Binilisan ko ang pag lalakad upang maabutan si baliw. Nang makalapit ako sa likod nya ay walang anu-ano ay hinila ko sya at napa kuno't noo ng mapag sino ako. Walang reaksyon na nakatingin sakin ang mga mata nya, nag tagisan kami ng tingin.
"mag sorry ka sakin"tiim bagang kong wika. Tinaasan nya lang ako ng kilay at tumalikod.
"wag kang bastos!" sabay dakma sa kanang braso nya sabay pihit paharap sakin. Nakatingin lang sya at hindi pa rin nag sasalita. Nasan na napunta ang dila ng babaeng to'? bigla namang sinipat nya ang Kamay ko para matanggal sa pag kakahawak sa kanya, kaso mahigpit ang pag kakahawak ko dito kya hindi natinag ang kamay ko.
"Ang kapal mo naman miss para ipahiya ako at sabihan ng manyak? Alam mo bang napahiya at pinag tinginan nila ako? kung di pa ko naka babah baka nabugbog na ko dun'!" mahabang litanya ko.
di pa rin sya kumikibo. Anu ba trip nitong baliw na to' bakit di pa rin sya nag sasalita. Siguro napag tripan lang ako nito kanina at ngayon ay nakukonsensya na.
"Muka mo! Sana nabugbog ka na lang, manyak ka kasi" biglang sabi niya.
Anu daw? nakaka pag salita na ulit sya? Bumalik na dila nya?- isip-isip ko. "anung sinabe mo?" tanong ko.
"binge lang ang peg kuya?" pabulong na wika nya mas lumapit sya at mas lalo pang nilalapit yung muka nya sa akin. Anu to? Hahalikan ba nya ko? hmmm well not bad maganda rin naman sya at...
"Holdap!!! tulong! tulong! tulungan nyo ko!". sigaw nya.
Nagulat ako sa ginawa nya dahil dun nag lingunan ang mga tao samin nataranta bigla ang utak ko ng makita ko sa di kalayuan na my security guard at kalalakihan na pa palapit samin na masamang nakatingin sakin. Bigla namang tumakbo si baliw pa pa'layo. Sinundan ko naman sya sa takot na isipin ng mga papalapit, na totoo ang sinigaw ni baliw.
Huminto ako sa sobrang pag kakahingal. Ang layo rin ng tinakbo namin, nasa unahan ko si baliw di nya siguro alam na kasunod lang nya ko at patuloy parin sa pag takbo, may sa snatcher siguro tong' babaeng to kabilis tumakbo. Maya-maya pa natanaw kong may nabangga sya, "o loko yan na ang karma" sabi ko sa kawalan habang papalapit sa kanila. Napabilis ako ng marinig kong humihingi ng tulong si baliw.
Akmang sasampalin na ng lalaki si baliw ng pumagitan ako at pigilan ko ang kamay nito at akmang susuntukin pa ko. Gago to ah'.. sinangga ko ang suntok nya at gumante. Pinag susuntok ko ang lalaking lasing nang may biglang sumuntok sa panga ko, na pasubsob ako sa simento at sigundo lang may sumipa sa balikat ko sabay dakma sakin patayo. May dalawang humawak sa kabilaang kamay ko at may dalawa namang walang sawang pinag susuntok ako. Hindi ako ma kagalaw marami sila isa lang ako hinagilap ng mata ko si baliw pero ni anino wala akong nakita. Tae'na yan ito yung mga lalaki kanina ah'
"Anu mang hoholdap ka pa?" sabi ng isang lalaki.
"Hindi ako ho... ldaper" sabi ko.
"lokohin mo lelong mo!"sabi pa ng isa. "kaya ayaw ng mga pasaherong sumasakay ng FX ng dahil sa mga kagaya mo"
"salamat mga pre." agaw nung binugbog ko na lasing. "Ginuuupi din akko nyahan gagong nyanhan eh"
Akmang susuntok pa yung isa ng awatin na sila ng security guard, tinaboy na rin naman nito ang mga gumulpi sakin.
Nang makaalis sila kinuha ko ang cellphone ko sa bag na nasa di kalayuan at tinawagan si Gino.
Habang papunta sa pinaka malapit na ospital, walang humpay na kanyaw ang natamo ko sa hayop na Ginong to' di parin sya maka paniwala na nabugbog ang isang Elrix Syvin Fuente. Pano naman ako makaka pag laban kung malalaki ang kalaban at mag isa lang ako higit sa lahat wala pa akong tulog kagabi dahil sa project na tinatapos ko. Ayon sa check up ko hindi naman malala ang mga natamo ko. Kaso pasa pasa talaga ako, napag pasyahan ko paring pumasok. Habang nasa byahe kami papasok kinuwento ko kay Gino ang lahat ng ngyare samin nung baliw.
"Gago ka kasi pre. Sana di mo na lang tinulungan dun sa lasing na nakabangga niya. O' anu ka ngayon? ikaw pa ang na trouble" ika ni Gino habang nag da'drive
"Gago alangan pabayaan ko" sagot ko.
"Oo. Tignan mo ikaw ang pinabayaan. Di man lang umawat, sana man lang bago siya sumibat nag tawag sya ng tutulong sayo. Pero thanks to her, first time ever na mas gwapo ko sayo"- Gino
"Gago" sagot ko.
Di na ko naka pasok sa first subject ko at hindi na rin naka take ng exam sa dalawang subject nalate na kasi ako i'special test ko nalang yun, yung naabutan at mga natirang subject na lang ang pinasukan ko. After of exams umattend na ko ng seminar for On board training, next week na kasi yun. Alas syete na kami na tapos sa meeting at bigla namang nag aya si Gino sa Fairview mall.
Shit...!! napapamura ako sa hapdi ng masabunan ko ang mga natamo kong sugat tae'na! naman oh..! ang sakit kayah... di na lang ako nag sabon at lumabas na ng banyo pagtapos mag bihis agad akong humiga.
Tae'na pag nakita ko talaga sya humanda sya sakin. Teka anu bang magandang parusa sa mga ganung babae?
Nakatulugan ko na lang ang pag iisip kung ano gagawin ko sa babaeng yun pag nag kita kami.
BINABASA MO ANG
Afraid to love again (On board)
RomanceTwo people who failed in loved and promised they never fall again, and unexpected their meet On board. She wouldn't want to see him, even the shadow of his fabric uniform. He hated her sa di niya malamang reason siguro dahil suplada, maarte siya. Th...