Sulyap (Tula)

657 14 0
                                    

Sulyap

by: Killerheart01

Ako'y nangangarap sa isang bituwin

Ikaw lang ang nais kong tanawin

Kahit sandali lang at nakakabitin

Ano nga ba ako sa iyong paningin?

Nais ko lang malaman mo

Na kahit anong mangyari sa iyo

Ako'y laging naririto sa tabi mo

Naghihintay sa paglapit mo

Sa tuwing ika'y nakakausap

Ako'y napapatingin sa alapaap

Sa bawat iyong pagkurap

Tila ikaw ay kumikislap

Nais kong mabasa mo ang aking tula

Hindi para ikaw ay mamangha at matulala

Nais kong iparating sa iyo ang aking tula

Upang malaman mo ang tunay kong nadarama

Alam kong mas may hihigit pa sa akin

Napakaraming harang sa pagitan natin

Ngunit sana ako'y iyong pansinin

Sana ika'y tumingin sa akin.

================================================

KILLERHEART01-- NAGTRY LANG PO AKONG GUMAWA NG TULA. SORRY MAS GUSTO KO PO ANG MALAYANG TALUDTURAN SA TULA. ^__^ OKAY LANG PO BA? COMMENT?

Sulyap (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon