Dahil half day lang ang class namin, baka hapon na rin kami magpapraktis sa bahay
Habang nakaupo ako at nagbabasa ng wattpad sa phone ko, may lalaking tumabi sa akin
Hindi ko sya nilingon, baka si yabang lang naman...
"Hi miss...Wendy right?"
Pagtingin ko ay ang kaklase ko palang lalaki, di ko alam name nya, sino ba naman ang makikilala ko dito ? except kay yabang ay wala akong kilala ni isa dahil, may mga sariling mundo sila
in short?
circle of friends...
"Hi? Wendy? ako nga pala si Hans"
"Ahh, ok nice to meet you Hans"
"Hindi mo ba ako natatandaan?, ako yung nagnominate sayo ng muse"
"Ahh ok...ano!!! ikaw pala yun!"sabay hampas
"Aray! oo naman , teka , kasi, maganda ka"at ngumisi
"Edi wow! umalis ka na! nakakainis ka!"
Napatawa nalang sya at tumitig ulit sakin"pwede bang makipag kaibigan?"
"Oo naman, pero may utang ka na dapat mong bayaran, alam mo bang for the first time kong maging muse?"at si yabang pa yung escort?
Napailing na lang sya"Sige, punta tayong cafeteria, treat ko"
"Sure"
"Thank you ha, di na ako makakabili ng recess"
"Maliit na bagay"
Si Hans ? matangkad at simple lang sya, gwapo rin, pero mas gwapo pa rin si yabang
"Kung may kailangan ka, andito lang ako, bawi na rin sa libre mo"
"Ahh sige, kahit wag na, kahit pakikipagkaibigan nga lang ay ok na"
Biglang may dumating na dalawang estudyante,
Si Rika pala at Sebastian, ang sweet nila...
"Hi Riks!"
nilingon nya lang ako at....wala na...
"Hi bes!"
hindi sya lumingon, at pumunta sa bakanteng table at may kausap na tatlong babae, kasama na si sebastian.
Ansaya nila, so ano ? may bago na syang kaibigan? ansakit sa pakiramdam, parang babagsak na ang mga luha ko, nanginginig na rin ang mga kamay ko
Kaya pala hindi na ako sinusundo ni Rika, di na sya tumatawag o sumasagot sa tawag ko
"Hans, kailangan ko nang umalis, di kasi maganda yung pakiramdam ko...kailangan ko nang umalis"basag na tinig kong sabi
"Ok ka lang?"
"Oo okay lang ako, salamat ulit"
tumakbo ako palabas ng cafeteria at nilisan ang university, nag abang ako ng sasakyan at agad na umuwi
pagdating ko sa bahay ay duon na bumagsak ang mga luha ko, di na rin ako nagpalit ng pambahay
Hindi na rin ako kumain ng pananghalian, ok lang naman dahil busog na rin ako sa kinain ko kanina
Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak at parang wala na akong ilalabas na luha
Biglang tumunog ang doorbell at pagkatok ng pinto
Tinungo ko iyon at baka mga bills lang,
pero pagbukas ko ng pinto ay-"Bakit hindi ka pumasok ng last sub-,Wendy, ok ka lang?"
Si Van!!!!
nakakahiya yung mukha koooo!!!!!!
"May lagnat ka ba"sabay hawak sa leeg ko"hindi muna tayo magpapractice?"
"Aaa..hindi! practice tayo! halika pasok"at pumasok sya sa bahay ko
Pumunta akong kwarto ko at dalidaling nagbihis, pinusod ko ang buhok ko at pinunasan ng bimpo ang mukha ko
Pagkababa ko ay nakita ko syang tumitingin sa mga litrato ko sa picture frame
"Ang cute mo pala pagkabata"
"Ah, sige umupo ka muna, anong gusto mong inumin?"
Umupo sya sa sofa at umupo rin ako
"Wag na, ano ba nangyari?"
hala pano to?
"Ga..ganito kasi, yung kaibigan ko, or childhood friend ko kasi, May bago nang kaibigan"
"Ano naman masama dun?"
aray...
"Kaya, palagi akong late, nag aabang na ako ng sasakyan, di tulad ng dati na, sumasabay ako sa kanya dahil, sinusundo nya ako"pigil luha kong sabi
Bigla syang natahimik at bumuntong hininga
Natapos na rin namin ang practice at naabutan rin sya ng gabi, kaya napagpasyahan kong magpadeliver nalang ng pagkain
Mga ilang minuto lang ay sa wakas, dumating na rin
dito nalang kami kumain sa sala
mukhang nagutom na rin sya at kumain na rinPagkatapos naming kumain, hinugasan ko nalang agad ang mga pinggan at hindi pa rin sya umuuwi
Naabutan ko syang nagtitipa ng phone nya sa sala
Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang doorbell
Agad ko iyong binuksan at -
"Rika"
BINABASA MO ANG
Seasons of Love
Teen FictionKasalanan ko bang mahal ko sya? May magagawa ba ako? Mahal kita eh anong magagawa ko? Hate me, iwasan mo ako, irapan, at ayawan, pero balang araw marirealize mo rin na mamahalin mo rin ako...