PART II

313 5 2
                                    

LIEGH

Ilang araw na lumipas simula ng tumira dito sa bahay si Joennel. Ilang araw na din hindi ko siya kinikibo. Nasasaktan lang ako lalo kapag naiisip kong magpinsan kami. Mali 'to. Malaking kasalanan kapag nalaman nila Mommy pati na din ng iba pa namin kamag anak ang relasyon namin. Alam kong maraming masasakit na salita ang makukuha namin pareho sa kanila pati na din sa ibang tao.

"Liegh," Ito na naman siya, tuwing umaga na lang siyang ganyan. Kinakatok ako para sabayan siyang kumain ng breakfast. "Ilang araw ka ng hindi nakain ng maayos. Baka magkasakit ka." Bakas ang pag aalala niya.

Tama siya ilang araw na akong hindi nakain ng maayos. Dahil sa sitwasyon namin. Kahit sinabi niyang mahal niya ko at handa akong ipaglaban, imbis na matuwa ako mas lalo akong masasaktan dahil kapag nagkataon may makaalam. Siguradong paglalayuin kami. Kaya ngayon pa lang pinagaaralan ko ng wala siya sa buhay ko.

Pero siya itong nagpupumilit na ituloy namin. Hanggat kaya namin daw ilihim, ililihim namin. Wag lang may makaalam. Mahal ko siya. Pero hindi ko kaya yung gusto niyang mangyari. Natatakot ako.

"Pinaghanda na kita ng almusal. Kung ayaw mo. Hindi ako sasabay sa'yo. Aalis ako para lang makakain ka ng maayos." Halata sa boses niya yung lungkot dahil alam niyang iniiwasan ko siya. Labag sa loob ko ang ginagawa ko. Pero alam kong ito ang tama.

Nang maramdaman kong wala na siya sa labas ng kwarto ko. Agad na din akong lumabas at nagtungo sa kusina para kumain. Ilang araw na din akong hindi nakakain ng maayos kaya naubos ko lahat ng pinaghanda niya sakin.

---

Maghapon lang akong nagkulong sa kwarto ko. Gabi na ng lumabas ako para magluto ng hapunan. Ayoko naman i-asa lahat sa kanta mga gawain dito sa bahay.

Dahil maghapon akong nagkulong sa kwarto ko kaya hindi ko alam kung nakauwi na ba siya o hindi pa. Kung nasa kwarto lang ba at hindi din lumabas tulad ko.

Ang tahimik ng buong bahay. Parang bumalik ako sa dati na ako lang mag isa. Na parang walang kasama.

Dumiretso na ako sa kusina para sana mag luto ng hapunan ng makita ko si Joennel na umiinum mag isa. Marahil naka ilang bote na siya, dahil ilang  bote na din ang napansin kong walang laman dahil mga nakatumba na ito.

Tatalikod na sana ako para umiwas ulit sa kanya ng bigla sitang magsalita.

"Hanggang kailan mo ko iiwasan, hanggang kailan mo ko titiisin?" Halatang lasing na siya. "Sagutin mo ko Liegh."

Hindi ako sumagot, dahil hindi ko alam isasagot ko. Kahit ako ganun din ang tanong sa sarili ko. 'Hanggang kailan ko nga ba kaya?'

Nahihirapan akong makitang nahihirapan siya. Pero kailangan kong tiisin. Dahil pilit kong iniisip na tama ang ginagawa ko. Wag akong maging mahina. Dahil kapag nagkataon malaking gulo talaga ang mangyayari.

Dumiretso ako papuntang cabinet para kumuha na lang ng biscuit para pang hapunan. Nilampasan ko lang si Joennel na nakaupo pa din sa lamesa.

Habang napili ako ng makakain ko, naramdaman kong bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko.

"Please, hayaan mo munang takapin kita kahit saglit lang," Pakiusap niya, kaya hindi ako gumalaw. " I just want you to know how much I miss you." Pabulong niyang ani malapit sa right ear ko. Kaya may kung anong kuryente akong naramdaman. "Every part of you," tuloy niyang ani habang nararamdam ko na yung lips niya sa batok ko.

Nang dahil dun halos magtayuan ang balahibo ko, sa hatid na sensasyon ng simpleng halik sa parte na 'yun.

"Alam kong miss na miss mo na din ako." Nagawa niya ng iharap ako sa kanya na hindi man lang tumutol.

Crazy InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon