AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!" pati ako nagulat kasi naman bigla-bigla nalang nagtitili itong baklang mukhang si dora.
AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!! SO PAPABLE NI KONSEHO!!!! AYIEEEEE ME KINIKILIG TO THE BONES AND ME HAIR IS TUMAYO!! AYIEEEEE!!"
Bakla, kung gusto mong tumahimik, may karapatan ka naman" at ayun bumalik si Konseho sa kanyang ginagawa. Sanay na din kami dyan sa baklang yan. Parati naman yang tumitili kapag nakikita si Konseho. Papable naman kasi, parang sobrang fresh palagi ng mukha nya.
Kung pwede lang kaming mainlove sa kanya, NAKU. Edi nainlove na sila wag lang ako.
Anong kailangan ninyo? Janine?" Tanong ni Konseho. Ok nakakapagod na syang tawaging Konseho huh. Parang tumatanda tuloy sya as if I know 18 years old palang sya at sobrang hot pa. Opps! Wag sanang marinig ni Aldrick ang nasa isip ko. XD
Maaari po na po ba kaming ikasal?" ayan nauna nang magsalita si Aldrick. Desperado talaga sya.
Aba eh nababaliw ka na ba sa mga pinagsasabi mo?" As expected, yan ang sasabihin nya.
Seryoso po ako" hatala palang sa boses nya.
Alam ko at seryoso din ako. Hindi maaaring ikasal ang isang taong buhay na kagaya mo sa isang taong matagal nang namayapa kagaya ni Janine."
Pero mahal po namin ang isa't-isa"
Oo alam ko din iyon pero labag sa batas ng itaas ang gagawin ninyo. Kapag sumuway kayo ang mga kaluluwa ninyo ay magdurusa."
Aldrick tama na. Tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isa't-isa" sa simula't-simula palang tanggap ko na, tanggap ko nan a hindi talaga kami para sa isa't-isa. Nakakalungkot talaga kasi kahit alam ko nan a hindi pwede, umasa parin ako.
Hindi! Hindi ako makakapayag" sabay hawak nya nang mahigpit sa mga balikat ni konseho. "May iba pa ho bang paraan para makasal kami? Lahat gagawin ko po"
Nakita kong medyo napaisip si konseho sa mga sinabi ni Aldrick. Nakakatuwa na nakaya nyang gawin lahat nang ito para sa akin. Hindi ko inaasahan na may magmamahal pa pala sa akin katulad nang ginagawa ni Aldrick sa akin ngayon.
AJUJUJUJUJUJUJU. Sadly scenery. Im Cry to the max!" sabay punas-punas nya pa ng kanyang mga luhang pumapatak kuno.
Meron pa." bigla naman syang nabuhayan ng loob sa mga sinabi ni konseho.
A-no po iyon konseho?" ako na ang nagtanong para sa kanya.
Maaari lamang kayong ikasal kung iinumin nya ang mahiwagang tubig"
H-hindi ko po mapahihintulutang mangyari iyon konseho. Hindi ko maaatim na gawin lang iyon ni Aldrick para lang sa pansarili kong kasiyahan" hindi to magiging patas para sa kanya.
Kung yun lang ang tanging paraan gagawin ko Janine. Ano ba ang bagay na yun at gagawin ko para sayo."
Hindi maaari, Mamamatay ka Aldrick. Mamamatay ka kagaya namin kapag nainom mo ang mahiwagang tubig na iyon."
Matinding katahimikan ang namagitan sa amin. At pati na din sa lahat ng mga patay na nandito. Alam ko nagulat sya sa mga narinig nya.
Ate Janine umiiyak ka na" napatingin naman ako sa nagsalita.
Jakie. Ikaw pala" pinunasan nya ang mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Gagawin ko" bigla nalang kaming napatingin sa kanya.
Tama na Aldrick, tanggapin nalang natin please. Hindi ko kayang maging maramot para lang sumaya ako."
Ito ang gusto ko kaya ito ang gagawin ko" hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko at ngumiti sa akin.
Kung ganoon, kalian ninyo gustong maikasal?" tumingin ako sa kanya, sya na ang bahalang magpasya.
Bukas na po konseho" nagulat na naman ako sa mga sinabi nya. Hay ilang beses na bang lumalaki ang mga mata ko sa mga sinasagot ni Aldrick? Nakaka tarsier naman ng mata ang mga pangyayari ngayon.
Hindi. Babalik muna tayo sa mundo ninyo para makapagsaya habang single pa tayo" sabay ngiti ko at nag peace sign sa kanya.
Ang kulit mo talaga" sabay lapit nya sa akin at kinurot ang ilong ko. Parang baliw lang naman kami eh, este ako pala. Kanina ang saya-saya ko, tapos umiyak, ngayon naman tumatawa naman na parang baliw na.
BINABASA MO ANG
My Pervert Ghost
FantasyPervert? kung ako ang tatanungin kung anong unang papasok sa isip ko kapag naririnig ang salitang yan, simple lang isang BABAENG MULTO NA SOBRANG PERVET!