Matapos ang racing, dali-daling hinubad ni Raya ang helmet at ang seatbelt dahil sa pagkakahilo at kanina pang pag-pipigil sa pagsuka. Nang makababa siya mula sa sasakyan si Raya dali-dali siyang tumakbo sa pinakamalapit na restroom para doon sumuka. Hindi niya na pinansin ang mga sigawan ng mga tao. For sure ang daming natuwa dahil si Clint ang panalo.
"Kumusta ang experienced Raya, saya ba?" tuwang-tuwa na tanong ni City sa kaniya. Inirapan niya muna si City bago nito sagutin ang kaniyang tanong. "Stupid ka! para akong nag paikot-ikot sa roller coaster! Ayoko ng maulit yon!" sagot ni Raya habang ina-ayos ang kaniyang nagulong buhok.
"Sus! oh siya tara na sa classroom, malapit ng mag time ni Sir Romulo. Baka magalit pa 'yon, ayaw pa naman non sa mga late." pag aya sa kaniya ni City.
Sumunod naman si Raya kay City habang ina-ayos ang kaniyang uniform dahil nagulo din ito mag mula mag umpisa at matapos ang karera.
Pagkapasok nila City at Raya sa classroom umupo na agad sila sa kaniya-kaniyang silya nila dahil 5 minutes nalang at parating na ang kanilang professor.
"Good day class." Bati ni Sir Romulo ng makapasok sa room nila.
"Good day Sir." bati naman ng buong klase.
"Ok, you may all take your seats."
"For today's lesson, ang ating topic ay tungkol sa mga bagay na mahirap ipaliwanag" pag-uumpisa ng kanilang instructor.
"So class, can you give me a one of example?" tanong ng kanilang guro sa kanila."Sir?" taas kamay ni Gideon.
"Yes Gideon?"
"Sir, yung pinuyat ka pero di ka jinowa"
Bigla kaming nag tinginan lahat at sabay tawa sa sinabi ni Gideon.
Hahahahahaha...
"Paano mo naman iyan nasabi Mr. Fernandez?" tanong sa kaniya ni Sir.
"Diba sir, ang ayos-ayos nyo nag uusap. Halos gabi-gabi, oras-oras, pero bigla kang na ghost at hindi jinowa" sabi niya sabay ngisi na parang proud sa sagot.
"Sir! huwag nyo na pong pansinin yang si Gideon, na ghost po siya kaya ganyan siya" pang a-alaska ni Jordan kay Gideon kaya muling napuno ng tawanan ang aming classroom. After noong walang kabuluhang example ni Gideon nag proceed na Sir sa kaniyang discussion.
Habang nag di-discuss si Sir sa harap ako naman ay nag te-take down notes. Minsan hindi rin namin maiwasan ni City mag usap habang nag di-discuss si Sir.
"Excuse me po Sir, pinapatawag po sa Dean Office si Ms. Alvarez po" sabay sabay kaming napalingon sa may pintuan ng i-excuse ako ng isa kong school mate.
"Ms. Alvarez you may go out" sabi ni Sir. Nag katinginan kami ni City kase wala naman akong alam na dahilan kung bakit ipinapatawag ako.
Tumayo ako agad at lumabas ng classroom. Pagkalabas ko ng room namin nakita ko si Theo na ngising-ngisi sa akin habang i-winawagayway niya sa aking harapan ang isang five hundred peso bill.
"Anong kalokokahan yan Theo?" Tanong ko sakaniya habang nakataas ang kaliwa kong kilay.
"Hati mo daw sabi ni Clint sa napanalunan niya sa karera kanina" sabi niya sabay abot ng five hundred.
"Weh? ba't five hundred lang? eh ang alam ko mahigit twenty-thousand yon ah?" Sabi ko sabay halukipkip.
"Eh sabi ni Clint" sabi niya sabay akbay sa akin at nag umpisang mag lakad paharap papuntang Dean Office.
"Ayoko! dapat nga tig-kalahati kami, buhay ko din yung nakasalalay no!" depensa ko pa. Sinong matutuwa sa five hundred kung buhay mo naman ang kapalit. No offence lang ha, buti sana kung ang pustahan ay hindi nakapeligro yung buhay mo eh ang kaso kulang ang five hundred peso pang-bayad sa hospital bill kapag na-aksidente ka.
"Huwag ka ng malungkot diyan Raya, oh siya bigyan kita ng one hundred para di ka na sad" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
Tinampal ko naman ang kamay niya kase sobrang saket niya pumisil ng pisnge.
"Peste! Kulang yang six hundred pang pa-hospital sakali if may accident na mangyari during racing Theo!" sabi ko sabay palo sa balikat niya.
"Oh ba't ka namamalo? Susumbong kita kay Tita" sabi niya sabay walk out.
Pesteng Theo siya pa ang may ganang mag sumbong kay Mama. Baka isumbong ko pa siya sa ate niya.
Pagkarating namin sa Dean's Office nandoon na kaupo si Dean sa kaniyang table sa kaliwang sofa naman ay barkada siguro ni Clint at sa kanan naman ako at si Theo ang uupo."Good morning Dean." Bati naming pareho ni Theo.
YOU ARE READING
Racing Heart
General FictionTharaia is a biggest fan of Fast and Furious. Yes kahit babae siya napakahilig niya sa mga race na sports although hindi naman siya nag re-racer pero gustong-gusto niya talaga. Sa kaniyang kuwarto ay puno ang kaniyang cabinet na CD's ng Fast & Furio...