BEATHRIZ's POV
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Sinagot ko agad ito.
"Goodmorning sa prinsesa kong bestfriend " bungad na bati sakin ng nasa kabilang linya.
"Ang aga aga naman meg. Problema mo na naman ba?" Reklamo ko sa kanya. Halos nakapikit pa mga mata ko kasi antok pa ako.
"Hay naku beathriz olivia manuel! Nakalimutan mo na naman ba? Meron tayong activity ngayon sa school" sabi niya habang sumisigaw.
"Ano ba meg ang ingay! Kelangan sumigaw? Ayoko pumasok kaya niyo na yan" iritang sabi ko.
"Bea! Ilang linggo kana nagkakaganyan ah? Basta pumasok ka iintayin kita. Magusap tayo" seryosong sabi niya. Binaba na rin niya yung tawag.
Kumilos na rin ako. Para pumasok sa school. Ilang minuto pa nakabihis na ako. Lumabas na ako ng kwarto ko.
"Goodmorning bea. Umalis na pala ang mommy mo! Dadaan pa raw sya sa daddy mo bago pumasok sa office niyo. Umupo kana diyan at ng makapagalmusal kana" si nay mercie. Katulong namin.
Dito na tumanda si nanay mercie. Kaya di ko siya tinuturing ni katulong lang. Kasi parang kamaganak na rin namin siya.
"Okay po. Tara nay kain tayo" pagyaya ko sa kanya. Umupo na rin ako. Kumuha na rin ako ng mga pagkain sa lamesa.
Natapos na rin akong kumain. Lumabas na ako ng bahay. Sumakay na ako ng kotse namin. Maya-maya pa andito na ko sa school.
"Bea! Finally andito kana rin!" Bati sakin ni meg! Matagal na kame mag bestfriend ni meg.
Since bata palang kame magkaibigan na talaga kame. Magkaibigan kasi mga magulang namin.
"Hay naku megan! Ano na naman bang paguusapan" pagirap ko sa kanya. Umupo
"Bestfriend kita. Alam ko na may pinagdaraanan kang problema. Kayo ni tita. Pero bea! Diba nangako ka kay tito. Pagbubutihin mo pagaaral mo. Pero bakit ngayon halos bilang nalang ang araw ng pagpasok mo sa school!" Siya habang pinagsasabihan ako na parang nakakatanda ko siyang kapatid.
Hindi ko na mapigilan umiyak. Tama siya. Simula kasi nung aksidente. Napapabayaan ko na sarili ko at pati na rin pagaaral ko.
"Bea! Alam ko mahirap. Masakit. Pero kailangan mong lumaban. Kailangan mo magpakatatag. Asan na yung bea na kilala ko na matapang?" Niyakap niya ako habang sinasabi niya yun.
"Meg. Thank you ha kasi andyan ka lage sakin. Sa tabi ko. Sa tabi namin ni mama. Kahit ang hirap hirap na andiyan kapa rin." sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Kaya nga bestfriend diba nagdadamayan? Para saan pa at naging bestfriend mo ako? Sa tingin mo rin ba magugustuhan ni tito yang nangyayare? Yung nakikita ka nagkakaganyan? Maging matatag ka bea!" paliwanag pa niya sakin.
"Susubukan ko! Kakayanin ko" yun nalang nasabi ko sa kanya.
"Hay naku bea!" irap nito sakin! Nagstart na rin yung klase namin.
"So class! We need your cooperation next week magkakaroon ng sports festival ang school natin. Siguro naman alam niyo na ang school natin ang host ngayong taon! Expected na natin na meron kalahok na ibang school!" paliwanag ni Mrs. Cruz. Class adviser namin.
"Omg! So madami na namang boylet dito nextweek! Excited ako sa mga gwapong makikita ko!" mahinang bulungan ng mga classmate ko!
"Sa mga gusto magparegister and sa mga iba pang question niyo. please ask nalang si miss megan! Thanks class dismiss! Aasahan ko kayo ha" pahabol pa ni Mrs. Cruz
BINABASA MO ANG
My Time With You
RomanceAkala ko mamumuhay ako forever na prinsesa. Kaso hindi pala meron katapusan ang lahat! Sana makayanan ko pa! Dahil sa totoo lang mahal na mahal ko siya. Kahit sobrang sakit-sakit na!