TMD 4: KING'S PLAN, START NOW!.

10 5 0
                                    



ARRIA.


"Pano kayo nag-kakilala ni Zeke? Sorry ha? Gusto ko lang naman na malaman." Tanong ko sabay subo ng ice cream. Nasa ice cream parlor nga pala kami, pinayagan kami ng guard na lumayas. Galing no? Lakas ng kapit!. Haha!. Kasamahan kasi ni Zeke tong si Luie eh. Remember him? The Luie guy?.


"Sya kasi ang tumulong sakin nung mga panahon na kailangan ko ng kasama. Kaya naging close na rin kami." Ah. Kahit pala mga lalaki may mga lonely time din. Kasi diba kapag nakikita natin na may lalaki na umiiyak, bading o mahina ang loob. Hindi rin talaga natin mga babae dapat i-judge silang mga lalaki.


"Ano ang ginagawa ng grupo nyo? Ang dami nyo, grabe! Para kayong mga itim na langgam!. Teka? Bakit pala kayo naka-itim? Pano kayo pinayagan?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya, deretsyo lang ang tingin ko sa mukha nya. Mag kaharap kasi kami. Hey alam nyo ba? I'm already trying my best to be the friendly one, and I'm changing my voice into friendly tone. Pero medyo failed. Tumawa sya at hinawakan ang kamay ko na naka-patong sa lamesa. Tinignan nya ko sa mga mata.


"Malalaman mo yon kapag-sinagot mo ko. Isa ako sa may pinaka-mataas na ranggo, tiyak na gagalangin ka nila." Naguluhan ako sa sinabi nya, anong ibig nyang sabihin?. "Wait naguguluhan ako. Sasagutin kita? Hindi ka pa naman nag-tatanong ah?" Sabi ko. Tumawa sya ng malakas dahilan para mapahigpit ang hawak nya sa kamay ko.


"No Boyfriend Since Birth? Liligawan kita." What the?



---**---



Hanggang ngayon naka-upo na ako sa upuan ko at nag susulat ng mga notes. Hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Luie. Liligawan nya daw ako? Imagine that?


Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Ang sinasabi ng kalahating parte ng utak ko, na totoo ang sinasabi nya? O ang sinasabi ng isa pa na, wag akong maniniwala kasi walang totoo sa sinasabi nya. Naiinis ako bakit ba naman kasi ako naguguluhan, kung pwede na hindi ko na lang pansinin. Kasi salita lang naman yon. Pano kung joke lang pala? Gusto nya lang pala na tumawa ako. Malay ko! Huminga na lang ako ng malalim. Ibinalik ko na sa bag ko ang notebook ko. Aish ang sakit ng ulo ko, hindi talaga ako pwedeng mag-over think.


"Arria? Kanina ka pa, tahimik ah?" Tinignan ko si Shareena na busy na nag-susulat. "Wala may iniisip lang" Matipid na sagot ko, tinuldukan nya ang huling linya sabay tumingin saakin. Ngumiti sya ng matamis pero may ibang pinapahiwatig ang mga mata nya.


"Ikaw ha. Saan kayo galing ni Luie kanina? Bigla kang nawala?" Tsk sinasabi ko na nga at aasarin nila ako. Napa-kamot ako sa ulo habang may ngiting nahihiya sa mga labi ko. Ayaw ko talaga na nalalagay sa ganito. "Uyy. Pag may gusto kang sabihin, sabihin mo lang ah? Makikinig naman ako." Mahinang sabi nya. May sakit ba sya? Kanina ko pa napapansin na malungkot sya.


"Hmm. Ikaw nga ang mukhang problemado. Ano ba ang nangyari?" Tanong ko. Her lovely dark brown orbs looked at my emotionless one. "Can you please, stop being so emotionless?" She asked without blinking.

The Mischievous DareWhere stories live. Discover now