Sa isang bangko ako ay naupo
Mabilis na binuksan aking Piattos
Babae sa tabi pagkain ko ay pinatos
Uunahan pa ata akong umubos
Mukha nya ay nagtataka pa
Aba nga naman talaga
Ang babae ay mukang galit pa
Ibang flavor kaya ang gusto nya?
Sa huling piraso kami ay umabot
Ito'y pinaubaya sa bebot na buraot
Grabe si ate saksakan ng damot
May Piattos naman sya'ng nakabalot
Ako'y tumayo at humayo
At daliang lumakad palayo
Eksenang ito ay babaunin ko
Maging sa mga apo ay maikukwento
HAHAHAHAHA....WALA LANG NATUWA LANG KASI AKO MASYADO DUN SA "ANG MAGNANAKAW NG PIATTOS"
RAK EN ROL MGA TOL!!!!!!!