Wala akong ibang naaalala tungkol sa Pamilya namin nung bata ako kundi saya.
Pero dahil iba ang gusto ng mundo,
hindi tumagal sakin ang sayang inaakala kong pangmatagalan.
14 years old ako nung nagpaalam si Tatay na may seminar sa isa sa mga sister company ng business namin sa Australia ang pupuntahan niya.
At first syempre sobrang lungkot ko.
Kase nung time lang na yon mahihiwalay ng matagal si Tatay samin ni mommy.
Pero dahil sa pagpapaliwanag ni Mommy sakin, syempre wala na kong ngawa kundi umiyak.
"Tatay,bilisan mo lang dun ha. Magbibilang ako sa calendar until the day you came back. Remember its 3 months before my 15th birthday."
"Of course my princess,Tatay will be back as soon as possible. I love you both."
At yon yung huling conversation namin ni mom with Tatay.
First week nung umalis sya, wala siyang emails,messages kaming na recieve from him.
Si mommy nagsisimula nang ma depress. Never ko siyang nakitang uminom ng alcohol until that instance.
Sobra akong nasasaktan.
Dumaan ang tatlong linggo, isang buwan, tatlong buwan, hanggang umabot ng isang taon.
Lumagpas ang birthday ko,anniverssary nila ni mommy.
Hirap na hirap na kmi.
Si mommy hindi na inaasikaso ang business namin. Sinubukan kong hanapin si Tatay.
Kinausap ko ang mga family friends namin, mga uncle ko sa australia, pati ang mga employees namin.
Pero wala tlagang nakakaalam or wala lang may lakas ng loob na magsabi samin ni Mommy.
Lumipas pa ang ilang taon.
18 years old nako.
Nagsasawa na ko sa kakahanap sakanya, tumigil na ko sa pagaaral.
Na bankrupt na kami at nauwi sa wala ang business namin.
Tanging ang savings ko at ni Mommy ang patuloy na bumubuhay samin.
Hindi ko na kayang pgsabayin ang pagaaral at pagbabantay kay mommy.
Dahil sa sobrang na depression niya,there comes a time na nag commit siya ng suicide. Thank God at naisave ko pa siya from her near death.
At hindi ko na hahayaan na maulit pa yon.
Palagi akong nagiisip ng mga dahilan kung bakit ako ganto katibay.
Kung bakit diko magawang sumuko.
Kung bakit sa araw araw na paghahanap ko kay Tatay ay hindi ako nakakaramdam ng galit sakanya?
Kung bakit umaasa pa din ako na babalik siya at mabubuo ulit yung pamilya nagisnan ko.
Sobrang namimiss ko na sila ni Mommy.
Pero habang iniisip ko yang mga yan, tinititigan ko si mommy habang nakatulala siya sa kawalan.
Parang may inaantay na di naman dumadating.
Naisip ko na bakit hindi ba ako tumigil na maghanap kay Tatay at ilipat ang atensyon ko kay Mommy.
Dumaan ang mga araw unti unti kong nakalimutan ang taong bigla na lang kaming naiwan, at si Mommy patuloy na din ang paggaling.
Sa unti unting paggaling si Mommy,nakabangon kami.
Nakabalik ako sa pagaaral at nakatapos sa course na Business Management.
Walang may gusto nang nangyari sa pamilya ko.
Pero kailangan na naming mag move on at ipagpatuloy ang buhay.
BINABASA MO ANG
Worth the Pain
Teen FictionIto ay storya ng buhay ng isang dalagang walang sawang lumalaban sa buhay para makuha ang "True Happiness" para sakanya at sa nanay niya. Pasukin natin ang buhay ng dalagang pinagkaitan ng tadhana. At tunghayan natin kung pano nabago ng isang binata...