Hep!
Ako si Samantha Carlo but call me Sam para tipid
Half Alien ako pero joke lang yun
Half Korean at Half Filipino
16 years old fourth year high school pero new transferee ako sa Exo University biro lang wala namang ganun kung meron sana dun na lang
Sa Heaven University ako mag tatransfer pangalan pa lang ng school mukang di ako bagay don.
Heaven kasi parang patay naku kasi nasa Heaven.Ngayon ang first day of school ko don kaya ito ako todo takbo na parang may humahabol sakin
Late na kasi ako kung minamalas nga naman ito unang araw ko sa paaralang ito tapos late pa.
Pano ba naman di ako ginising ni Mama.Habang tumatakbo ako naka bunggo ako sa pader ay hindi pala likod pala ng lalaki kasing tigas lang kasi ng pader yung likod kaya kala ko pader sya.
"Ay sorry" sabi ko sa kanya
"Ang tanga mo tumutingin ka ba sa dinadaanan mo?" ay siraulo to ang aga aga tinatanga ako Wow ah! Lupet mo chong,
"Hindi! Bakit ikaw ba naka tingin karin ba?"
"Hindi" sabi nya
"E parehas lang tayong tanga" pag kasabi ko nun muka namang na bwesit, sungit naman nito talo pa may buwang dalaw
"Shut up! Siguro bago ka dito kaya di mo ko kilala" Sabi ng hambog na lalaking to
"Bakit principal ka ba para kilalanin ko?" Pang iinis ko sa kanya
"Press" Boses galing sa likod ko isang babae sino tinatawag nito?
"Ano?"Masungit na sagot ni hambog, Teka! Press as in President? Kaya pala sabi nya mukang di ko sya kilala. So what wala akong pake kahit president pa sya ng school o president pa ng Pilipinas walang makakapigil sakin, Pabebe lang?
"Pinapatawag kayo ng Principal" sabi nung babae kay hambog
"Di pa tayo tapos" sabi sakin ni hambog, Aba nag hahamon ng gera ang sungit nato,
"Okay" sabi ko sa kanya, at umalis na sya kasama yung babae.
Omaygad anong oras na? Bwesit kasing lalalking yan sandi san ba kasi ako papunta?
Ayun elevator! Sosyal namang school to may elevator.Kaso may nakalagay Not in Order
King ina yan nag elevator pa kung Not in Order naman
No choose kailangan ko mag hagdan.Kaso nakakapagod wala bang katapusang hagdan to?
Pagkarating ko sa fourth floor may nakita akong babae ang ganda nya ah! Mag tatanong muna ako.
"Excuse me miss" sabi ko sa kanya
"Ano yun?"
"Ah san dito yung section B Garcia?" Tanong ko sa kanya
"Ay tamang tama section ko rin yun sabay ka na sakin"
Sabi nya, wow namang kung minalas ako kanina ngayon swerte na, hindi dahil may kasabay ako papunta.
Swerte kasi may kasama akong malate.After 20 minutes nakarating din kami sa section namin
"Ito na ang room natin" sabi nya sakin pag kapasok namin
May mahagip ang mata ko
Isang Impakto na naka ngisi
Si Hambog slash Sungit..