CHAPTER 8:

21 1 0
                                    

Nagmulat ako dahil nasisinagan ng araw mata ko.

"Yaaah!!" Isang espada ang muntik ng tumapos sakin! waaaah!!! Nagpagulung gulong ako upang makaalis ngunit para akong pagkain na sinusubukang tusukin ng isang maliit na stick. Agad akong bumangon upang makita kung sino ang nilalang na gustong tumapos sa akin

"O...oy! Sino ka ba???" nakita ko na lamang ang isang nilalang na may suot na gintong balabal at nakatakip ito sa mukha nyang nakatungo kaya't hindi ko rin makita ang mukha nya.

"Digidoto kaga naga magamagamatay" turan nya

(Dito ka na mamamatay)

"Anong sabi mo? Sino ka ba sa akala mo?" Nagmula sya sa Rizoleo? wala na akong nagawa kundi ang magpakilala para matakot sya. 

"Agako si Azehell!! Agako ang hagari ng kagidigiligiman at gagawigin kogo ang lagahat ugapang magagapigi ang lagahat ng hugamagahadlagang sa agakiging migithigiin na magapagasagailagalim ang Rizoleo!!"

(Ako si Azehell!! Ako ang hari ng kadiliman at gagawin ko ang lahat upang magapi ang lahat ng humahadlang sa aking mithiin na mapasailalim ang Rizoleo!) 

"Igasa kagang hagangal. Wahahahaha pagaanogo mogo magasasagakop ang Rizoleo kugung gangayan ang iyogong pigisikagal na kagatagauguhan pagatpagating morgatal!"

(Isa kang hangal. Whahahaha. Paano mo masasakop ang Rizoleo kung ganyan ang iyong pisikal  na katauhan patpating mortal!)

"Hoy aganogong pagatpagating morgatal! Pugumayagat lagang agakogo"

(Hoy anong patpating mortal! Pumayat lang ako) sabi ko pa habang pinagmamasdan ang sarili ko. Tama sya, nasa mortal na katawan parin ako at kung ihahahlintulad mo sa dati kong katawan na matipuno ay masasabi ko na patpatin at bata ang napasukan kong katawan. 

"Saga muguli nagatiging pagkigikigita Azehell"

(Sa muli nating pagkikita Azehell) tumalikod sya at napansin ko ang espada na hawak nya. Ang sagradong espada ng Arkanghel! Hindi maaari! Hindi kaya....... Hindi kaya nasundan ako ng Anghel na si Hanaleah?

"Arkanghel ng Lagangit!! Bugumagalik ka!!"

(Arkanghel ng Langit!! Bumalik ka!!) sigaw ko ngunit biglang lumindol sa paligid ko. Anong nangyayari????

Nagkaroon ng napakalaking itim na butas sa ibaba at....WAAAAH!!!

Napahawak ako sa isang sanga at mahigpit ko itong hinawakan. Anong nangyayari

"Aray!!!" sigaw ng sanga

"Pakapit lang!!"

"Masakit aray!!" Hindi na sya Rizoleo parang nilalang na ito mula sa mundo ng tao.

"Ano ka bang sanga ka? Hindi ba nahahawakan ka naman talaga? Napanood na kita sa Tangled" sabi ko pa

"Hindi ako sanga Panginoon!!"

"Kilala mo ko?? Ganoon na lamang ba ako kasikat"

"Panginoon!!!"

Waaah!! 

buggggs!!!

Aray ko naman ang sakit ng likurang bahagi ng katawan ko. 

"Panginoon ayos ka lang ba??" napatunhay ako ng makita ko na may umaalog sa aking balikat. Si Alandino.

"Nasan ba ko?" Mulat kong tanong at lumingon

"Ika-siyam na ng umaga nasa silid ka parin Panginoon"

Napakamot ako sa likod at dahan-dahang tumayo.

"Aray aray aray! Ang balakang ko!" daing ko at naupo ako sa kama

THE DEVIL IS A STUDENT COUNCIL PRESIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon