Mahal naaalala mo paba?
Yung mga panahon na masaya tayong dalawa
Mga panahon na ikaw at ako lang sapat na
Mga panahon na wala tayong iniisip na iba.Mahal naaalala mo rin ba?
Yung pangako at pangarap nating dalawa
Mga pangako na ikaw at ako ang gumawa
At mga pangarap na tutuparin nating dalawa.Mahal anong nangyari sa ating dalawa?
Bakit ang ikaw at ako ay unti unting nawala
Ikaw ay sumuko sa relasyon nating dalawa
Parang isang bula na bigla nalang nawalaMahal alam kong nahihirapan kana
Nahihirapan kana sa ating dalawa
Nahihirapan sa away na paulit ulit nating ginagawa
Mga away na ayaw na nating maulit pa.Kaya mahal sa huling tula na isusulat ko
Isusulat ko ang kwento na ating binuo
Isusulat ko ang istorya nating nawala
At mga ala ala na dapat ng mawalaMahal sana maging masaya ka
Masaya sa piling ng iba
Mahal kita ngunit hanggang dito nalang ang istorya nating dalawa
Paalam sa relasyon nating nasira
BINABASA MO ANG
Tula para sa pagmamahal na Nawala 💔
PoetrySariling tula ko , sumulat ako ng tula upang makalimutan ang sakit na nararamdaman na hanggang ngayon nandito pa❤️ siya at siya pa rin