SOPHIA
Pagkatapos nung eksena na yon, tumakbo agad ako sa cr. Tumingin ako sa salamin at kinausap ko Yung sarili ko. Baliw noh.
"Napaka Bobo mo Naman Pia. Gisiiiiing!" Sabi ko habang sinasampal ko Yung sarili ko. Haysss, napaka malas talaga.
Nang tumingin ako sa orasan ko....... waw magic, Wala pala akong relo. Lumabas na agad ako ng cr at hinanap yung room ko. Sa pagkakaalam ko 7:30 magsisimula yung klase. Nung tumingin ako sa nakapaskil na wall clock sa hallway, nakita ko na may 5 minutes pa ako. Bigla namang tumawag tong si Margo.
" Asan ka na ba?! Napakatagal mo Naman umihi. Tumae ka ba?" Sabi ni Margo.
"Bobo nawawala ako. May eksena Kasi kanina na nangyari."
"Ay, eh, bilisan mo! May tatlong pogi dito. Balitaan mo ko sa eksena na yan mamaya ha."
Binaba ko agad Yung call at hinanap yung classroom namin. Dapat tinanong ko nalang si Margo. Nung makarating na ako sa room na hinahanap ko, pumasok agad ako at nakita ko si Margo at si Jane na nagtatawanan. Lumapit ako sakanila at nakibalita.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Kita mo yon?" Turo Margo dun sa Tatlong lala- HALA! Siya Yung lalaking natapunan ko ng kape.
"S-siya yung- pwede na bang umuwi?" Tanong ko
"Ano ka ba naman? First day ganyan ka?" Ani ni Jane "Tsaka Sino Yung siya?"
"Natapunan ko siya ng kape kanina. Sabi Niya pagbabayaran ko daw."
"Ano?!" Sigaw ni Margo kaya napatingin silang lahat samin kasama yung tatlong lalaki kanina.
"Napakaingay mo Kasi eh" bulong ko Kay Margo.
Tumingin saamin yung tatlong lalaki at nagsmirk Naman Yung natapunan ko kanina. Lalapit na sana sila Ng bumukas yung pinto. Maaaaaaam, tnx Lord, nakaligtas. Pumunta silang lahat sa upuan nila at nag greet Kay ma'am ewan ko ba kung anong pangalan.
"Good morning class, take your seats. My name is Reese Marie Lee, you can call me ma'am Reese. Since today is your first day, we will do the worst part of it, introducing yourselves." Sabi niya habang nakangiti.
The class introduction goes on nang makarating na ito sa akin.
"Ummm......... G-good morning everyone. I'm S-sophia Marquez, you can call me Pia. I'm 19 years old. T-thank you" Sabi ko at umupo.
Nakarating na ito dun sa tatlong lalaki. Yung una si Justin, pangalawa si Leigh at pangatlo yung natapunan ko ng kape.
"Hi. I'm Kyle Gabriel Santos, 20 years old" Sabi niya ng wala manlang ka feeling feelings at umupo agad siya.
Nagsimula na ang first day ko dito at sobrang saya. Mabait pati yung adviser namin.
Lunch na. Ang lunch namin ay 12:00nn-1:00pm which means one hour lang Ang kasiyahan ng tanghali ko. Haysss.
"Room 305, 3rd floor, 12:45, papasok ka sa ayaw at sa gusto mo, pagbabayaran mo to"
Sheeeeet namaaaaaaan.
Pumunta kami ni Jane at Margo San isang table at kumain. Ako? Binilisan ko na kumain. Pagkatapos, tumingin ako sa relo ko. Anoooooo baaaaa? Wala nga pala akong relo. Kinuha ko Yung kamay ni Jane at tumingin sa relo niya.
12:20
"Alis muna ako" Sabi ko at tumakbo papalayo
25 minutes pa naman kaya pumunta muna ako sa garden ng school. Nakita ko na may bakanteng upuan sa tabi ng malaking puno. Umupo ako doon at bigla kong naalala yung Kuya ko. Medyo naiyak ako Kasi miss na miss ko na siya. Maya Maya nakatulog na ko.
******
Nakatulog pala ako. Nakakaantok naman. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko na wala nang mga estudyante sa ga- GAGO BOI LATE NA ATA AKO!! Tumingin ako sa nakapaskil na orasan.Buti Ang daming orasan dito
Nakita ko na 1:09 na. Dali Dali akong tumakbo sa klase.
Pagkapasok ko, tumingin lahat sila saakin.
"I'm sorry I'm late. Nakatulog Po ako"
Paliwanag ko sa Prof namin."This is just the first day so I'll let it pass."
"I'm so sorry Po talaga. Thank you"
"Hmm. Take your seat"
Tumingin ako sa mga upuan at wala nang bakante. By two Kasi yung mga upuan kaya magkatabi si Margo at si Jane. I scanned the whole room then my eyes landed on the one last seat at yun ay sa tabi ni Kyle..
Patay ako nito.
---------------------------------------------------
Napaka panget.😂😂
![](https://img.wattpad.com/cover/156037231-288-k662327.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Romance"Alam mo ba Kung gaano kasakit sakin na Makita kitang kasama Yung ex mo?!" "Alam mo ba Kung gaano kasakit sakin na tanggapin na magkapatid Tayo?!"