'Coz(one-shot)

53 7 9
                                    

Hi!,another one-shot ulit!next to "Nothing" if you still have some time,read it so you can experience their A-Z love!

---

Callen's POV

Naka-salampak sa malamig na semento habang naka-tingin sa kaniya.Ayan na naman siya...pakiusap,umalis ka na lang.

Naka-upo siya sa harapan ko habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Callen..."

Umiiling ako,umiiyak hindi alam ang gagawin ni-hindi alam ang rason ng bawat luhang pumapatak.

Ngumiti siya 'yong pagka-tamis-tamis na akala mo siya na ang pinaka-masayang tao.

"Mahal kita.."saad niya habang nasisira ang mga ngiti niya dahil sa kaniyang mga luha.

"Please!Your love isn't enough to fill my empty heart!"sigaw ko sakaniya na may halong sakit at panghihinayang na hindi ko alam kung saan ko nakukuha at bakit ko ito nararamdaman.

"How did you know?hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan."saad niya,parang namimilit.

"I hate everything about myself so how can I love someone if I can't even love myself?"

Hawak niya pa rin ang kamay ko,malamig at tila nanginginig.

"Then,let me just show you how one person can transfer love to another person"

Ang kulit.Gusto kong tumawa pero may pumipigil sa akin,Baliw na ba ako kung ayon ang gusto ko?

"Please...just leave me---"

He cut me off---No!I cut myself off isang ngiti lang ang pinaka-walan niya napahinto na ako.Bakit?

"No!if you're a tsundere then you're free to punch and kick me"saad niya ng hindi na ako nag-salita.Tsundere?...so anime-ish.

"Please...just stop..."pagpapahinto ko sa kaniya.Dahil sa mga luha kong tuloy-tuloy kung umagos ay tila ba sumasakit na ang ulo ko.

Pagka-yari ko iyon sambitin walang kumikibo sa amin,Nakatitig lang siya sa akin at tila ba sumasabay ang kaniyang mga mata sa akin sa tuwing ako'y kukurap,nang-aasar.

Napaka-tagal bago siya muling nag-salita...mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko...sa isang kamay ko.

"O-okay...just one more please?"nakikiusap na saad niya at ng mga mata niya.

Tumango ako...isa na lang.

"Before I bid my farewell to you just hear me out..."he said and give a heavy sigh

"No matter how hard this is,I'll still fight just please don't leave my hand hanging and lifeless"

Saad niya habang napaka-higpit ng hawak sa kanang kamay ko tumingin ako rito at unti-unti ng nagkakaroon ng dugo sa higpit ng hawak niya ay nasusugat na ako...

Ngunit hindi lamang iyon nanginginig at gulat akong makita ang mga sariwang dugo na lumalabas mula sa aking mga laslas na mula braso hanggang pulso.

Iniangat ko ang paningin ko naka-upo pa rin ako sa malamig na semento habang naka-harap sa malaking salamin na nasa harapan ko,at hawak-hawak ng mahigpit ang sarili kong kamay...

N-nasaan siya..?

"K-Kayden?N-nasaan ka?"tila ba bulong ko sa hangin..ngunit walang kumikibo...mag-isa lang ako sa k'warto.Makalat at gulo-gulo may mga patak ng dugo.

Natawa na lang ako.

"Pfft..hahaha!"

Hanggang sa unti-unti akong matauhan,ang huli niyang ala-ala,ang pagtataboy ko sa kaniya,ang pagmamatigas ko...muli na namang nangyari.

---

Lianah's POV

Hindi ko na kaya---Hindi na namin kaya!,Nandito kami at naka-tayo sa harap ng k'warto ni Callen...tuluyan na siyang nasiraan ng ulo.

Ngunit wala kaming magawa...ito ang gusto niya ang paulit-ulit na balikan ang huli nilang ala-ala.

"Kinakausap na naman niya..."saad ni Glenn,kaibigan naming lalaki.

"N-natatakot ako,is this still good?Hindi na 'di ba?!"gusto ko ng tumawag ng Psychiatrist pero wala rin akong magagawa!

"Kayden Whilliam Arrantia,it's his last words for her...that makes her lose her control"

Tama si Jhayzy,noong nag-confess si Kayden kay Callen ay nandoon kami at iyan ang mga salitang binitawan nila sa isa't-isa.

So not all dialogues are dialogues,this time it's a monologue disguised as a dialogue.

Na-depressed?Sabi mo hindi ka tinatablan niyan?Sabi mo malakas ka?Akala ko ba hindi mo siya mahal?ano na?...wala ka ng pag-asa.

"Bakit ba kasi kailangang mangyari ito,Callen Onia Zarranza?"gusto kong ibulong ang mga salitang ito sa kaniya,pero wala ng kwenta.

"...'coz she's crazy."saad ni Jhayzy,habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"...'coz her empty heart is now filled with sadness"saad ni Glenn,habang tumalikod at nag-lakad palayo.

"And because she can't handle it,she's just  too weak to handle this."saad ko,pilit na hindi pinapansin ang hagulgol at pag-tawa ng kaibigan namin na tuluyan ng sinakop ng kaniyang kalungkutan.

'There's still hope Callen,just like you I was about to give up'

---

Hi!I hope you enjoy!,Wala na akong maisip haha.

Please kindly read my poem "I was about to give up" nasa "Random Talks and thoughts po ito" nasa profile ko,Thank you again for reading this one-shot.

Ps.Sorry kung sabaw at maikli wala na akong maisip,actually isinulat ko lang ito sa likod ng papel ko(unexpectedly!)..tapos charaaannn~ naka-gawa na ako ng one-shot na walang kwenta(charot!) Haha.

Pps.Sorry about my wrong grammars and typo :) .Amateur writer lang po ako haha.

"God bless all of us"♥♥♥

092718

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

'coz(one-shot)Where stories live. Discover now