang buhok at may makakapal na salamin tila dinaig pa niya ang grado ng aking ina sa mata.
"Ahh. Pina.. p-pinabibigay ni.." utal na sabi niya
bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin bigla na lamang..
"Ahh. Excuse me" mula sa isang may baritonong boses
Di ko alam mararamdaman ko. Halos iluwa ng dibdib ko ang puso ko sa lakas ng pintig nito.
Mula sa gilid biglang sumulpot si Vinz Aldana sa tabi ni Nerdy Guy.
"NIYA" pagtutuloy ni Nerdy Guy sa sinasabi niya sabay turo kay Vinz.
Oh my Golly! Is it real? Is it real?
Flowers from Him?
I CAN'T BREATHE
BINABASA MO ANG
Wrong Turns Right
RomanceAno? Masakit? Sabi kasing wag maglaro pagdating sa pag-ibig e! Ayan, nahihirapan ka? Kala mo kasi katulad yan nang sugat sa pagkakadapa o hiwa sa kutsilyo na lagyan mo lang ng ointment magiging okay na. Kulit mo kasi e! Panu ba yan? wala na siya. Wa...