Prologue

8 1 0
                                    

Lualhati Amor De Jesus POV

1925

"Amor, anak, magbihis ka na! Pupunta na tayo sa bahay ng mga Salazar!" Sigaw ng nanay ko mula sa sala.

"Opo, 'nay! Saglit lang po!" Nagsimula na akong magbihis ng pinakadisenteng kasuotan ko. Simple lang na maria clara ito kasi hindi naman kami mayaman pero okay na 'to.

Pupunta kami sa pamamahay ng mga Salazar kasi birthday ng anak nila. Ang nag-iisang taong iniibig ko lamang na si Mauricio Salazar. Nagmamahalan kami sa isa't-isa kaya lang hindi pa namin nasabi ito dahil sa ina niya. Alam kong hindi niya ako gusto para sa anak niya dahil mahirap ako.

"Mahal ko, sasabihin ko na sa pamilya ko ang tungkol sa ating dalawa sa kaarawan ko. Pangako ko 'yun."

'Yun ang sinabi ni Mauricio sa akin nung isang araw. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya. Ano kaya ang mangyayari kung sasabihin na niya sa kanila? Magiging maayos parin ba ang relasyon ng mga pamilya namin?

Pumunta ako sa sala at nakita ko na ang nanay at ang dalawa kong kapatid na kambal na sina Angelo at Nimuel na nakabihis na. "Ang ganda mo talaga, anak. Kamukha mo talaga ang tatay mo." Bungad ng nanay ko sa akin. "Kung nandito lang sana ang tatay mo..." Bumuntong-hininga siya.

"Nay, wag ka nang malungkot. Malulungkot din si tatay nyan. Nakatingin lang kaya siya sa atin palagi." Sabi ni Angelo.

"Oo nga, 'nay. Dapat masaya ka lang palagi! Ngiti ka ng ganito, oh!" Pinakita naman ni Nimuel ang pinakamalaking ngiti niya kay nanay. Natawa kaming tatlo sa ginawa niya dahil sa nakakatawang ngiti nito.

"Oo na. Ngingiti na ako." Bahagyang tumawa si nanay habang pinipisil ang pisngi ni Nimuel. "Tayo na, mga anak." Sabi ni nanay at umalis na kami.
________________________________

Narating na namin ang mansyon nila. Puno ito ng mga taong mayayaman din. Habang tumitingin ako sa paligid ay natanaw ko ang nakababatang kapatid ni Mauricio na si Amihan. Nang makita niya rin ako ay kumaway siya sa akin at lumapit sa amin.

"Ate Lualhati! Kamusta ka na?" Niyakap niya akong mahigpit.

"Maayos lang naman ako, Ami." Ngumiti ako. Nang kumawala siya sa yakap ay pumunta siya sa nanay ko at sa mga kapatid ko.

"Magandang tanghali po, Nanay Nenita, Angelo..." Bati niya. Humarap siya kay Nimuel. "Magandang tanghali din, Nimuel." Ipinakita niya ang pinakamagandang ngiti niya sa kapatid ko. Ngumisi ako dahil alam ko naman kung anong nararamdaman ni Amihan sa kapatid ko. Hindi lang niya ito inaamin pero halata naman ito.

"Ikaw din." Sagot naman ni Nimuel habang malaki ang ngiti nito.

"Ay, Ami. Saan nga pala si Mauricio? Babatiin ko sana siya." Sabi ko sa kanya.

"Ah, nasa loob si kuya kinakamusta lang ang mga bisita. Punta ka doon! Kanina ka pa hinihintay nun." Ngumiti pa nang nakakaloko si Amihan. Tumawa lamang ako at pumasok sa pamamahay nila. Nang nakapasok na ako sa bahay nila ay nakita ko ang mga kasama ng tatay niya sa munisipyo. Mayor kasi si Don Fernando Salazar kaya sila ang pinakamayaman sa bayan. Dagdag pa ang mga lupain at hacienda na meron sila.

Nakita ko agad si Mauricio. Ang gwapo niya parin. Naka-pormal na kasuotan ito at nakaayos ang buhok niya. Lumapit ako sa kanya at kiniliti siya sa tagiliran niya na ikinabigla niya. "Uy! Ikaw pala, mahal ko." Tumawa siya.

Niyakap ko siya. "Maligayang kaarawan, mahal ko. Bente-sais ka na!" Bati ko sa kanya.

"Oo, ang tanda ko na." Biro niya. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Sus, gwapo ka parin para sa akin. Ikaw ang pinakagwapo at pinakamahal kong lalaki sa balat ng lupa." Sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at hinagkan yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Timeless LoveWhere stories live. Discover now