FTMF | 01

274 10 1
                                    

~Althea Francheska Blaire~
Isang taon na ang lumipas... Nandito ako sa palasyo tila blangko ang mukha...

"Your highness"

Napalingon ako at nakita ko si Beatrice na tila suot muli ang kasuotan na nakasanyan niyang isuot noon...

Tumutulo luha ko habang inaaalala ko ang pangyayari na halos isang taon na ang nakalipas nang mangyari iyon

"Your highness... Pinapatawag na po kayo ni Prince Chen... Sumabay na daw po kayong kumain sa kanya" sambit niya

"Pakisabi hindi ako gutom..." sambit ko

"Your highness nangangayayat ka na... Malapit na rin ang Coronation Day mo... And you're not looking good... Please kumain ka na..." sambit ni Beatrice

"Paano ako makakakain? Kung hanggang ngayon umaasa pa rin ako na tutuparin ni Nath ang pangako niya! Na babalik siya sakin at hahanapin niya ako!" sambit ko habang unting-unti tumulo ang luha ko...

"Your highness..." sambit niya at nakita ko na nalulungkot din siya lumapit siya sakin at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap

"Iiyak mo lang yan" sambit niya

At sa di kalaunan ay umiyak na nga ako akala ko kapag bumalik na ako dito sa Palasyo magagampanan ko na ng ayos ang tungkulin ko pero hindi pala...

Tila araw-araw akong nalulungkot kakaisip kay Nath at sa iba pang elite boys.

It's been a year simula nung magkahiwa-hiwalay kami... Isang taon na rin mula nung mangyari yung bagay na iyon...

Hinawakan ko ang kwintas na huling alaaala ko sa kanya dahil hindi naman kami nagkaroon ng picture ng magkasama...

Nang maluha na naman ako...

"Princess Blaire!"

Sigaw ng isa sa mga guwardiya sabay pinasok ang kwarto ko...

"Your highness, ipagpaumanhin niyo pero nagagalit na po si Prince Chen... Please po lumabas na kayo at sabayan na siya sa pagkain"

At tumayo na ako tila blangko pa rin ang mukha... Kahit kailan hinding-hindi ko talaga siya magugustuhan...

Dumating na ako sa dining room kung saan nakahain na ang kay dami-dami na pagkain at nakita kong nakangiti siya pero sa kabila ng ngiti na yon ay inis...

"Kumain ka na rito... Sabayan mo na ako Prinsesa ko" sambit niya

"Ayoko wala akong gana" sagot ko

"Sabing kumain ka na eh!" sigaw niya sabay lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko

"Nasasaktan ako pwede ba!" sigaw ko

"Bakit ba lagi mo na lang akong sinusuway!" sigaw niya

"Pwede ba huwag na huwag mo kong mapagmamalupitan! Nasa kaharian kita! At ako ang namumuno dito! Huwag kang mapapel! Isa ka lang bisita!" sigaw ko

At napatigil siya doon...

"Guards!" sigaw ko

"Pakibantayan ang hagdanan na papunta sa kwarto ko! Magpapahinga ako kaya please bantayan niyo ng maigi!" sambit ko sabay isinama ko na si Beatrice saakin...

"Your highness ayos lang ba kayo? Namumutla na kayo..." nagaalalang sinabi ni Beatrice

"Ayos lang ako... Kailangan ko lang magpahinga" sambit ko sabay nginitian ko siya ng pilit

~Nathaniel Blythe Lai~

"Hoy..."

Natutulog ako ng mahimbing ng may bumulabog sa tulog ko... Ayoko bumangon! Ayoko!

Finding The Missing FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon