Epilogue

1.2K 69 12
                                    

Hello ako to si Aika. Naaalala niyo paba ang babaeng sinabihan ng "Hala!" nung gwapong yun. Oo ako nga yun. Swerte ko diba? hahahaha . At eto naka 1 anniversary nakami, ang bilis diba? So it means college nakami. Masyadong mabilis ang panahon. Hindi naman din perfect ang relation namin dahil nag-aaway din naman kami. Oo at hindi ko siya nun kakausapin hahaha. Wala lang gusto ko lang na lambingin niya ako. Ang landeeee, kahit na ako ang may kasalanan ako parin ang may ganang magtampo hahahaha. Ang sama ko diba? Well mahal na mahal niya lang talaga ako kaya lalambingin niya parin ako hahaha.

Pero syempre ayoko namang magmukhang kontrabida sa relationship namin kaya kung alam kong ako ang nagkamali pagkatapos niya akong lambingin ay mag sosorry din naman ako. Good girl ako diba? hahaha. Nagka lovelife ng dahil sa panunukso ng gwapong iyon? ako yun.

Hahaha ang galing diba? Masyadong mahaba ang hair ko, abot hanggang Europe haha joke lang. Eto ako ngayon papunta na sa food court. Naghihintay na kasi saakin yung prinsipe ko wahaha. Bakit hindi kami sabay? Well magkaiba kasi yung program namin.Business Ad siya ako naman Engineering. Pero nabibigyan naman namin ng time ang isa't-isa. Nang makarating na ako doon ay nahagilap na ng mga mata ko yung prinsipe ko. Agad din naman niya akong nakita dahil kinawayan ko siya.

"Oh Mrs. Santos, ba't ngayon ka lang po" sabay pout. Nakakainis naman, ang gwapo gwapo niya. Nagmumukha tuloy akong katulong lang. Haha joke lang.

"Eh kasi yung dragon naming prof, ang arte ayaw pa kaming palabasin. Grr" natawa lang siya sa sinabi ko.

"Kain na tayo?" at ayun nga kumain na kami. Hay naku sana pala Business Ad nalang ang kinuha ko para naman hindi kami nalalayo nitong lalabs ko nato.

Years passed. Oo mabilis na mabilis. Ngayon I'm already 25. Nag tatrabaho na ako dito sa company namin. Maswerte nga ako dahil ito ang first time kong mag-apply pero agad naman nila akong tinanggap. Hay ang saya diba? pero isang bagay naman ang nawala saakin. Yun ay si Cloud. Hindi ko alam kung anong status ng relationship namin. Wala na kaming communication. Bigla nalang siyang nawala na parang bula. Kaya lang isang araw nalaman ko nalang na nagtatrabaho na siya sa states. Nakakaiyak lang, dahil kung hindi lang siya umalis baka ilang years nadin kami ngayon.

Tumulo nanaman ang mga luha ko. Ilang taon ko na kasi siyang hindi nakikita. Miss ko na yung mokong na yun. Walang ng nag-hahalabyu saakin. Wala ng tumuturing na prinsesa saakin. Isinara ko na ang photo album na tinitignan ko kanina. Puno iyon ng memories namin at nakakalungkot isipin na ganito ang kinahinatnan ng relasyon namin.

Humagulgol nanaman ako ng iyak. Masakit dito, dito sa puso. Tagos na tagos ang ginawa niya saakin. Hindi man lang siya nag paalam saakin. Parang pinatay na niya ako sa ginawa niya. Galit? ewan. Binato ko yung unan sa wall. Pati lahat ng binigay niya saakin.

"Kainis ka! Nang-iiwan ka nalang basta-basta. Siguro may nakita ka ng babae diyan no?! Sige, edi magsama kayo. Huwag ka ng babalik ulit dito!" napayuko ako dahil sobra ang luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko.

"Pero mahal na mahal parin kita." I whispered. Araw-araw nalang akong ganito. Nag eemo-emo sa loob ng kwarto ko. Kung hindi ko rin kasi ito gagawin baka ngayon baliw na ako dahil hindi ko nailalabas ang sakit sa puso ko.

Bakit ka nga ba umiiyak Aika? Hanggang ngayon buhay ka pa naman kahit wala siya, it means kaya mong mabuhay ng wala si Cloud. Oo tama, bat ka umiiyak? may iba namang lalaki diyan. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa iisang lalaki lang.

Naglakas-loob akong harapin ang binigay ni God saakin na pagsubok dahil baka may plano siya na mas maganda para saakin.

Tumayo ako at naligo na. Plano ko sanang hindi pumasok sa trabaho ko ngayon kaya lang wala din naman akong gagawin sa bahay namin. Maiisip ko lang si Cloud.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HALA! 2 (One shot + Epil.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon