Guys, this is the same story, pero in Kevin's POV, so ang side naman niya ang makikita ninyo. Please do read it :) Comment and vote kung sa tingin po ninyo deserve naman :D SALAMAT po! ;)
****
Hatinggabi na, pero hindi pa rin ako makatulog.
Hayy. Ang hirap talaga kapag in love ka. Nasasayang ang ilang oras mo para makatulog kasi gising ka at iniisip ang taong mahal mo. Iniisip mo ang mga pantasya mo sa kung ano ang maaring mangyari sa inyong dalawa habang nakahiga ka sa kama. =_=
Napatingin ako sa orasan ko. 12:31 na. Tapos ko nang ireview ang mga i-qui-quiz namin bukas, pati nga mga class notes para sa lessons namin nagawa ko na. Bilang Vice President, palagi kong binibigyan ng lesson outlines ang mga kaklase ko para hindi sila mahirapan mag-review. In a way, narereview na rin ako habang sinusulat ang mga important stuff sa reviewer.
Napabuntong-hininga ako. Ano na naman kaya ang gagawin ko para mawala naman kahit sandali lang sa isip ko si Alice? Magbibilang na naman ba ulit ako ng tupa ngayong gabi?
Dahil wala ng maisip na gawin, binuksan ko nalang ang My Folders sa Messages ng phone ko at binasa isa-isa ang mga nakasave na messages doon.
Binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang My folders. Binuksan ko ang folder na “Alice” at binasa isa isa ang mga messages ni Alice, ang best friend ko. Nakakatawang isipin na sa halos 5 buwan naming pagkakaibigan, pero heto ako, may 200 messages ni Alice na nakasave ng hindi ko namamalayan.
Habang binabasa ko ang pinaka-recent na message sa akin, naalala ko kung paano kami nagkakilala.
Entrance exam noon para sa college na gusto kong pasukan. 10 minutes na lang at ipapasa na ang mga answer sheets.
Kanina pa naagaw ng pansin ko ang babaeng nasa gilid ko. Kitang-kita ko na natataranta siya habang may hinahanap na kung ano. Napangiti ako habang tinitingnan ko siya. Mahaba ang kanyang nakalugay na brown na buhok, at nakasuot siya ng isang pink shirt at simpleng maong jeans na tinernuhan ng puting flat shoes.
“Five minutes left. Start finalizing your answers,”
Buti nalang tapos na akong magsagot at hindi nakatingin sa gawi namin ang proctor dahil aliw na aliw ako sa babae sa tabi ko. Ilang minuto ko siyang tiningnan at nahulaan ko na hinahanap niya ang pambura.
Muntik na akong matawa ng mapansing ang hinahanap niya ay nasa bandang likod ng upuan niya. Hindi niya iyon makikita kung pagbabasehan ang anggulo na pinangtitingin nito.
Kinuha ko ang pambura at hinati iyon sa dalawa. Hinayaan kong malaglag iyon sa kamay ko para malaglag sa aisle sa pagitan naming daliwa.
Napansin naman niya ang pambura at tumingin sa akin. Napangiti ako ng makita ang kanyang mga kumikislap na mata. Nahihiyang ngumiti rin siya sa akin, at feeling ko ay ang saya saya ko noong araw na iyon.
“Alice...” sambit ko habang nakatitig sa pangalan niya sa phone ko.
Ilang minuto rin akong nakatulala sa phone ko ng biglang mag-vibrate iyon at tumunog ang ringtone ko. Ang pangalan ni Alice ang nakadisplay sa screen. Ano kaya ang problema? Nag-aalalang sinagot ko agad ang tawag.
“Hello?”
“Kevin...” Narinig ko na naman ang boses niya. Kahit na noong Friday lang kami huling nagkita, namiss ko agad ang boses niya.
“Alice?”
“Salamat sa pambura, Kev.”
Pambura? Hindi ko matandaan na may pinahiram akong pambura sa kanya noong Friday.
BINABASA MO ANG
Ang mga Maiikling Kwento ni Lily
Teen FictionA compilation of short stories na nakalabas sa magulong imahinasyon ni Lily. Note: hindi lahat ay Romance at hindi lahat happy-ever-after ang ending. Another Note: Minsan lang mag-edit ang author kaya patawarin ang typos. another Note: sana mag-enjo...