Naranasan nyo ba mapaginipan ang Ex nyo? Ako? Oo,
Madalas gabi- gabi.. Hindi ko alam kung bakit.Pero isang gabi yun ang pinaka nakakakilabot na panaginip na ayoko mangyari sa kanya, sa ex ko.
Si Kendrick ang una kong boyfriend, Mabait, maaruga at mapagmahal kaso yung salitang mapagmahal sumobra kasi mapag mahal din sya sa iba (sabihin nalang natin na fuckboy sya ganun)
Pero sa kabila ng lahat, kahit babaero sya, mahal ko pa din sya...
Sumulat ako ng liham para sa ex ko. Pero hindi ko ibibigay sa kanya. Ito ang nakasaad sa liham...
"Dear Ex,
Ang Sama ng Panaginip ko nung isang gabi.
Parang totoo at hanggang ngayon natutuliro ako sa pangyayari na pinagdarasal ko na hindi ito mangyari.Sa panaginip ko ang daming tao, nakikiusosyo at nag kakagulo. May mga Pulis at ambulansya. At ako ay naka upo, tulala at lumuluha. Nilapitan ako nang isang Opisyal, sabi nya kung kilala ko ang biktima sa crimescene.
Oo, agad ang sagot ko. Sabi nang Pulis sa akin; "sumunod po kayo sakin para makita ang katawan ng biktima, kung sya ho ay talagang ka kilala nyo"Sumunod ako sa Opisyal, nakita ko ang motor mo. Tapos yung papalapit na kami sa sinasabi nilang biktima. Napasigaw at humagulgol ako sa iyak. Nakita ko ang katawan ng biktima na bali ang parte ng katawan at yung tinignan ko ang mukha ng biktima. Sinigaw ko ang pangalan mo. "Kendrick!" at bigla ako nagising..
Napaluha ako, iniisip ko kung ayos ka lang ba.
Ayoko may mangyari sayo kasi mahalaga ka pa rin sa buhay ko. Kahit ex na kita at meron ka ng iba. Mahal pa rin kita.Ipinagdarasal ko na nasa maayos ka na kalagayan.
Ang may concern sayo lagi,
Eunice (ex mo)"
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Ang Sama ng Panaginip Ko.
Mystery / ThrillerBase sa totoong kwento ng isang babae na nagkaroon ng masamang panaginip sa kanyang ex. Paalala: Ang lugar at pangalan ng bawat karakter ay pinalitan para sa pribasiya.