Ano ang Wattpad? (What is Wattpad?)

35 0 0
                                    

Ano ang wattpad? Marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa app na tinatawag na wattpad. Ang wattpad ay isang website na kung saan may maraming kwento na nakasalin sa iba't ibang lenggwahe at may iba't ibang genre. Milyon milyon ang kwento na makikita mo dito at milyon milyon din ang mga manunulat at mambabasa dito. Sa wattpad, kapag nagbabasa ka ng isang kwento, pwede kang mag iwan ng komento sa isang parte o kahit na sa isang linya ng istorya. Pwede mo rin iboto ang isang parte o chapter ng kwento kapag nagustuhan mo ito. Marami kang madidiskubreng magaganda sa wattpad.

Gaya nga ng sinabi ko, maraming kabataan na ang nahuhumaling sa wattpad. Pero ano nga ba ang epekto ng wattpad sa kanila? Ang labis na paggamit ng wattpad ay pwedeng mauwi sa hindi magandang pangyayari kagaya ng wala ka nang oras sa iyong pag-aaral o mababawasan dahil nahumaling ka na sa pagbabasa ng wattpad. Maaari ding makaapekto ito sa iyong kalusugan dahil makukulangan ka sa tulog dahil nga sa pagbabasa ng wattpad hanggang madaling umaga na walang tigil. Pero, may magandang maidudulot din ang pagbabasa ng wattpad. Halimbawa ay unti-unti kang gagaling o magiging bihasa sa pagsusulat. May malalaman ka ring maraming bagong salita nang dahil sa pagbabasa.

Sa wattpad, may iba't ibang genre ang mga kwento. May fiction, nonfiction, fantasy, mystery/thriller, romance, horror, at marami pang iba. Iba't ibang genre para sa iba't ibang mambabasa. Pero kung susuruin, ang kadalasang genre na binabasa ng mga kabataan ngayon ay ang mga fiction, fantasy, fanfiction at romance dahil na rin siguro sa nahumaling o 'di kaya ay nakakuha ang mga genre na ito ang kanilang mga atensyon. Pero ang tanong, kabataan lang ba ang nagbabasa ng wattpad? Siguro, kung tatanungin mo ang karamihan sa mga millenials, marami sa kanila ang magsasabi na pang bata o para lang sa mga kabataan ang wattpad at hindi bagay sa mga matatanda. Pero kung tutuusin, ang karamihan sa mga kilalang manunulat sa wattpad ay mga matatanda na. Mga nasa edad 20 pataas, at patuloy pa rin silang gumagawa ng mga kwento para sa kanilang mga mambabasa.

Bawat manunulat ay may iba't ibang estilo sa pagsusulat. May iba na gumagamit ng ibang lenggwahe kagaya ng English, ang iba ay Filipino, at may iba rin na hinalo ang mga lenggwahe na nakapaloob sa kwento nila. May mga manunulat na gumagamit ng first-person point of view, at may gumagamit din ng third-person point of view. Bibihira lang ang mga manunulat na gumagamit ng second-person point of view. May mga manunulat na gumagamit ng simpleng lenggwahe na kung saan ay mas madaling naiintindihan ng mga mambabasa ang kanilang mga gawa, habang may ibang manunulat ang gumagamit ng komplikadong lenggwahe. May mga manunulat na gumagamit ng estilong tinatawag na cliff hanger na kung saan binibitin nila ang mga mambabasa. Pero sa kabuuan, kahit ano pa man ang estilong gamitin ng mga manunulat sa pagsusulat ng kwento ay nasa mambabasa pa rin ang desisyon kung nagandahan ba sila sa kwento o hindi.

Pero ang wattpad ba ay may naitutulong sa pag-aaral ng mga kabataan? Kagaya na kamang ng sinabi ko kanina na may magandang maidusulot din ang wattpad. Sa pag-aaral, maaaring gamitin ang wattpad sa pagsasaliksik ng mga makabagong kwento sa makabago o kaya sa makalumang panahon. Mga kwentong kapupulutan ng aral, ideya o impormasyon. Sa wattpad, may makikita ka ring mga klasikong kwento kagaya ng The Adventures of Sherlock Holmes na isang nobela na isinulat ni Sir Arthur Conan Doyle. Isang nobelang classic kung tawagin nga. Kaya hindi lamang sa pag-aaral kung hindi pati na rin sa buhay. 

Sa paggamit ng wattpad, dapat din tayong maingat. Bakit? Baka hindi na natin namamalayan na nahuhumaling na pala tayo dito masyado at napapabayaan na natin ang ibang bagay na dapat at pinagtutuunan natin ng pansin kagaya ng pag-aaral. Maging maingat din tayo dahil baka hindi na natin alam kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. Dapat nating isaisip palagi na ang mga kwento sa wattpad ay pawang gawa lamang ng imahinasyon ng manunulat at wala itong katotohanan. Dahil minsan kasi, kung ano ang nababasa natin sa wattpad ay isinasabuhay na natin minsan na dapat ay hindi. Hindi naman sa sinasabi kong masama, pero dapat pa rin na alam natin ang reyalidad sa hindi.

Isang Kritika Ukol sa Panitikang WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon