Part-I

108 4 0
                                    

''Beh!" sabay na tawag sakin ni Levy at Rose. Kaka pasok ko palang kasi assual late na naman ako. "Beh nabalitaan mo na ba?" tanong ni rose sa tabi ko. Iling lang ang sagot ko at tumungo na ko sa uupuan ko.

"beh yung OJT fee natin On board, naku ang mahal kinse inabot'! exaggerated na sabi niya.

''Gaga di pa yun sure baka dise nwebe taw pa nga eh.." si Levy with matching hampas kay Rose.

"Aray bakla'! Nyuta ka Levy!'' sabay sibat ng bakla ''oi beh ikaw sasama ka?'' baling ni Rose sakin nag kibit balikat lang ako.

"Oi! Sarap mo kausap Vel. Bahala ka na nga dyan alam mo hanggang now tamad mo padin mag salita ''.

"tsk" bahala kyo sa hindi talaga ako maimikin bakit ba.

Pag-alis ni Rose sa tabi ko saka ko kinuha yung phone ko sa bag, at pag ganito walang prof. mas gusto ko pang makinig ng music kesa maki pag chikahan sa mga impakta kong mga kaklase. Takte yan ilang beses ko na tino'turn on itong cp ko hanggang ngayon di padin sumisinde tae kasi yung bumangga sakin kaninang madaling araw impakto.

=Flash back=

Alas tres pa lang nag aabang nako ng bus pero inaabot parin ako ng alas kwatro imedya kakaantay ng masasakyan lahat kasi punuan, no choice ako kundi maki siksikan kung hindi mahuhuli ako sa OJT ko sa Quezon ave.

''Letche naman oh.. mga ungetleman wala man lang mag pa ubaya ng upuan naka heels pa naman ako'' sabi ko sa isip ko. Tae! ang sikip naman oh, halos di ako makahinga puno na nga pinupuno pa itong bus na pa dasal tuloy ako ''Oh Bro. wag sana po ako matapilok ka'kabalance. Saka po Bro. sana wag po ako ma chansingan dito, patawarin n'yo po ako pero baka maka patay ako...''

Ang sakit na ng paa ko kakatayo ng may parang matigas na tumatama sa balakang ko, tae! wag naman sana tumama ang hinala ko, pasimple ako lumingon sa tagiliran ko letche ang bango infairness... handso... ommmm

''Oooooommmh god!'' nasabi ko bigla kasi nag preno yung driver.

''Okay ka lang?'' tanong nung lalaki halos naka yakap na sakin. Oh my'! yung dibdib nya naka sangkalan na sa dibdib ko. Dyosko ano to? help, help chansing to chansing...

''Hey are you fine?'' tanong niya ng di ako nakasagot.

Pak'!

''What the..! Anung problema mo?!'' sigaw niya sakin.

''Gago, Bastos manyak..!'' Sigaw ko.

Nakahinto yung bus namin sa tapat ng Robinson Fairview nahuli pala yung driver kaya biglang huminto ito. Bumaba na ako ng bus at tinahak yun sakayang ng FX.

Pipila palang ako sa sakayan ng FX ng my biglang humila sakin. Si "Handsomaniyak" pla tinignan ko lang sya eye to eye, problem nito?

"Mag sorry ka sakin" tiim bangang na wika niya. Anu ko hilo? Tinaasan ko lang siya ng kilay, sabay talikod.

"Wag kang bastos!" sabi niya sabay dakma sa braso ko.

Gago to ah.. siya nga itong bastos sabay sipat ng kamay niya sa braso ko, kaso mas malakas siya kaya hindi ko matanggal tanggal ang kamay niya.

"Ang kapal mo naman miss para ipahiya ako at sabihan ng manyak? Alam mo bang napahiya at pinag tinginan nila ako? kung di pa ko naka babah baka nabugbog na ko dun'!"

makapal? Ako? as in ako talaga? di nga? sa sexy kong to' "Muka mo! Sana nabugbog ka na lang, manyak ka kasi" ani ko.

"anung sinabe mo?"

"binge lang ang peg kuya?" mas lumapit ako sa kanya at lalong nilapit ko yung muka ko sa bandang balikat nya sabay sigaw nang "Holdap!!! tulong! tulong! tulungan nyo ko!".

Nagulat sya sa ginawa ko, dahil dun naka agaw atensyon kami kaya bago pa makalapit yung mga ilang kalalakihan samin tumakbo na ko, malas nga naman oh' dahil nabangga pa ata ako sa adik dahilan para tumilapon ang hawak kong cellphone.

"mish ag mamadali ka ata, maaashyado pang mamahaga" sabi nung halimaw na adik na lasing pa ata.

"bitawan mo ko and baho mo!" angal ko.

"wag.. hik.. wag. wag ka ng pakipot"

"tulong! pwe.. ang baho mo! basto!" saad ko.

"Bashtos pala ah"

napapikit ako. Dahil akmang sasampalin nya na ko ng may pumigil sa kanya. Si Handsomanyak nasa pagitan namin ng adik na to' Dali dali akong lumayo at kinuwa ang cellphone kong tumilapon at pumara ng masasakyan.

=End of flash back=

Afraid to love again (On board)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon