Chapter. 06

42 4 0
                                    

Chapter. 06

Nathan's POV.

August na.. Ang bilis ng araw.. Ulan ng ulan. Badtrip lagi tuloy traffic.

Dalawang bwan nadin pala kaming nag aasaran ni Ashlee. Hindi ko na sya isinasama kung san-san baka kasi ma chismis ako dun sa panget na yun. Binibigay ko nalang yung ice cream na napag pustahan namin. Para talaga syang bata hindi na nagsawa sa ice cream. Sana mabungi sya. Hahaha.

Nagmamadaling umalis ng classroom namin si Ashlee. Parang hinahabol ng aswang eh. Edi hinahabol sya ng sarili nya? Bwahaha.

Umuwi na din ako. Mejo late na nagpa uwi ung teacher namin. Mga 8pm na. Dapat 7pm lang eh. Pinagalitan pa kasi kami. Mga walangya kasi mga kaklase ko at kasama ako dun. Hahahaha.

Sumakay na ako sa sasakyan ko.

Bakit nakabukas yung pinto ng back seat? Naiwan ko ata. Ayt! Gurang na ata ako.

Bago ako pumasok sa kotse ko. Parang may nararamdaman akong sumusunod sakin.

Lumingon lingon ako sa paligid wala naman tao. Meron man konti nalang kasi nga 8pm na kami pinauwi kaming section lang.

"Ay ginahasang kabayo ka!"

"Ay sorry Nathan. Sorry nagulat ata kita"

Muka ngang nagahasa to ng kabayo. Hahaha.

"Ay hindi. Hindi ako nagulat. Na excite lang ako" biro ko.

"Sorry po talaga"

Mukhang bata pa to. Mga 2nd year siguro. Pero bakit andito pa sya? Eh pang umaga ang 2nd year.

"Hindi ok lang anu kaba. Nagbibiro lang ako. Sino kaba? Ano ba kailangan mo?"

"Ahm... Nathan.. Kailangan kita"

Alam ko naman na pinagkakaguluhan ako sa school pero iba to eh. Iba talaga.

"Ha?? Bakit?"

*Booooooooommmmm!*

Anu yun? Parang may sumabog sa bandang likod ko. Kaya tinignan ko ang paligid ko. Parang wala naman.

"Ahm.. Atte--"

Napatigil ako sa pagsasalita. Bigla kasi nawala yung babae sa harap ko. Putek! Tumayo balahibo ko. MayGAWWWDD! O_______O

Binilisan ko ang pag sakay ko sa sasakyan. Hindi dahil sa takot, gabi nadin kasi (PALUSOT.Com)

Atapang atao. Hindi atakbo! (weee?)

Binilisan ko na ang uwi.. Badtrip traffic baka after 28years pa ko makauwi. Haixt! Kainis.

Ayun! May shortcut. Dun na ako bumaling. Mejo madilim pero ayos lang at least makakauwi na kagad ako.

"Psssst!"

Sino yun? Tumingin ako sa paligid wala namang tao.

"Psssst!" with matching kalabit.

"Ay asawang! Este aswang!"

Pero wala pa din namang tao. Grabe ha. Nakakainis na. Hindi ako naniniwala sa multo!

"Hihihihi" (tawa ng mga witch)

Parang sa loob ng Kotse ko nanggagaling ang boses.

"Is anybody here?"

Silence...

Silence....

Silence..

Pinalilibutan ng katahimikan ang kapaligiran..

"Kung sino ka man magpakita ka!"

"Sigurado ka?" (with the voice of the devil girl)

Hininto ko ang sasakyan.

"Oo! Hindi ako natatakot sayo"

"That's your Final answer?"

"Ahm? Teka pag iisipan ko. May lifeline ba? Ask the audience? Call a friend? 50:50?"

Wow. Tekk! Nakuha pa naming magbiruan. Hahaha. Matatawang natatakot ako. O_____<

"Go to Hell" she replied. Boses babae eh. Nakakatakot nga lang.

Hindi na ako nakasagot sa takot. Binilisan ko na ang maneho para makauwi na hindi na ako nagpa apekto sa mga kalabit at boses na naririnig ko.

"Nyahahaha"

"Nyehehehe"

"Nyihihihi"

"Nyohohoho (caugh! Caugh)"

Nasamid pa ata ang Bruha. Hahaha.

Ako na ang nagdugtong kawawa naman nasamid pa. Hahaha.

"Nyuhuhuhuyy!"

"Your wrong! Dont look at your mirror. If you do. Joo goo lae?"

Joo goo Lae means "wanna die?" aba ang dimonyo mahilig ata sa K-Pop!

Hindi na ako sumagot at nagmadali na akong pumasok sa kwarto ko at ni lock ko yung door. Nag shower na muna ako sa banyo (alangan naman sa kusina)

Maya maya biglang namatay ang ilaw.

"Ay tae! Sino nag patay ng ilaw? Manang! Manang!"

Sigaw ko pero. Walang sumasagot hindi ata ako narinig. Kukunin ko na ang towel ng bumukas yung maliit na bintana sa may taas pumasok ang hangin. Nilamig tuloy ako kaya nagmadali na akong lumabas sa banyo.

"Waaaaaaaaaaaaahhhhhhh"

*Blog

*Blog

Nahimatay ata ako..

*******

[A/N:

Bakit kaya sumigaw si Nathan? Ano na nangyari sakanya?

Naging Horror ata ang Teen fiction/ Romance Ko. Hahahaha. Just watch it este read it ang mga susunod na kabanata.

If you like it just Hit VOTE and be a Fan! ^________^

ForeverLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon