DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, events, business and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story contains mature scenes and issues, read at your own risk.
WARNING (!) This story contains errors and typos. I can accept criticism but please do not continue if you're going to degrade my work. Bear with me, I'm still on the process to develop my work.
---
"Sure ka na ba talaga ely?"
"Oo naman, bat naman hindi?"
Natatawa kong sabi habang nag- aayos ng maleta. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi talaga okay pero kailangan kong tatagan sarili ko. Hindi naman habang buhay magiging duwag ako, na hanggang ganto na lang ako. Kailangan ko ulit tumayo at lumaban.
Maraming scenario rin ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin pagtapak namin sa manila. Kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito, kung magiging maayos ba ang takbo ng buhay namin doon. Makakayanan ko na ba ulit balikan lahat. Kaya ko na bang harapin silang lahat, si daddy at tita Ange at lalong lalo na siya.
Madaming mga tanong na pumapasok sa isip ko, tulad ng kung kumusta na kaya ang daddy si tita Ange? Hinahap ba nila ako ni daddy? Kung okay ba sila? Kung masaya ba silang wala ako? Eh siya kaya okay na ba siya? Masaya na ba siya? Kung sila ba ang nagkatuluyan at kung may mga anak na sila. Kung magiging worth it ba lahat ng ito kapag humarap ako sa kanilang lahat?
Siguro, baka, ewan, hindi ko alam. Hindi ko rin alam ang masagot sa sarili kong mga tanong. Masasagot lang naman neto yung mga tanong once na nasa Manila na kami. Pero natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa amin once na nandoon na kami. Hindi ko alam kung matatanggap pa ba nila ako, kung mapapatawad pa ba ako ni daddy at siya pero okay lang naman kung hindi basta siya matanggap nila kahit hindi na ako, kahit siya na lang okay na ako, masaya na ako.
Lalabanan ko itong takot ko at kakayanin kong harapin silang lahat para sa kanya kasi alam kong deserve niya yun, deserve niyang ipagmalaki sa lahat. Hindi yung tinatago ko lang, hindi niya yun deserve yung ganoon. Kung masasaktan man ulit ako sa pangalawang pagkakataon okay lang, wag lang siya. Alam kong malalampasan din namin ito at makakayanan ko rin ito kasi alam kong may nagbibigay lakas sa akin para gawin to.
"Pero ely-"
Pinutol ko na kung ano man ang gusto niyang sabihin. I don't want to hear it. Ayoko nang marining yun pagod na ako sa pagiging duwag ko, pagod na kong tumakbo at magtago na lang. Nakakapagod na rin isipin. Kailangan ko nang bumangon ulit at lumaban. Hindi pwedeng ganito na lang parati na patuloy akong magtatago sa dilim.
Limang taon, limang taon na simula nang mangyari yun pero eto ako patuloy na nagtatago at tumatakbo. Matagal na panahon na rin pala ang nakalipas. Kailangan ko nang lumabas sa madalim na nakaraan at lumaban.
"Don't worry we will be safe and don't be sad nga. Im still going to get in touch. Tsaka ano ka ba sa Manila lang kami ang lapit lang nun tsaka diba susunod ka naman."
Alam ko naman kung ano yung inaalala niya sa akin. Natatakot rin naman ako doon pero wala na akong magagawa kailangan namin lumuwas. Baka siguro ito na rin yung tamang oras para humarap ulit sa kanilang lahat. Para magkaroon na ng kapayapaan ang bawat isa sa amin.
Hindi naman habang buhay aasa ako sa iba, kailangan ko rin ayusin buhay namin. Kailangan kong maging matatag para sa aming dalawa. Wala na kong ibang aasahan kung hindi sarili ko lang.
"Hay ewan ko sayo ely, kung buo na talaga ang desisyon mo wala na rin naman akong magagawa. Susuportahan na lang kita tsaka nandito lang naman ako lagi para sayo" nakanguso niyang sabi habang tumutulong sa akin sa pag aayos ng gamit.
Napayakap ako sa kanya habang naluluha. "Thank you Jane hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka diyan sa tabi ko"
Simula noon siya na yung nandyan sa tabi ko para alalayan ako, hindi ko alam kung malalampasan ko ang lahat ng ito kung wala siya. Kaya sobrang thankful ko na nandyan siya sa tabi ko lagi, na meron akong kaibigang tulad niya.
"Sige na, sige na wag ka nang umiyak ang pangit mo. Ituloy mo na lang yang pag aayos mo at tatawagin ko yung makulit." untag ni Jane.
Nakasimangot akong humiwalay sa kanya at sinabunutan siya. Natawa ako ng bigla siyang napahiga sa kama. Tumakbo ako at lumapit sa drawer para kunin yung ibang gamit namin. Nagulat na lang akong bigla niya akong pinalo sa braso bago siya umalis kaya naman pinagpatuloy ko na lang yung pag-aayos ng mga maleta namin.Umiling Iling na lang ako dahil doon.
Kailangan ko na ulit maging matapang, kailangan ko na ulit lumaban para sa amin. Lahat gagawin ko para sa aming dalawa. Haharapin ko lahat ng sumira sa pagkatao ko.
Alam ko sa sarili ko na okay na ako, siguro. Pero kakayanin ko lahat lahat dahil may dahilan na ako para tumayo at lumaban.
"Mommy! Mommy!"
Nakangiting napatingin ako sa isang batang nagmamadaling pumasok habang hawak hawak ang kanyang teddy bear at may kinakaing cotton candy.
BINABASA MO ANG
Dominating Soul
General FictionElizabeth Gomez is a great pretender. She's broken, but, she continues to fight and to look like a normal girl. But when she met Zachary Lewis, she thought to be okay and could trust the man himself but, she was wrong. Is there any chance that they...