Ipaglaban
Kaya ko pa ba?
Pero ang sakit na talaga.
Bakit ganito?
Unti-unti ng sumusuko ang puso ko.Kailangan Kong kayanin.
Hindi pwedeng sumuko nalang ako.
Sobrang layo na ng narating ko.
Kailangan Kong ituloy ang laban na ito.Handa ako noon pa man.
Ipaglalaban kita kahit pigilan pa nila ako.
Ipaglalaban kita dahil mahal kita.
Hindi ako papayag na susuko ako ng hindi lumalaban.Kahit masaktan ako ayos lang.
Kahit sumuko ka na ayos lang.
Kahit alam Kong wala na along pag-asa ayos lang.
Kahit ano pa ang sabihin nila ayos lang.Mahal kita at Ipaglalaban kita.
Sa ayaw at sa gusto mo ipaglalaban kita.
Para kahit hindi ako manalo sa laban at least naipakita ko sa lahat name kaya Kong lumaban.
Kaya Kitang IPAGLABAN dahil MAHAL KITA.Oo umiiyak ako.
Oo nalulungkot ako.
Oo nasasaktan ako.
Oo mahal kita at hindi magbabago yon.Sana oras na ako na yung sumuko pakawalan mo na din ako.
Sana hindi na tayo magkita muli.
Sana maging masaya ka.
Sana mahanap mo yung taong kaya kang mahalin ng todo..Sana hindi na kita nakita.
Sana hindi na kita nakilala.
Sana hindi na kita minahal.
Sana hindi na kita maisip araw-araw.Mapagkalaro talaga ang tadhana.
Ano ba talaga ang plano nya?
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.
Puno ng kaguluhan ang paligid.Lalaban ako dahil kaya ko.
Lalaban ako dahil ito ang gusto ko.
Lalaban ako dahil hindi pa ito ang huli.
Lalaban ako dahil Sayo.Ako ang tatapos nito.
Hindi ako papayag na mawala ka sa akin.
Minahal kita at yun ang gagamitin ko para sa huling pag-asa ko.
Mahal Kita at yun 'yon.Kahit sino mang sumubok na pigilan ako ay hindi ako titigil.
Talo ako oras na sumuko ako.
Hinding-hindi ako papayag na diktahan nila ang mangyayari sa buhay ko.
Walang makakapigil sakin oras na magdesisyon ako.
YOU ARE READING
My Compilation
PoetryMy poetry... It's just random things... Hindi lahat poetry talaga... Yung iba pulos kalokohan ko lang...