1

14 3 6
                                    

"Dahil sa kabaitang iyong ipinakita, gagantimpalaan kita. Bibigyan kita nang isang kahilingan, pero ang iyong tandaan meron itong kaakibat na kapalit."

"Ngayon hija ano ang iyong kahilingan?"

"Ano ba yun nay! Bihigyan nyo nga ako ng gantimpala may kapalit naman?"

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo hindi naman kita pinipilit, maraming salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin hija. Mauna na ako at na abala na kita nang sobra. Ayaw mo naman ng gantimpala."

" Ay nay saglit lang ho! Kayo naman hindi ma biro, nagtatanong lang ako eh!"

"Ano nga ba ang kahilingan mo hija?"

"Wait lang nay iisipin ko muna. Ba mahirap ng magkamali, mabuti ng pagiisipan maigi kesa naman masayang no!"

"Daliaan mo na. Dami pang inarte nito batang ito!"

"Si nanay naman apurado masyado. Sige naka isip nako ang kahilingan ko ay----

"ALICEEEEEEEEEE!"

"Ay asawa ni RM! Ano ba yan tyang ang aga aga sigaw ka nang sigaw dyan, kita ng natutulog pa yung tao eh!"

"ANO BA WALA KABANG BALAK NA BUMANGON DYAN? ABA TIRIK NA ANG ARAW, IKAW NATUTULOG PA RIN DYAN! BAKA GUSTO MONG TUMULONG DITO NG MAY PAKINABANG KA NAMAN!"

"Eto na tatayo na. Hindi nyo na kailangang sumigaw dahil naririnig ko naman."

PAK!

"Aba sumasagot ka na ngayon. Bakit may maipagmamalaki kana ba ha? Ano sumagot ka. Diba matapang ka? Oh bakit ngayon natameme kana dyan, sa susunod kasi wag sasagot sa akin ng ganyan dahil wala kapa namang perang pinapasok sa bahay na'to. Tandaan mo palamunin ka lang sa bahay na'to kay matuto kang gumalang. Sya magbihis kana at maraming pang gawain sa baba. Dalian mo wag kang kukupad kupad dyan."

Araw araw na lang na ginawa ng Diyos, lang ganito ang sasalubong sa umaga ko. Kung hindi pa nanakit, panunumbat. Kung wala lang akong utang na loob sa tiyahing kong to baka kanina ko pa nasampal yan.

Bwiset naputol tuloy yung panaginip ko. Ana kayang hihilingin nung babae dun sa matanda? Na curious tuloy ako, pero dahil sa babaeng yan naputol tuloy yung panaginip. Nakakainis.

Napatingin ako kay tita. Bakit hindi pa lumalabas tong babaeng to sa kwarto ko? Aba dito pa sa kwarto ko na isipang mag isip. Wait! What?

"Oh tyang ano pang ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"May iniisip lang ako, sandali."

"Dito pa sa kwarto ko nag isip. Tama ba yun?"

"Ano sabi mo?"

"Wala sabi ano ba yung iniisip mo? At dito mo pa naisipang mag isip."

"Leche tigilan mo'ko Alice ha! Ang inisip ko sino yung RM na sinabi mo kanina? Syota mo ba yun ha? Teka diba sabi mo asawa? Bakit mag papakasal na ba kayo? Mayaman ba yun? Ano sagot!"

"Heheheheh"

"Oh anong tinatawa tawa mo dyan? Bakit ayaw mong sumagot. Ano syota mo ba ha? Mayaman ba? Mag papakasal na ba kayo? Ay puta! Wag mo sabihing nabuntis ka nang RM na yon kaya gusto mo nang magpakasal. Alice sinasabi ko sayo ipakilala mo muna sa akin yang lalaki na yan para naman makilatis ko yan."

Ayiee! Kinikilig naman ako sa mga tanong ni tyang eh. Nakakainis. Sana totoo na lang yung mga naiimagine ng tiyahin ko para happy. Kaso hindi eh malabong makita ko sya sa personal. Masakit pero totoo.

"Hoy Alice ano na? Hindi kana nag salita dyan at parang pinag sakluban ka nang langit at lupa aa itsura mo? Teka wag mong sabihin na hindi ka pananagutan nang lalaking yon. Ay puta! Alice naman pera na naging bato pa. Ano ba yan. Nasaan ba yung lalakin yon ha? At nang makausap ko. Hindi pwedeng takbuhan ka na lang nya ng ganun ganun lang. Sabihin mo sa akin kung saan nakatira yung lalaking yon dali. Ano ba dalian mo na kung ayaw mong mawalan ng tatay yang anak mo."

