12:31 [Alice's POV]

410 4 1
                                    

A'N: Here's a short story na naglaro sa utak ko habang stranded ako sa dorm. Why stranded? Kasi this was the time when hinahagupit tayo ng bagyong Gener at ang lakas talaga ng ulan at hangin dito. Keep safe, mga kapwa NoyPi! My prayers would all be with you! 

****

Hatinggabi na, pero hindi pa rin ako makatulog.

Hayy. Ang hirap talaga kapag may insomnia. Para akong kwago sa gabi, mulat na mulat ang mga mata, pero padating naman sa umaga, parang intsik. =_=

Napatingin ako sa orasan ko. 12:31 na. Tapos ko nang ireview ang mga i-qui-quiz namin bukas, pati nga advanced reading nagawa ko na.

Napabuntong-hininga ako. Magbibilang na naman ba ako ng tupa ngayong gabi?

Dahil wala ng maisip na gawin, binuksan ko nalang ang My Folders sa Messages ng phone ko at binasa isa-isa ang mga nakasave na messages doon.

Napapatawa na kinikilig ako habang binabasa ang mga messages sa akin ni Kevin, ang vice president ng klase at ang best friend ko. Nakakatawang isipin na sa halos 5 buwan naming pagkakaibigan, 150 messages ni Kevin na ang nai-se-save ko sa phone ko ng hindi ko namamalayan.

Bigla ko tuloy naalala kung paano kami nagkakilala.

Entrance exam noon para sa college na gusto kong pasukan. 10 minutes na lang at ipapasa na ang mga answer sheets.

Natatarantang hinahanap ko noon ang eraser ko kasi ang dami kong gustong baguhin. Pero pesteng eraser, kung kailan kailangan saka hindi nagpapakita.

“Five minutes left. Start finalizing your answers,”

Nadoble ang pagkataranta ko. Iniisip ko kung magtatanong na ako sa proctor ng extrang pambura ng may marinig akong bagay na bumagsak sa gilid ko.

Lumingon ako at nakita kong may kapiraso ng pambura ang malapit sa paanan ko. Tumingin ako sa gilid at nakita ko siya.

Nakasuot siya ng simpleng checkered na polo at jeans, may mala-Ninoy na salamin sa mga mata niya at ang mga labi niya ay nakangiti. Nahihiyang napangiti rin ako, at doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.

“Kevin...” sambit ko habang nakatitig sa pangalan niya sa phone ko.

Ilang minuto rin akong nakatulala ng nangawit ang kamay ko at di sinasadyang napindot ang call button, na agad nag-connect call dahil soft touch ang screen ko.

Bago ko pa ma-end call, narinig ko ang boses ni Kevin.

“Hello?”

Pagkarinig sa boses niya, naramdaman kong kumalma ang sarili ko. Parang may soothing effect ang boses niya sa akin.

“Kevin...”

“Alice?”

“Salamat sa pambura, Kev.”

“Ha? What’s wrong Alice? Hindi ka na naman ba makatulog?”

“Oo eh,”

“Gusto mo kantahan ulit kita?”

Maganda ang boses ni Kevin. Para akong hinehele ng mga anghel tuwing kinakantahan niya ako.  Sa totoo lang, at sa tingin ko talaga, ang boses lang niya ang kailangan ko para makatulog ako ng hindi binabangungot.

“Sorry, Kev. Sa susunod, irerecord ko na ang boses mo para hindi na kita palaging naabala,” nahihiyang sabi ko.

Narinig kong tumawa siya. “Ok lang yun, Alice. Mas gusto ko nga na tinatawagan mo ako.”

“Bakit? Gusto mong magka-eyebags din?”

“Sira. Mag relax ka na nga lang dyan. Ano gusto mong kantahin ko?”

“hmm.. ikaw na ang bahala,”

“O sige, ito nalang.”

Ni-loud speaker ko ang phone kahit na pwede ko namang ilapit nalang sa tainga ko. Mas gusto ko kasi na naririnig ang boses niya sa bawat sulok ng kwarto ko.

When I see your smile

Tears run down my face

I can't replace

And now that I'm stronger I've figured out

How this world turns cold

And breaks through my soul

And I know, I'll find deep inside me

I can be the one

“Ang galing mo talaga kumanta, Kevin...”

I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to Heaven

It's okay, it's okay, it's okay

Unti-unti na akong hinihila ng antok. Effective palang sleeping pill itong si Kevin.

Seasons are changing and waves are crashing

And stars are falling all for us

Days grow longer and nights grow shorter

I can show you, I'll be the one

“Kevin...”

Habang nakahiga ko sa kama, nakikinig sa boses niya, na-realize ko kung gaano kaimportante sa buhay ko si Kevin. Simula sa pagiging vice president, naging best friend, naging sleeping pills, at ngayon ang lalaking mahal ko na pala.

I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to Heaven

'Cause you're my, you're my, my

My true love, my whole heart

Please don't throw that away

Unti-unting humina ang boses niya kasabay ng pagbaba ng talukap ng mga mata ko.

'Cause I'm here for you

Please don't walk away

And please tell me, you'll stay, stay

Use me as you will

Pull my strings just for a thrill

And I know, I'll be okay

Though my skies are turning gray

I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to Heaven...”

“Kevin..” mahina kong sambit. Narinig kong tumahimik siya sa kabila.

“Kevin, I love you...” bulong ko bago tuluyang makatulog. Sa susunod na magkaroon ako ng lakas ng loob, sasabihin ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Ang mga Maiikling Kwento ni LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon