My Delinquent Boyfriend

2.5K 98 33
                                    

My Delinquent Boyfriend

                     Ako si Chlowie Nicole Yoon. 17 ang edad at nakatira sa Chantle Ville Subdivision sa Manila. Ako ay Half Korean at Half Filipino. Ako’y galing sa South Korea. Ako ngayon ay nasa bago kong school dahil ako ay transferee lamang. Bagong lipat lang kami dito sa Manila. Ang dati kong school ay sa Korea. Pinalipat ako ng magulang ko dito sa Pilipinas para naman daw maranasan ko ang mabuhay dito sa Pilipinas. Para sa akin, mahirap kasi wala kang kaibigan kasi bago ka pa lang at wala ka din masyadong kakilala parang loner. Kahit naman sa Korea ako lumaki ay marunong naman ako magtagalog kasi nagtatagalog naman kami doon kapag kami-kami lamang magkakapamilya. Sabi din ng Mommy ko na galing na din kami dito sa Pilipinas.

                     Papunta ako ngayon sa classroom ko pero hindi ko alam kung saan ang daan kaya magtatanong na lang ako. May nakita akong babae na naglalakad. Siya na lang ang tatanungin ko,

“Uhhmm. Miss, Alam niyo po ba kung saan dito yung building ng Business Management?” tanong ko sa babae.

“Ahh. Doon ba punta mo? Sumabay ka na lang sakin, doon din kasi ang punta ko, Candy Lee nga pala yung pangalan ko, Ikaw?” sabi niya sa akin

.” Ahh. Sige. Chlowie Nicole ang pangalan ko.” Sabi ko naman sa kanya.

Parang ang gaan nang loob ko sa kanya kahit ngayon ko lang siya nakita. Sa tingin ko magiging magkaibigan kami. Buti wala pa yung Professor namin kungdi lagot kami kasi 1st day of school tapos late. Nagpakilala na kami at ngayon ay aayusin ang seating arrangement. Doon ako sa may gilid ng bintana nakaupo. Bakante pa yung katabi kong upuan. May biglang nagbukas ng pinto tapos pumasok yung lalaki,

“Mr. Kenji Lee, You may sit on that vacant chair” sabi ng Prof. naming at nakarinig ako ng ilang bulungan tulad ng:

 “ang gwapo nya talaga”,

“I’ll make him mine”,

“My Prince is so Gwapo!”,

“akin siya! Walang aagaw !”,

naramdaman ko na lang na may umupo dun sa katabi kong upuan na bakante kanina. Nakita ko na umubob na siya sa desk niya at natulog. Diba masamang matulog kapag may klase kaya kinulbit ko siya at sinabing “ Mister, Bawal po matulog habang nagkaklase”, wala naman siyang reaksyon, dedma lang. Kinulbit ko ulit siya,

“ANO BAH!! HINDI KA BA TITIGIL!!??” sigaw niya sa akin.

Naispeechless ako sa pagsigaw niya. Kung titignan mo ang amo nang mukha pero demonyo pala. Nagtinginan yung mga kaklase ko sa amin. Ayaw ko talaga ng attention seeker.

“Di pa tayo tapos, Magkikita pa tayo” sabi niya at lumabas na ng room.

Napatingin naman sa akin si Candy na nagsenyas na sabay daw kami maglunch at may ikukwento daw siya sa akin. Nag-okay sign naman ako. Medyo sumakit yung ulo ko.

                     Ang dami kong nalaman nung lunch time sa mga kwento ni Candy. Kakambal pala niya si Kenji Lee. Wag na wag mo daw mababangga si Kenji at baka hindi mo magugustuhan ang maaaring mangyari sayo. Nalaman ko din na lider pala siya ng BlockB Gang. Nung malaman ko iyun bigla akong nakaramdam ng takot. May dahilan naman pala kung bakit naging gangster si Kenji pero hindi niya ito ikinwento sa akin, malalaman ko din daw ito sa tamang panahon. Nagring ang iPhone4s ko, may tumatawag sa akin, unregistered number ang nakalagay. Sinagot ko pa din yung tawag kasi baka importante. Boses lalaki yung tumawag, parang pamilyar yung boses, hindi ko lang maalala kung sino yon, ang sabi lang ay magkita kami sa Starbucks ngayon. Pumunta naman ako at nakita ko si Kenji, baka siya yung tumawag sakin?, Naku, imposible!!

My Delinquent Boyfriend ~ one shot storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon