Chapter 2

7 2 1
                                    

Habang naglalakad ako sa madilim na daan pauwi sa bahay namin, may nakita akong mga kalalakihan na pilit may kinukuha sa isang matanda sa isang eskinita. Halos ganito naman talaga ang buhay dito, talo ang mahina lamang ang malalakas. Pinagpatuloy ko nalang yung paglalakad ko habang sinasabi ko sa sarili ko na okay lang yan Elle. Di naman nila sasaktan si lolo eh. But I'm wrong. Maya maya lang ay narinig ko yung boses ni lolo na parang may iniindang sakit. Lumingon ako at nakita ko na sinikmuraan ng isang unggoy si tatang. At dahil sinaktan nila si tatang, no choice na ako kundi gantihan sila at iligtas si lolo. This what I hate to myself. Napaka super hero kineme ko. I tried resisting my urges many times, everytime I see a scene like this but I just can't. So I told to myself na hindi ako makikialam hanggang walang nasasaktan kasi many times na nangyari sa akin na nakialam ako but sa vandang huli ako pa yung masama kaya I limit myself to that. Hypocrite right? Well, that's me. Wala ka ng magagawa dun.

And back to the scene. Akmang susuntukin ulit nung unggoy si lolo ng sumigaw ako.

"HOY! GORILLA! WHAT ARE DOING AH! DI NA KAYO NAAWA SA MATANDA PINAGKAIASAHAN NYO PA NG MGA KASAMAHAN MO GALING ZOO! BUMALIK NA NGA KAYO DUN! TAPOS NA ANG VISITING HOURS!"

"Abat! Tarantado pala tong pakialamerang babaeng to eh! Lakas makapang lait akala mo maganda! Bakit! Sino ka ba ha?!" Singhal nya sa akin.

"Aba't mas tarantado ka rin! And FYI di ako sinuka! Inire ako! Inire! Do you understand?! And yung kapangitan ko may pag asa pa, eh yung sa inyo? Wala na! Kaya forever na kayong mga pangit! Whahahahaha!"

"Ganun pala ah! Humanda kang pakialamera ka at malilintikan ka sa akin!" Sabay sabay nilang iniwan si lolo at sabay sabay din silang lumusob sa akin.

*booooghs*

*blaaaag!*

*craaaash*

*kacheeng!*

*ping ping ping ping*

Huh? May ganun bang sound?

*blaaag!*

*blaaakadag!*

"Ano?!! Lalaban pa kayo?! Kayo eh! Dapat di nyo na sinaktan si lolo, kalalaki nyong tao! Pasalamat kayo ayan lang inabot nyo sa akin! Hala magsilayas kayo dito!" Sabi ko sa kanila habang mga nakahilata sila sa tabing daan.

Nasabi ko ba sa inyo na isa akong black belter? Isa yun sa mga dahilan kung bakit di ako pwedeng makipag rambulan ng walang dahilan. Mawawalan ako ng lisensya kapag nalaman na trouble maker ako. Minus isang trabaho din yun kapag nawalan ako ng lisensya. Kaylangan ko pa naman ng pera.

Habang nagmomonologue ako ay pinili na nga unggoy na umalis na kinahahandusayan nila. Bah! Dapat lang noh! Anong akala nila sa daan, kama nila? Nung nakita kong wala na sila ay tumingin naman ako kay lolo.

His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon