Bawat araw'y nararamdaman ko.
Aking pag iisa at ang paglayo mo.
Bawat hakbang mo'y palayo na.
Parang hudyat na ibig sabihi'y tigil na.
Pagpatak ng oras ay kaybilis.
Pintig ng puso mo'y di na marinig.
Sabihin mo kung ako'y mahihintay pa;
Sabihin mo kung sa puso mo'y may iba na;
Sabihin mo kung ako pa ba talaga?
Sabihin mo lang....
Kung hindi na ako, ay malaya ka na.
Wag ka ng magtaka;
Oo. Pinapalaya na kita.
Kahit di ka saki'y papalayain kita.
Palalayain kita sa rehas na ginawa ng puso ko.
Palalayain kita sa aking mga bisig na tanging yakap mo lang ang gusto.
Palalayain kita sa paraang gusto mo.
Alam ko, pagod ka na.
Alam ko, wala na talaga.
Pinapalaya na kita.
Pinapalaya ko na rin ang pakiramdam ng mag isa.
Mag isang umiibig sa taong walang pakealam.
Ay hindi pala, "walang alam".
Walang alam na sya'y iniibig.
BINABASA MO ANG
M.U. (Mag-isang Umiibig)
PoetryOctober 29, 2017 Photo cover credits to: Black Backgrounds