Alumni Homecoming
"She's not even interesting for me.." After he said those words ay ngumiti pa ng nakakaloko sa kaibigang kaharap.
"AGHHHH!" I suddenly opened my eyes at agad na napahawak sa sentido nang mapansing lahat ay nakatingin sa akin, oo pati si kuya Caloy na nagda-drive ay chineck din ako sa rear view mirror. Nakakainis lang, agad kong isinuklay sa maiksi kong buhok ang aking mga kamay na akala mo naman ay nagulo iyon.
Naramdaman ko nalang na agad lumapit si Maddy at saka ako nito sinundot sa braso, "anong nangyari sa'yo?"
"Bad dream." I murmured as I focused my eyes outside.
Ahhh..Philippines..
"Weh.." Magkakasabay na usal ng lima. Haay, kaasar. Paano ko ba natiis ang mga ugali ng mga ito? I smiled unconsciously pag naiisip ko ang mga kalokohan pa namin noon, di ko nga naisip na ganung katagal narin pala ang pinagsamahan namin pero pag nagsama sama, parang katulad parin ng dati.
Mga isip bata.
Di ko na sila pinansin at saka ko muling ipinikit ang mata ko, akala ko ay okay na, ang kaso lang--
"Ahh..alam ko na.." boses iyon ni Maddy, nanatili paring nakapikit ang mga mata ko habang hinihintay ang susunod niyang sasab--, "eto oh, you're invited to the Alumni Homecoming of St. Michael's University batch of 2007!" Napamulagat agad ako sa narinig, pero huli na, naipasa na ni Maddy ang imbitasyon kay ate Hanna na nasa passenger seat.
ANO BA?!
"Aba, oo nga no? Kaya ka pala umuwi bigla ah!" Ngiti ni Annie.
"Ah Leila, di'ba nakwento mo noon yung tungkol sa ka-MU mo na si A..A..ano nga ulit ang pang--" I immediately glared at him, kaya naman napasandal nalang ulit ito, "sabi ko nga tatahimik na." Itinaas pa nito ang kamay tanda ng pagsuko.
"Ah..yung pogi!" Daaah! Alam ko, kaya nga mayabang ang hayup na 'yon eh. I rolled my eyes sa sinabing iyon ni Annie.
"Hindi ko ata alam iyon?" Ngisi naman ni kuya Caloy, hay nako.
"Wag mo ng alamin kuya da--"
Di pa man ako natatapos sa sasabihin ay bigla na lamang nagsalita si ate Hanna, "kasi ganito yan.."
Wala na akong magawa..sumandal na lamang ako at tumahimik.
Transferee ako noong first year high school sa St. Michael's University sa aming probinsya, iyon kasi ang gusto ni tita. Ang tita ko kasi ang nag-alaga sa akin eversince kaya naman lahat ng utos nito ay sinusunod ko. Ayos naman ang iba kong mga kaklase, uulitin ko, 'iba' hindi kasi lahat ay okay kasama.
"Bago ka dito no?" Napatingin agad ako sa nagsalita saka ako tumango ng marahan dito.
Cute ito, medyo may katangkaran at tama lang ang katawan, nagba-basketball siguro? Nakangiti ito sa akin, pero hindi ko alam kung dapat din ba akong ngumiti pabalik dito, nakakahiya eh?
"Aaron Lacsamana pala, section 1-A." 1-A? Napatingin ako sa hawak na registration card at saka ko muling ibinalik ang tingin ko sa kanya.
"S-saan yung classroom mo?"
"Sa dulo ng hallway, by any chance, classmate ba kita?" Tumango na lamang ako dito tanda ng pagsang-ayon, "great! Sabay na tayo." Nagpatiuna na siya sa paglakad habang ako ay nakasunod rito, pinapasadahan ko rin ng tingin ang bawat madaanan naming mga rooms, medyo may pagka-photographic memory kasi ako.
Agad akong humanap ng vacant chair, pero mukhang minamalas ata ako dahil nasa row 4 na ang karamihan ng bakante. Ang swerte lang, papunta na sana ako ng bigla nanamang nagsalita yung lalaki..