Ang sarap panoorin ni tyang nang nag aalala parang totoo. Pero hindi pera pang naman ang habul nyan eh. Naks parang totoo naman yung mag naiimagine nya.

Teka nga aawatin ko na tong tiyahin ko. Baka kung saan pa mapunta yang imagination nya, baka umabot nasa Korea.

"Tiyang bago ka mag isip ng kung ano ano. Una sa lahat si RM na sinasabi mo ay yung lalaki na nasa poster ng kwarto ko. At pangalawa---"

"Teka sandali anong poster? Ha? Ito? Itong lalaki na to ang RM na sinasabi mo? Ay puta akala ko pa naman kung sinong RM ang sinasabi mo. Ito lang pala!"

Yung mukha ni tiyang parang sya yung pinagsakluban ng langit at lupa. Sino ba naman kasi ang nag sabing mag isip sya dyan nang kung ano ano. Tapos biglang madidisappoint pag mali yung mga thoughts nya. Parang timang!

"Pero wag kang mag alala tiyang, asawa ko talaga yang si RM may anak nga kami eh si JIMIN. Yung katabi ng poster ni RM. Gwapo ng anak ko tiyang no?"

"Leche Alice, akala ko pa naman kung sinong asawa na ang binabanggit mo kanina. Akala ko pa naman may mag aangat na saatin sa kahirapan. Bwiset! Yang Koreano lang pala na yan yung binabanggit mo."

"Bakit tiyang totoo naman na asawa ko si RM at anak namin si JIMIM eh!"

"Manahimik ka nga oy! Asawa Anak. Kung gusto mo talagang mag asawa at mag ka anak ng Koreano, aba eh gumising ka muna sa kahibangan mo. Tandaan mo nasa REALITY ka at wala sa IMAGINATION mo. At isa pa wag kang umasa na makikita at makikilala mo sa personal yang mg idolo mo na yan. Malabo Alice. Sobrang labo. Masyado silang mataas para maabot nang isang katulad mo. Kaya kung ako sayo mag bihis kana at tanghali na. Marami ka pang gagawin."

Ang sakit naman mag salita ni tiyang. Tagos masyado sa puso. Pero totoo naman eh. Malabong makilala at makita ko sila sa personal. Tulad nga ng sabi ni tiyang masyado silang mataas para maabot ng isang mababang tulad ko. Pero wala namang imposible kungag sisiskap ako ah. Kaya kong abutin ang mga pangarap ko, basta makatapos lang ako ng pag aaral. Sabi ng nila FIGHTING! Think positive lang makikita ko rin sila.

By the way, bago ko makalimutang ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Alice Avinash. 20 years old. Pinanganak noong September 1, 2000. Ang bongga ng birthday ko diba September ka month ko pa yung asawa ko at ka birthday ko naman si JUNGKOOK. Ang saya diba 2 member ng BANGTAN ka month at ka birthday ko. At siguro na iisip nyo na kung ano ako no. Wait! Hindi ako alien kasi si V lang yon. Anak ng kaibigan ko si March. Balik tayo sa kung ano ako, yun na nga isa akong ARMY parehas kami ng kaibigan ko. Ang bias ko si KIM NAMJOON (asawa ko) PARK JIMIN (anak namin ni RM) JUNG HOSEOK (bias recker ko), tapos yung bias naman ng kaibigan ko na si March MIN YOONGI (asawa nya) KIM TAEHYUNG (anak nila ni SUGA). Siguro para sainyo weird yung pangalan ng kaibigan ko pero para sakanya sobrang ganda ng name nya, kasi yung name nya month kung kailan pinanganak yung asawa nya (SUGA) kaya sobrang happy nya pag naririnig yung pangalan nya. Tungkol pala sa pagiging ARMY ko sa next chapter ko na lang ikukwento, dipende kung hindi tatamarin yung Author ni'to na mag update. Heheheh.

See you in next chapter! Baka sigawan na naman ako ng tiyahin ko pag hindi pa ako bumaba.

"ALICEEE ANO HINDI KA TALAGA BABA. ANO GUSTO MONG UMAKYAT NA NAMAN AKO DYAN?"

Ayan na nga sumigaw na ang dragon. Hahahha

"BABABA NA PO TIYANG. WAIT LANG."

SEE YOU!

____

Thanks @kpopismylifeokay for the cover! Labyah!

MemoryWhere stories live. Discover now