Bola
Bola, yan ang pinakaayaw ko
Bobolahin ka,
Papaasahin,
Pero sasaktan ka pa rin sa huliPapangakuan,
Mapapako,
Papaasahin,
Sasaktan.Yang matatamis na salitang yan,
Hindi magtatagal yan,
Magiging mapait din yan sa huli,
At masasaktan ka lang.Ingat lang,
Huwag kang mahuhulog,
Dahil pagdating sa baba,
Walang sasalo sayo.Ituturing kang maharlika,
Isang hari o reyna,
Bobolahin,
Pero sa huli iiwan kang walang-wala.Wag kang bibigay,
Taasan mo pa ang bakod mo,
Ikaw ang kawawa sa huli,
Ikaw ang magdurusa.Mag-ingat,
Huwag umasa,
Huwag mahuhulog,
Huwag mawawasak.BOBOLAHIN KA LANG NYAN!
YOU ARE READING
My Compilation
PoetryMy poetry... It's just random things... Hindi lahat poetry talaga... Yung iba pulos kalokohan ko lang...