Chapter 3 :

17 0 0
                                    

Kitty POV's

Simula nung makilala ni Mommy si John di na nya ko pinapagalitan pag umuuwi nang gabi..Basta daw ihahatid ako nila Shiela at Kuya John.That's kinda weird right? ..

One time nagkaayaan kami nang mga klasmeyt ko na mamasyal .. Kasama sila Shiela , kuya John , Angelica , Regine with her boyfriend Rowel ..

President si Angelica sa classroom namin , samantalang si Regine naman yunh muse . Sa ibang section naman yung boyfriend nya ..

"We're do you want to go guys ?" Tanong ni Angelica samin .. Saan nga ba maganda pumunta this weekend .

"Tagaytay" regine suggested ..

"Oy lovebirds porket malamig sa tagaytay gusto nyo doon maglampungan.." di ko alam kung naiinis si Shiela o nagbibiro lang to. Hopeless romantic kase kaya ganyan..

"Ikaw Ms. Dela Cerna san mo gusto?" Actually kung saan nila gusto dun ako .. gusto ko lang naman mapahinga yung utak ko kahit sandali lang at first time ko gumala with friends.

"Let's Go to Enchanted .. Para naman mag.enjoy tayo kahit papano.." Si Ms. President ang nagwagi kaya tumuloy na kami sa Laguna ..

Gamit namin yung kotse nung Boyfriend ni Regine .. Malamang nasa front seat sya . Sila Angelica at Shiela naman nasa middle .. At kami ni John .. AWWWKWAAARD !!

Mga natutulog na yung kasama namin sa sasakyan .Tutal malayo pa naman yung byahe so I need to take a rest for a while ..

Pinikit ko na yung mga mata ko nang biglang nagsalita si John..

"Magkaka-stiff neck k nyan sa pwesto mo.. Sandal dito.." tinatap pa nya yung balikat nya.. Sh*t ayoko nang ganitong feeling .. Bakit kase dito ako pinaupo ni Shiela e .. Lukang yon talaga.

"Dont worry harmless ako.. Isipin mo na lang kuya mo ko .." nilapit na nya yung ulo ko sa balikat nya ..

Bakit ganito nararamdaman ko parang may sasabog sa dibdib ko..

*tugs tugs tugs tugs*

Tunog nang puso ko.. Hahaha .. Sinunod ko na lang sinabi nya at pumikit na ko .Ayoko na lang mag.isip baka mamaya .. Hay ewan ..

"We're here ..." sigaw ni Regine . Dahilan kung bakit ako biglang nagising ..

Oo nga pala nakalimutan ko sa balikat nya ko nakatulog . Nakakahiya , mamaya may laway ako . SHEMS .. Ilang oras ba ko nakatulog don??

Nakita ko na lang na nakatingin si Shiela at Angelika samin ..

"Ano ?? Bakit kayo ganyan makatingin??" Tanong ko sakanila.

"Ang ganda mo eh.. Tara na kuya.." bruha talaga tong bestfriend ko.. Sinabayan pa nang tawa ni Angelica .. Yung lovebirds naman na si Regine at Rowel walang pakialam samin..

"Extreme tayo bessy .. i wanna screeeeeaaaammmm.." nakakabingi po .. akala nya siguro nakasakay na sya.. Ayoko magExtreme nakakatakot tska Ayoko talaga . May fear of heights ako e ..

"No way bessy . Ikaw na lang mag.isa .. Gusto ko pang mabuhay.." lumakad na ko palayo , samantalang si John nakasunod sakin ..

"Bakit mo ko sinusundan ? Sumama ka dun sa kapatid mo . Mamaya mawala pa yun.." patuloy parin ako sa paglalakad .. San ba pwede sumakay?? Hmmm..

"Kasama nya yung tatlo . Eh ikaw nag.iisa baka ikaw pa yung mawala .. Gusto mo sa carousel??" Duh ... Carousel ??? Ano ako bata ?? Timang ba sya ..Di ko nalang siya sinagot .. Pumila na lang ako dito sa Horror House ..

"Sure ka dito mo gusto??" Bakit ba ang kulit nya ? Naiirita na ko ..

"No choice and besides ito lang yung nakita kong medyo maigsi yung pila .." sabi ko sakanya with fake smile.

The Man of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon