Depression

4 0 0
                                    

How did I overcome depression???

Did you know that depression is real? But let me tell you this; God is more than real!

Napag uusapan na din lang naman; gusto ko lang din ishare sa inyo hindi kwento ng ibang tao kundi mismong kwento ng buhay ko. Kung paano ko nalampasan ang isa sa pinakamatinding pagsubok ng buhay ko.

This can be an awareness for you na sa kahit kanino pwede syang mangyari at kung mangyayari man sya sayo, ako mismo ang magsasabi sayong WAG KANG MATAKOT dahil may lunas at sagot!

Simulan ko lang muna sa kwento... 😊

Madalas kasi akong makita ng lahat na malakas, magaling, madiskarte, palaban at walang inuurungang hamon sa buhay!

Totoo naman lahat yun. I can say na talagang bata pa lang ako dahil na din siguro sa hirap ng buhay and broken family pa kami, ang mama ko dahil sa hindi din naman tapos ng pag aaral kaya paglalabada lang ang alam gawin para buhayin kaming magkakapatid. Kita namin yung hirap nya kaya nagsisikap din kaming matulungan sya.
Nagwawalis ako at pamangkin ko ng jeep, kuya ko nagtitinda ng mineral water sa mga pasahero ng jeep at ang ate ko naman nagpapautang ng mga sando sa mga driver ng jeep. Puro jeep noh? Eh ikaw ba naman kasi tumira sa squatters area na pinapalibutan ng napakaraming nakaparadalng jeep diba? Hahaha.

Going back, so ayun nga! Kaya bata pa lang talaga ang dami ko ng mga pangarap. Gusto kong umasenso para matulungan ang pamilya ko at maranasan naman nila ang isang masarap na buhay.
Yung hindi mo problema ang pera.
Yung makakakain kami ngayon ng hindi iniisip kung kakain pa kaya kami bukas.
At tyaka gusto ko magkaron ng sariling bahay at lupa, yung hindi na madedemolish at hindi na kami mapapalayas!

Year 2000 kasi nademolished at napaalis kami sa squatters area na tinitirikan ng tagpi2 naming bahay, 10years old lang ako nung mangyari yun.
Tapos nung 21yrs old naman ako napalayas naman kami sa nirerentahan naming bahay. Tanda ko pa na halos kumot, unan at damit lang pinadala samin.

Dahil wala namang madali sa buhay, lahat pinaghihirapan. Tuloy lang ang laban!!!

Hindi ako tapos ng pag aaral, kaya kailangan ko talagang galingan.
Galingang dumiskarte sa buhay. Blessed naman ako kahit paano dahil medyo maabilidad naman ako kaya nakakasurvive pa din naman kami. Nasabi ko ba na breadwinner ako sa pamilya? Kaya ganun na lang din ang pagsisikap at pagsisipag ko.
Risk taker din talaga ko kaya madaming opportunities na din ang tinry ko. May mga okay pero madalas din hindi.

Until dumating sa point na sobrang pagod na ko, hindi ko na kaya. Ang dami kong failures, frustrations tapos kasabay na din ng magkakasunod na problema na hindi pa nga tapos yung isa ay meron na namang kasunod.
Yung feeling na, parang nagawa ko na yata lahat pero bakit parang paulit ulit lang yung nangyayari.
Yung pakiramdam ko na ano bang mali ko? Ilang beses ko yatang tinanong yan that time kung bakit.
Bakit parang kahit ginagawa mo naman ang lahat para sa family mo, masipag ka naman pero mailap pa din sayo ang swerte. Dumating pa nga na nagtatrabaho ako sa gabi (callcenter) tapos sideline sa araw (Reseller ng kahit ano!), pero bakit parang hindi talaga sumasapat.

And then this one day came na sobrang EMPTY at LUNGKOT ng pakiramdam ko... Hindi ko na namalayan umiiyak na ko, I am crying my heart out with so much emptyness at hindi ko sya mapigilan...
Nasa kwarto ako nun habang  panay ang pagpatak ng walang tigil kong luha. (Yun yata yung emotional breakdown na tinatawag!)
Pagkatapos ng napakahabang gabi na yun, I started to have nightmares na.
Hindi ko din maexplain yung pakiramdam ko basta ang ang alam ko sobrang Empty ng puso ko! Wala akong maramdaman kundi kaba na hindi ko na din alam saan nagmumula...

Hanggang hindi na ako nakakatulog ng maayos tapos natatakot ako kapag nakikita kong malapit na gumabi at mag isa na naman ako sa kwarto!
Wala kong ibang marinig kundi yung mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nung una, puro masasamang panaginip at bangungot lang pero habang tumatagal, I used to hear things na at lalo akong natatakot ng hindi ko alam.
Konting may marinig lang akong ingay sa tv or mga salitang normal lang naman madalas sa araw-araw ay bigla na lang ulit bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito sa dibdib ko anumang oras.

For so many times I told myself these things; "Wala lang ito. Wala lang ito. Wala lang ito."

Pero sa bawat salitang sinasabi ko hindi ko alam pero lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko and then for no reasons I started to feel afraid for all unknown things...

Lilipas din ito, laging salitang sinasabi ko sa sarili ko...

Then I started to hear words that keeps on saying to me na, "mababaliw ka na! Mababaliw ka na! Mababaliw ka na!"

Gusto kong sabihin yung nararamdaman ko at naririnig ko sa mga tao sa paligid ko, but I really don't know how to explain things to them.

Sobrang natatakot ako sa bawat gabi... I can't sleep believing na baka hindi na ako magising the next day. :(

I woke up the next day. Thank God buhay pa ko! 💛 Then sabi ko sa sarili ko, hindi ito pwedeng mangyari sakin... Hindi ako nagpakahirap lumaban sa buhay para lang ang ending ay lalabas akong talunan or worse eh baliw pa!

That's when I took the courage to get back up.

To be continued....

MySentimentsWhere stories live. Discover now