Chapter 1

4 0 0
                                    

Serina's POV

Yes back to school na ulit, grade 10 na ako OMO.Time check 6:05, maaga pa, 7:30 ang pasok ko ehh, maliligo na nga ako dapat maaga ako kasi kukunin ko pa yung schedule ko tapos maghahanap pa ng classroom.

Tiningnan ko si ate sa tabi ko, hay hindi ko muna siya gigisingin, pagod pa ata siya sa trabaho, late ng umuwi kagabi ehh.Nevermind bababa na ako.

Nakita ko sila mama,papa, at kuya sa baba, si mama nagluluto ng agahan habang si papa nagbabasa ng dyaryo ganun din si kuya.

"Good morning people!!!" bati ko sa kanila.Lumingon naman sila sakin ngunit si except kuya.

"Good morning mama kong maganda" sabi ko sabay kiss sa pisngi niya.

"Good morning papa kong gwapo" deja vu.

"Good morning kuya kong sungit" iki-kiss ko sana siya sa pisngi pero tumayo siya at umalis.

Ayaw niya talaga sa akin, nung bata pa kami lagi nya akong inaasar na ampon, na hindi naman daw niya ako kapatid huhuhu.

T.T

"Anak hayaan mo na ang kuya mo, may dalaw siya ngayon" biro ni papa, napangiti naman ako kahit paano.

"Anak excited ka ata sa pasukan ahh, maligo ka kaya muna medyo matagal pa to ehh" sabi ni mama habang nagluluto.

"Sige po ma" sagot ko.

"Katie anak, bago na pala ang uniporme niyo sabi ng mama mo, binilhan kita ng dalawang pares at sapatos andun sa taas kunin mo at maligo kana,pagpasensyahan mo at dadalawang pares lang ang nabili ko."

"Pa ok lang, buti nga po at dalawa ang nabili niyo kesa naman sa isa, thank you pa" sabi ko sabay yakap.

"Napakalambing talaga ng bunso natin Brenda" sabi ni papa.

"Mana sa akin, pati ganda ko namana" sabi mama at nagtawanan kami.

Pagkatapos ng tawanan ay umakyat na ako sa taas, sa kasamaang palad makakasalubong ko si kuya.

"Hi kuya!" bati ko.

"Hindi kita kapatid" sabi niya sa akin at tinalikuran ako.

#Part 1: Shakettt

"Kuya naman...." sabi ko

"Sabi nang hindi kita kapatid!" sabi niya sa akin sabay lingon.

"Paggalang lang sa nakakatanda" palusot ko.

"Tch ewan sayo!" sabi niya at nagtuloy sa pagbaba.

Kailan ba niya ako matatanggap bilang kapatid niya.Dumeretso na ako sa kwarto namin ni ate.

Pagpasok ko tulog parin siya.Tulog mantika talaga to.

"Hoy ate!" tawag ko sa kanya.

"Ateeee!!!"

"Hoy ateeee!" ayaw niya talagang gumising.

"Ahhhhhh" sigaw ko, nagkunwari akong may sunog.

"Wahhhh, sino yan?, hoy lumabas ka!!!" umarte siya ng pang-karate, parang tanga si ate.

-__-

"Anong nangyari?" pumasok si kuya dala niya ung baseball bat niya sa school, handa ng ipalo sa kung sino man.

"Anong sigaw yon?" hala.

"Nakapasok na sila?" si mama na dala pa ang kutsilyo sa pagluluto, lagot pero sinong sila?

"Nasaan si Katie" bakit nila ako hinahanap? hindi naman ako mawawala.

At dahil nasa likod ako ng pintuan hindi agad nila ako makikita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LostWhere stories live. Discover now