Chapter 1 [first meet]

20 2 0
                                    

hello !! dinidecate ko nalang sa sarili ko ! wlang may gustong magpadedicate eh. :( 

**

 Trixie's POV

eye glass? check!

Braces? check!

Duster na pang 80's? Check!

ponytail hairstyle? Check!

All check na! Ready to go!

" Trixie! wag mong kalimutan yung blackbeans ah! " sabi ni ate Cindy habang nagchochop ng  karneng lulutuin.

Anong okasyon? Well, wala naman. Nothing special. just dinner. Sweldo kasi ni ate kanina kaya humirit ang pagka HRM.

" Oo na! kanina mo pa yan inuulit e! " sabi ko naman. panglimang ulit na siguro nyang sinabi yun!

" Pinapaalalahanan lang naman kita! may Alzhiemers ka pa naman." nang-aasar na sbi ni ate.

" psh. alis na ako. " sabi ko at lumabas na ng bahay. Alzhiemers daw. Sa totoo lang wala naman. Malilimutin lang talaga ako.

ako nga pala si Judy Anne Dominguez Sy. 17 years young. Isa akong Nerd! may nerd sa East High University? Ako yun! summer ngayon kaya walang pasok. Next week pa magsstart ang klase. i'm going to be a junior high school yeeey!

papunta ako sa market para bilhin ang mga ipinapabili ni ate. Malapit lang naman. Hindi ako reklamador noh! mahal ko kaya yang ate ko kahit kalog minsan! Siya ang kaclose ko sa pamilya namin. hindi ako papa's girl o mama's girl. ate's girl ako!

Things to buy:

1 pack of Table napkin 

1 hand sanitizer

1 Deo lotion

hmmmm. parang may kulang? ...

di bale nanga lang..

* AT THE HOUSE

" Ate! Andyan na sa lamesa yung mga pinapabili mo!" sabi ko habang papunta sa sala. Nasa CR ata siya e.

" ahh. sige. salamat sis." 

bubuksan ko na sana yung Television (naks!) ng biglang magsalita si ate.

"Trixie ! nasan yung blackbeans ? " 

ANAK NG TETENG NAMAN OH! sabi nanga ba may nakalimutan ako e! -_-

" Babalikan ko na lang! wag ka nang humirit ate! kasalanan mo din naman yun dahil di mo naman nilagay dun sa listahan! " naiinis kong sabi sbay walk out. 

narinig ko pa nga siyang tumawa e. anyare dun? di man lang ako pinigilan? psh. yun pa?

habang naglalakad ako sa kalsada, napatigil ako sa nakita kong paparating! (naks!)

Isang Lamborghini! Gosh! ang ganda ! Ang kintab!

sa sobrang pagkastarstruck ko hindi ko namalayan na papalapit na sa akin yung lamborg--- teka! papalapit?!! 

OH NOO---- * BOOOOOGSSHHH* (sorry walang budget si author XD)

O______________________O

Nabangga lang naman yung lamborghini nya sa malaking puno.! 

May bumaba sa kotse. ! Woah! hindi man lang siya nagalusan? Teka! ba't parang papunta siya sa direction ko?

" IKAW! *Sabay turo sa akin?* May balak ka bang magpakamatay ha?!!! " He said with a greeted teeth. napapaenglish tuloy ako. naman. nervous attack -_-

Lumingon-lingon muna ako sa likod ko. malay mo di ako yung kausap nya. mapahiya pa ako. pero unfortunately wala ee. ako lang nandito.

" A-ah. a-ako ba? " nauutal na tanong ko sa kanya.

" Hindi! yang makapal mong samin! Stupid! Alam mo bang mas mahal pa yang Lamborghini ko kesa sa buhay mo?! alam mo bang ang mahal ng bili ko nun! ? Tapos masisira lang ng ganun-ganun nalang?! " sabi nya na kulang nalang kainin na niya ako. at dahil dun kumulo ang dugo ko.

"HOY! excuse me lang ha!? Wapakels ako kung BAGO AT MAHAL yang lamborghini mo! ikaw nanga yung muntik na makasagasa sa akin ikaw pa may ganang magalit?!! Overspeeding ka nga ee! Yabang! isaksak mo sa baga mo yang lamborghini mo at wag mo nang ilabas! " banat ko naman. pheew. kinapus ako dun ah. 

" Arrggh!! " napasabunot nalang siya sa buhok nya. walang masabi dude? haha! wala ka pala ee!

Kala mo naman kung sinong gwapo! oo gwapo siya! pero kabaliktaran naman ng ugali! Mas nag-aalala pa siya sa kotse nya kesa sa muntik nyang masagasaan?!

May tinawagan siya. after 2 minutes ata yun nang may dumating namang isang limosine! aba ! uso yata pasosyalang kotse ngayon ah!

" Sir Nasty ano pong nangyari?! " natatarantang sabi ni manong . 60+ na ata siya.

" Iuwi mo nalang ako manong edd. baka may magaw2a pa akong di maganda rito. Tsaka yang bago at mahal kong lamborghini ipapick up mo nalang kay butler." cold nyang sabi sabay sakay sa limosine nila! sila na ang mayaman!

" SAbihin nyo jan sa amo mo manong na mag-ingat-ingat din pag may time! tsk.! "

" Ahh. ma'am ako napo  ang humihingi ng despensa " sabi nya.

" sige na manong okay na. alagaan nyo po yung amo nyo po ah! baka mag evolve! " sabi sabay tawa. kaya nakitawa nalang din sya. di naman halatang masaya ako noh? XD

 at tuluyan na silang umalis..

 pumunta na ako sa market para bilhin yun ipinapabili ni ate. teka .. ano nga ulit yun?! NAK NG!! MALAS NAMAN OHH!!! 

Vomment po. salamat! Want some Dedication? wala pa akong friends dito ee. pwede ka? 

ENJOY READING AND KEEP CALM AND LOVE ME! HEHE :P

two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon