Phenomena's P.O.V
ILANG beses ko na tong ginagawa kaya naman alam ko na ang pasikot sikot rito para lang makalabas nang walang nakakahuli sakin. Mabilis kong inihagis ang bag ko sa likod ng mataas na bakod bago ko inihanda ang sarili ko. Ngayon, ako naman ang liliban sa bakod. Punyet*! Bakit kasi ang taas nito!? Naka uniform pa naman ako!
"Hoy!"
Napalingon ako sa humo-hoy sakin! Istorbo naman mga to.
"Hoy ka rin!" sabi ko at saka itinali ang buhok ko, nakakasagabal e
"Aba't angas neto ah!"
Napataas naman ang kilay ko, bakit ba nila ko kinakausap!? "Kilala ko ba kayo, ha? Alam nyo bang nakaka istorbo kayo sakin!?"
"Kami pa talaga ang nakaka istorbo, e ikaw tong biglang dumating!" sabi nung Isa pang Babae
Nilapitan nila ko. Napansin kong may dala silang mga yosi.
"Mag babakod ka? Kaya mo ba yan? Ang taas kaya nyan, siguradong mababalian ka ng buto!" sabi nung Isa pa tapos nag tawanan sila, masyado nila kong minamaliit ah
Inismidan ko sila. "Sigurado ka? Bakit hindi mo ko panoorin!?" pag kasabi nun ay kaagad na kong umapak sa nakausling bato sa pader saka binuhat ang bigat ng katawan ko
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at tinapunan ng tingin ang mga babaysot na yun nang makaakyat ako. "Tss. Ano? Ganun nyo nga!" nakangisi kong sigaw sa kanila bago tumalon paibaba
Pinulot ko na ang bag ko at isinakbit sa Isa kong balikat saka nakapamulsang nag lakad.
NAKAKALAYO na ko sa school ko at malapit na ko sa paborito kong tambayan. Dinukot ko ang baon ko sa bulsa at binilang ang apat na papel. Tss, dapat umabot to hanggang biyernes dahil sa kabilang linggo pa ko bibigyan ng Tita kong masungit.
"Apat na daan." hindi pa nag iinit ang pera ko sa palad ko nang may humablot bigla roon, punyemas!
"HOY, PERA KO YAN!" sigaw ko sa lalaking tumakbo ng pera ko! Hinabol ko agad ito kahit pa may maikling takong ang mga sapatos na suot ko. Kapag naabutan ko ang lalaking yun, isusubsob ko ang peste nyang muka sa daan!
"Tabi kayo!" inis kong itinutulak at sinasagi ang mga nakaharang sa daraanan ko Nakita kong nakahinto ang lalaking tumakbo ng pera ko. Aba't huminto pa talaga, akala yata ne to hindi ko sya hahabulin. Sinunggaban ko ang damit nya at hinaltak sya.
"Nasan ang pera kong gago ka!? Mag nanakaw ka!" singhal ko at akmang pipilipitin ang braso nya nang bigla syang mag salita
"Aray! Miss, masakit!"
"Masasaktan ka talaga kung hindi mo ibabalik ang pera ko! Gago ka!"
"What are you talking about!?" pag eenglish nya
"Huwag mo kong ma-english dyan! Akin na pera ko!" isinubsob ko sya sa pader habang hawak pa rin ang braso nya, kahit pa pinag titinginan na kami ng mga dumaraang tao dun
"I really don't know what you're saying, Miss." sabi nya
Kumunot ang noo ko at mabilis syang iniharap sa akin. Bahagya pa kong napatingala sa katangkaran nya. Ay, tengene! Nag kamali ako!
"Bwisit!" napasipa ako sa inis, wala na! Nakatakbo na yun ng malayo! Bitbit ang pera ko! Syete naman, baon ko yun e!
"You have mistaken." sabi nung lalaki
"Alam ko! Bwisit talaga!" singhal ko sa kanya at binangga sya ng dumaan ako sa tabi nya, mag lalakad pa ko pauwi, kawawa ng Phenomena.
BINABASA MO ANG
The Goodboy's BADGIRL (On-going)
RomanceGood boys do likes good attitude pero bakit parang si Good boy hindi tinatablan ng bad attitude nitong si Bad girl? Is it possible na magustuhan nya ang ating Bad Girl? Not ordinary Bad Girl.