The First Day of School

5 0 0
                                    

Unang araw ng eskwela ngunit si Henry ay tulog pa.Puyat nalang kasi palagi dahil sa kaka laro sa kanyang Cellphone.Kahit siya'y 3rd Year High School na ay may pagkaisip bata pa.Mahilig sa Online Games at mga MMORPG na laro.Tumunog ang alarm na kanyang sinet at siya'y nagising.
"Lintek 1st day nga pala ngayon...isang taon na naman ang pagpapaguran ko."
Bumangon na sa kanyang higaaan si Henry at nagtimpla ng Kape.Habang nagaalmusal ng Kape at Pandesal ay napaisip siya.
"Anong uri na naman kaya ng Hayup ang mga magiging kaklase ko?...sana naman walang mayabang at sisiga siga."
Pagkatapos magalmusal ay dumeretso nz siya sa pagligo at nagsepilyo.Nang naglalakad na siya papunta sa School ay napansin napansin niyang marami ang nagmamadaling pumasok at tinawanan niya lang ang mga ito.
"Magmamadali kayo eh unang araw palang naman at okay lang malate dahil wala pang masyadong gagawin"
Sabi niya sa kanyang isip habang nakikinig ng tugtog at ineenjoy ang malamig na hangin.Pagkarating ni Henry sa School ay dun niya lang naalala na may mga Student Council na pagsasamahin ang mga magkakaklase.Siksikan na kahit umaga palang at ang lahat ay tumagaktak na ang pawis.Hinanap niya ang kanyang Section at ng makita niya ito ay agad siyang nakipagsiksikan.Nang makalagpas na siya mga nagsisiksikan ay luminya agad siya.Napansin niya ang babaeng maiksi ang buhok at medyo singkit.Nagulat siya dahil kaklase pala niya ang kanyang crush last year.Sobrang tuwang tuwa si Henry at napahawak nalang sa kanyang dibdib.
Yes!!! "Lord thank you po sa support niyo"
Nagpasalamat nalang siya sa diyos habang tuwang tuwa.May napansin siyang isang babaeng tahimik at maganda na kaklase niya at nasabi sa sarili na...
"Siguro eto magiging Muse namin o kaya si Crush ko hehe yiiiiieee!"
Nasa room na sila at nagpakilala ang kanilang Adviser...
"It's nice to meet you my new advisory class and I hope na mahigitan niyo ang advisory class ko last year...dahil sa totoo lang ayaw ko sa mga bobo...
Napatawa ang buong klase sa sinabi ng kanilang Adviser.
" My name is Jake Paul Mendiola at pogi ako...sa paningin ko.Anyway I'm a Science Teacher and also a graduate of this school.Alam niyo ang definition ko ng Bobo?...yung mga student na puro liptint at barkada ang inaatupag.Tatambay sa may 7/11 tas magttwerk"
Nagingay ang buong klase at nagsitwanan.
"So okay naman kayo sa mga katabi niyo wala namang may putok."
Hindi alam ni Henry ang gagawin dahil sz tabi niya tumabi ang kanyang crush.
"Sa ngayon eto muna room natin class dahil dipa alam kung san talaga tayo"
"OKAY PO SIR!!!"
Kabadong kabado si Henry at nanginginig.
"Shet ano ba to lintek naman oh gusto ko siyang kausapin...kailangan ko siyang makasundo bago ang uwian namin"
Sinabi ni Henry sa kanyang sarili at pinipilit na itigil ang panginginig.
"Ilan ba tayo sa linya?"
Ang biglang tanong ng crush ni Henry sa kanya.
"Ay diko lang alam...Dhannie ang name mo tama?"
Tanong ni Henry...
"Oo Dhannie Incarnacion ang name ko and ikaw?"
Napalunok si Henry at sinabi na...
"Henry Florencio Noran ang name ko"

"Ah sige sige"
Sabi ni Dhannie kay Henry
Natapos ang araw na yun at hindi sila naging magkasundo.
Pagkauwi sa bahay ay biglang nanghinayang si Henry.
"Chance na yun eh lintek naman oh"
"Di bale may next time pa naman"
Sabi ni Henry habang nakatingin sa kisame.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh My Muse!!!Where stories live. Discover now