ROSE'S POV
Back to school na naman !!! Aigoo... Ay nandyan ka pala ako pala si Rose. 4th year high school student na ako. Matanda na pala ako kasi malapit na ako mag graduate ng high school eh. Ano kaya yung kukunin kong course? Hmm… Matagal pa naman mangyayari yon kaya i-enjoy ko muna yung last high school year ko. Ngayon… parang meron akong feeling na hindi ko maintindihan kasi parang may magandang mangyayari. Let's find out na lang mamaya.
---SCHOOL---
Nakarating na ako sa school. May nagbago ba dito?Wala naman. Saan kaya yung mga kaibigan kong yun? Nasa garden siguro sila. Doon kasi kami palagi tumatambay eh.
---SCHOOL'S GARDEN---
"Sabi ko na nga ba eh nandito lang kayo eh."
"Syempre naman." sabi ni Rachel.
"Musta naman kayo?"
"Ok lng nman kami." sabi Chloe.
Tapos bigla silang tumahimik yun pala paglingon ko nandun pala si Vanessa. Siya yung tinatawag na Prinsesa ng school namin. Bakit kaya hindi na lang siya ginawangreyna. Kaya naman sya naging prinsesa kasi maganda at mayaman pa at marami ring nagkakagusto sa kanya. Kaya pag merong beauty pageant sa school namin, palagi sya binoboto ng mga lalaki. Pero hindi naman sya nakakasagot sa "Question & Answer Portion" kasi hindi naman sya matalino kaya hindi sya nananalo hehe (ang sama ko noh) Nakasali rin ako don kasi binoto pala ako na mga friends ko. Pero hindi lang pala sila yung bumoto sakin meron din palang mga lalaki. Ay! Palayo ng palayo na pala yung usapan hehe... Sorry.
"Hay nako! Yan na naman yung prinsesa na yan." sabi ni Rachel.
"Wag nyo ng pansinin baka magkaroon pa ng away."
"Tama." sabi ni Chloe.
"May narinig ako. Meron daw bagong student gwapo daw at matangkad.” sabi ni Rachel.
"Talaga? Classmate ba natin?" sabi ni Chloe.
"Yun ang hindi ko alam." sabi ni Rachel.
"Kayo ah... Wag nyo muna isipin yan study first."
Nagtinginan sila at sabay nila sinabi "Weh?"
"Bakit? Totoo naman eh?" sabi ni Chloe.
"Hindi mo pa kasi sya nakikita kaya sinasabi mo yan." sabi ni Rachel.
"Kayo naman din eh."
Tapos bigla tumunog yung malakas na bell. Kaya pumunta na kami sa classroom namin."
---CLASSROOM---
"Hello class. Long time no see."
"Good morning Ma'am."
"Mukang hindi pa kayo nababawasan ah. Pero may idadagdag ako."
"Bagong student Ma'am?" tinanong ng classmate namin.
"Oo."
"Yun po ba yung sinasabi nilang lalaki na gwapo at matangkad?" tinanong ng classmate namin.
"Tama. Nagtataka lang ako saan nyo ba naririnig yan?"
Tapos bigla kami tumawa.
"Ay... Ito na sya."
Nung pumasok yung bagong student sa classroom parang meron syang sparkle sparkle. Ang gwapo nya nga. Nung ngumiti sya kiligan yung mga babae. Ako naman ngumungiti lang pero sa loob kinikilig din. Pero parang familiar yung mukha nya. Tapos nilabas nya yung hawak nyang rose sa likod nya at inamoy nya. Tapos lumakad sya kinikilig yung mga babae, yung mga lalaki naman naiinis. Palayo sya ng palayo iniisip ko kanino nya kaya ibibigay yung rose. Sakin kaya? Feeler ko noh. Kasi sa likod ako nakaupo eh. Tapos naabot na nya yung likod kala ko naman naibigay na nya. Pero nung lumigon ako nakaharap sakin yung rose. Nagulat ako tapos tumingala ako. Ngumiti sya at kinindatan nya ako. Kinuha ko yung rose gulat na gulat pa rin. Napangiti yung teacher namin siguro kinilig din sya hehe...
BINABASA MO ANG
Rose For You (One-Shot Story)
RomanceThank you po kay SeoulBerry kasi po sya ang gumawa ng book cover ko at tinulungan nya rin ako sa story ko na 'to. Thank you !!! __________________________________________________________________________ Hello po! Yung story ko na ‘to tungkol sya sa...