Anino

56 1 0
                                    

Isang gabi sinundo ko ang aking nobya sa bahay ng kagrupo niya. Gumawa kasi sila ng proyekto habang nagpulong naman ang org namin. Lagi kaming magkasabay kaya kahit na wala akong requirements ay hihintayin o di kaya'y babantayan ko siya. 

"Hi! Miss mo ko no? hahaha"

"Isha, tara uwi na tayo. Ihahatid na kita sa niyo."

"Grabe ah. Ang KJ mo nako! Wala manlang 'good evening, I miss you, I love you, Kumain ka na ba? Pagod ka ba?'"

"Eh kasi po maam, gabing gabi na ang kulit mo parin. Syempre alam mo na yung mga yun, mababawasan yung halaga kapag inulit ko lang nang inulit sa'yo. Tsaka halata naman sa busangot mong mukha na pagod ka eh."

"Sige na nga. Pasalamat ka at magaling kang magdahilan, kung hindi magtatampo talaga ako sa'yo"

Ganito kami magusap ng girlfriend ko. Para lang kaming magkaibigan. Sabi ng iba, ang 'cool' daw namin at para lang kaming mag-barkada. Puro kasi kulitan at tawanan pero syempre di naman mawawala dun yung tampuhan at away paminsan-minsan.

'Di rin kami sikat at mga kaibigan at kapamilya lang namin ang nakakaalam na may namamagitan sa amin. 'Pag hindi mo kami kilala, maiisip mo siguro na magkaibigan lang din kami dahil hindi kami PDA. Kahit naglalakad, 'di rin kami holding hands.

Grabe 'tong si Isha. Kung gaano ako kaseryoso at katahimik, siya namang kabaligtaran niya. Wala na sigurong mas kukulit at mas aktibo sakanya pero di naman ako naiinis o nagagalit dahil isa yun sa mga rason kung bakit ko minahal at minamahal. Sakanya lang ako natatawa at 'di ko alam kung bakit.

"Henry, kain muna tayo. Gutom na talaga ako eh."

"Sige. San mo ba gusto kumain?"

"..."

"Huy, ano ba?" 

Nagulat ako kasi biglang di na sumasagot yung kausap ko. Paglingon ko wala na siya sa tabi o sa likod ko. Nako, palabiro talaga 'to at di marunong mapagod.

"Isha, lumabas ka na. Wag mo nga ako taguan. Sige ka, di kita papayagang mag-icecream"

"..."

"Kasi babe. Yung totoo. Sabi mo gutom ka na eh. Aalis na ako dito"

"JUK UNLEEE!! Uy babe! Wag mo naman ako iwan. Tara na nga hahaha"

Isa yan sa mga paborito niya gawin. Ang taguan ako habang naglalakad. 

Minsan natatawa rin ako kasi 'di ko namamalayang kausap ko na pala ang sarili ko dahil nagpapaiwan siya nang hindi ko napapansin upang magtago. Pumapasok pa yan sa mga stall minsan para 'di ko makita.

"Eh kasi, gabi na. Gutom na rin ako at baka kung mapano pa tayo sa daan." 

"Kinabahan ka lang eh~ Kala mo nawala na ako no?"

"Ewan ko sa'yo. Para kang bata"

"Wag ka nga magalala 'di naman kita iiwan. Lagi lang naman akong nasa likod mo pag nagtatago eh. Di ka pa ba sanay?"

"Tigil-tigilan mo na kasi. Panindigan mo yang ''di kita iiwan' mo ha. Oh, saan mo ba gusto kumain?"

"Oo na, oo na. Sa McDo nalang siguro para mabilis. Hihihi highblood ka kasi pag gutom eh."

"Tara na nga. Ang kulit mo."

"Ano? Ang cute ko?"

"Ang bingi mo Ish. hahaha"

"Ay siguro nga nagkamali ako ng dinig. Ang cute cute ko. Tama na no? Alam ko naman kahit tayo na ay patay na patay ka parin sa beauty ko hahaha." 

AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon