Chapter 5

13 1 1
                                    

CHAPTER 5

            MICHI’S P.O.V

            Pag gising ko daretso ako sa banyo, naghilamos at nag toothbrush. Pag baba ko sa kusina may breakfast na nauna na naman gumising sakin si Rex sa bagay lagi naman ganon.

            Bumukas ung pinto ng c.r. sa baba at niluwa non si Rex.

            “O anong tinatayo tayo mo dyan kumain na tayo.” Sabi ni Rex tapos sabay upo sa silya

            “Eto na nga po.” Umupo ako sa silya sa tapat ni Rex.

            Habang na kain:

            “Aalis nga pala ako mimiya. Pupunta kami sa mall ni Thea.”

            “Hindi, hindi pwede.” Tapos tingin sakin.

            “At bakit??”

            “Kase baka mapahamak ka na naman. Nung huling punta niyo sa mall ni Thea muntikan ka ng mabunggo ng kotse buti nelang nan doon ako .”

            “Pupunta pa rin ako. May usapan kami ni Thea.” Hindi ako papayag na hindi ako puwede umalis at sino siya para pigilan ako hindi ko siya tatay.

            “Yung Thea diba alam naman niya na prinsesa ka?”

            Tumango nelang ako. Ano naman kung alam ni Thea na prinsesa ako?

            “Sasama nelang ako sa inyo.”

            Nabulunan ako sa sinabi niya dali dali naman niya akong inabutan ng tubig.

            “Ano yung sinabi mo?”

            “Sasama ako.”

            “Hindi puwede.”

            “At bakit naman?” Tinaasan pa ako ng kilay.

            “Eh kasi naman ano nelang ang sasabihin niya?” Ano ba naman yon? Sa school strangers kami tapos bigla bigla nelang siya sasama sa gala namin.

            “Sabihin mo kung ano talaga ako.” Simpleng sabi nito sabay subo ng pag kain.

            “Na knight kita?”

            Tumango si Rex.

            “Pag ba ginawa ko yon papayagan mo na ako?”

            Ngumisi si Rex na parang nang aasar na naaaliw ay ewan!!!

            “Oo naman.”

            “Sige isasama kita pero wag kang manggugulo samin ah.”

            “Oo na.”

            “Sige isasama na talaga kita.” Wala na akong choice baka hindi niya ako payagan at para may taga bitbit na rin kami. Heh heh heh heh

            Tapos yun nag handa na kami at mga 12:45 nasa Jollibee na kami. Naka t-shirt at pants ako tapos si Rex naka polo shirt at maong pants naka cap at shades pa.

            Nung nakita kami ni Thea kumaway siya samen at lumapit naman kami.

            “Uy sino yang kasama mo?” Talaga naman tong kaibigan kong to kahit kailan napaka tsismosa.

            Umupo ako tapos tumabi sakin si Rex. Mukhang di naman siya namumukaan ni Thea.

            “Ganto kasi yon Thea. Etong kasama ko knight ko na pinasama sa kin ni Papa King para alagaan ako.”

            “Knight?” Halata yung gulat sa boses niya.

            “Oo.”

            “Alisin mo naman yung shades at cap mo.” Pakiusap nito kay Rex.

            Inalis naman niya. Halatan gulat na gulat si Thea at natulala na.

            “Hoy Thea!”

            “Ha?” Mukhang natauhan na ang friend ko.

            “So I’d like you to meet my knight, Gino si Thea, Thea si Gino.”

            “Your knight is the school prince!?” Sigaw nito. Nakakarindi naman tong kaibigan kong to.

            Nakita kong ngumisi nelang si Rex tapos tingin sakin.

            “School prince?” Parang inosente kung mag tanong.

            “Don’t pretend to be innocent because I know you aren’t.”

            “That’s mean.” Sabay tingin kay Thea na nadarang na ata kay Rex.

            “Ano Thea alis punta na tayo sa mall?”

            “Su-Sure.”

            Sumakay kami sa sasakyan ni Thea at pumunta sa mall.

            Pag dating sa mall. Nag lakad lakad muna kame dahil masyado akong excited muntikan na akong madapa ang lampa ko diba? Pero nasalo naman ako ni Rex.

            “Ayan ang likot likot kase.” Sumbat pa nito. Nakahawak pa rin sa baywang ko.

            “Ano ako bata?” sikmat ko dito.

            “Oo isip bata.”

            Hinawakan niya yung kamay ko.

            “Wag kang bibitaw ha baka mapahamak ka pa.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Knight in School UniformTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon