Chapter 1

7 0 0
                                    

Story

Yes! Chapter 1 na! Parteh Parteeehhh!

Althea's P.O.V {Point of View}

Ako si Althea Jimenez, 20 and a half years old, 3rd year college at ang kinuha kong course ay.... Culinary Arts!!! Gusto ko kasi mag tayo ng sariling restaurant at scholar ng ISU or Infinity Star University. Anyway! Andito ako sa may corridor at stino-stalk ang minamahal kong Kiel Kiel ^w^.

"Bakit ba kasi ang gwapo gwapo mo, Aking minamahal na kiel?" Sabi ko pero siyempre mahina lang, hihihihi. Nag hi ako sa mga dumadaan dito, Friend ko kasi silang lahat eh xDDD

"Hoy babaita! Sinisilip mo nanaman ang kiel kiel mo! Mamaya baka sumunod ka hanggang banyo eh!" Sabi ng bespren kong si Janna. Ang tunay niyang pangalan ay Johanna Annee Hernandez,20 years old at Culinary Arts din ang course niya, Bespren ko yan since infant times.

" Hay nako. Puro nalang kayo, Kalokohan!" Sermon sa'min ni Risa. Half japanese and filippino, At ang kinukuha niya ay Fashion Designer. 21 years old na siya kaya siya ang pinakamatanda sa barkada namin.

"Gomene, Gomene hahahahaha! Pati ba naman ngayon Risa?! Bulol ka pa 'rin?! Hanahahaha!"

"Shatap Janna!" Nag tatawanan lang kami dito sa may corridor ng mag ring na ang bell. Times up na ang breaktime nina Risa.

"Osige! Bye na Risa! Ja, Mata ne!!" Lokang sabi ni Janna, Si Janna kasi yung happy go lucky, Pareho lang kami. Hihihihi.

"Baka! Bye Ali, Punta na ako sa Class baka si Sensei Tan ay magalit." Nag beso beso kami at pagkatapos nun umalis na siya, Lumingon naman ako para kausapin si Janna about dun sa Cake assignment namin kaso nawala siya, Lokang babaeng yun ah!

"Janna! Hooy! Hoy Janna!" Tawag ko sakanya pero walang sumasagot. Hala... Patay... Nawawala si Janna!!

Naghanap hanap lang ako dito kasi baka andito siya eh.

"Miss. Nawawala ka ba?" Lumingon ako sa isang lalakeng nakaputi Pero hindi pinapakita ang mukha, Pero baka gwapo eh, Gwapo ang boses niya.

"Hinahanap mo ba ang kaibigan mo?." Pero ngayon parang nag iba na ang boses niya... Hala may talent tong lalakeng toh ah!

"Ah opo!" Lumingon lingon lang ako habang ngumingiti.

"Wala na siya." Tumingin ako sakanya

"Kaya nga diba hinahanap ko siya? Hay nako kuya." Umiling iling ako at patuloy ng paghahanap. Pero infairness ha, Hindi pa nag riring ang bell. Tiningnan ko muna uung phone ko kung anong time na kaso walang lahat. Wala yung time, Yung menu o kaya mga application man lang. Hala....

Sira na ang Samsung Galaxy Mini ko! Pinag ipunan ko pa naman toh... huhuhu bagong bili ko lang toh eh!

"Wala ka ng mababalikan pa.

Miss Jimenez

Miss Jimenez

Miss Jimenez

Miss Jimenez!!"

"Aahhhh!!!" Nagmulat ako ng mata pero Siomay Gad! Panaginip lang pala yon!! Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko andito pa pala ako sa may room namin.. Naku nakatulog pala ako dahil kay Sir! Siguro in-e-explain nanaman niya ang pag luto ng kanin. Haaay.

"Natutulog ka nanaman sa Klase Miss Jimenez! Go out!"

"P-Pero sir... Hindi po ako natutulog..."

"Eh anong ginagawa mo, ha? Miss Jimenez?!"

"N-Nag... Nag iimbento kung pwede ba ako makinig sa mga boring mong explanations habang tulog! Tama!" Pangiti kong sagot.

"Labas ka!!!" At ayun... no choice kaya lumabas ako. Haaayy... Dito muna ako sa may bench at mag papahinga muna si Mr. Brain. Habang humihiga sa bench ay may sumulpot na girl, At kilala ko kung sino siya, Siya si Malan Dina Tores. Anak ng principal naman kaya mapride siya.

Once Our Fairytale Ends.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon