Sulyap
by: Killerheart01
Ako'y nangangarap sa isang bituwin
Ikaw lang ang nais kong tanawin
Kahit sandali lang at nakakabitin
Ano nga ba ako sa iyong paningin?
Nais ko lang malaman mo
Na kahit anong mangyari sa iyo
Ako'y laging naririto sa tabi mo
Naghihintay sa paglapit mo
Sa tuwing ika'y nakakausap
Ako'y napapatingin sa alapaap
Sa bawat iyong pagkurap
Tila ikaw ay kumikislap
Nais kong mabasa mo ang aking tula
Hindi para ikaw ay mamangha at matulala
Nais kong iparating sa iyo ang aking tula
Upang malaman mo ang tunay kong nadarama
Alam kong mas may hihigit pa sa akin
Napakaraming harang sa pagitan natin
Ngunit sana ako'y iyong pansinin
Sana ika'y tumingin sa akin.
================================================
KILLERHEART01-- NAGTRY LANG PO AKONG GUMAWA NG TULA. SORRY MAS GUSTO KO PO ANG MALAYANG TALUDTURAN SA TULA. ^__^ OKAY LANG PO BA? COMMENT?
BINABASA MO ANG
Sulyap (Tula)
PoetryIsang tula na nagmula sa puso ng taong may paghanga sa isang tao na hindi masuklian. AN: Hindi po ako ganun ka galing sa tula BUT please read it po muna ^___^ Thank you! Enjoy