February 18, 2018
Anniversary nina Caleb at Yssa ngayon...
Maagang pumunta si Caleb sa bahay nina Yssa para surpresahin ito. Wala kasi si Yssa, kasama niya ang kanyang Daddy na namasyal sa probinsya nila. Dinalaw niya ang kanyang lola and lolo. Sa pagkakaalam ni Caleb ay before lunch sila aalis sa probinsya kaya naman maaga itong pumunta para mag-ayos...
"Tao po!! Tita??" sabay katok sa pinto
"Oh andyan kana pala Caleb, sandali lang anak" pasigaw na sagot ni Mommy Yna (siya ang mommy ni Yssa)
"Hi tita!! :) " bati ni Caleb
"Oh bat ang dami mo naman dala?" tanong ni M. Yna
"Oo naman po tita hehe special po kasi ang araw na ito. Gusto ko pong maging masaya si Yssa ngayon tita. Actually nga po nagtatampo siya sakin ngayon e. Sabi ko po kasi di kami makakapag-celebrate ngayon, sabi ko po may importanti kaming aasikasuhin ng family ko hahaha. Kaya gusto ko po pag-uwi niya masaya siya hehe" malambing na sagot ni Caleb
"Halaaa ang sweet naman ng batang 'to. Basta huwag mo siyang sasaktan at lolokohin ha? May tiwala ako sayo, Caleb." paalala ni M. Yna
"Ay tita sure po no problem. Hinding-hindi ko po iiwan si Yssa. Mahal na mahal ko po anak niyo tita hehe" sabi naman ni Caleb
"Siguraduhin mo lang ah? Pag may nangyari sa anak ko maghanda ka" pabirong sabi ni M. Yna.
"Yan kana naman nagpapalakas ah... Hahahaha" pahabol na sabi ni M. Yna na may kasamang tawa
"Hala tita hindi po ahh. Tita pwede napo ba akong mag-ayos? Baka kasi maya-maya uuwi na sina Yssa hehe" -Caleb
"Oh sure! Akyat kana at magluluto na ako ng pagkain natin para mamaya" sagot ni M. Yna
"Sige po tita, Thank you!" -Caleb
Umakyat na si Caleb para mag-ayos at idesenyo ang kwarto ni Yssa. Idinikit niya ang mga letra at mga pictures nilang dalawa sa pader. Inayos ang mga lobo, at inihugis puso ang mga rosas na bulaklak.
"Caleb!! Anak!!" sigaw ni M. Yna
"Tita ano po yun?" tanong ni Caleb
"Malapit na daw sina Yssa. Dika pa ba tapos mag-ayos?"
"Ano may maitutulong ba ko?" tanong ni M. Yna
"Tita hindi na po okay na po, malapit na din po akong matapos" sagot ni Caleb
Dali-daling sinindihan and kandila at pagkaraan ng ilang segundo...
"SURPRISEEEE, BABE!!"
"HAPPY 2ND ANNIVERSARY! I LOVE YOUUU!!" *niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa noo*"Halaaaaa ano to babe? Huhu. Akala ko ba aalis kayo nina tita?? Nakoooo"
"Happy Anniversary, Babe! I love you so much. Thank youuuuuu!!" paiyak na sagot ni Yssa
"Syempre naman hinding-hindi ko palalagpasan ang araw na ito. Ito ang araw na sinagot mo ako e hehe." malambing na pagkasabi ni Caleb
"Sweet naman ng Caleb ko. Pero nagsinungaling kapa rin sakin nakuu." -Yssa
"Babe naman e, ginawa ko lang naman yon para dito e. Para sa 'yo. Para masurprise kita. Hindi naman masama yon diba? :(( " *nagpapalambing* ang sabi ni Caleb
"Oo na alam ko naman po hehehe biro lang. Nagpapalambing pa ang babe ko e" patawang sagot ni Yssa
"Hmmm babe, may gift ako sayo. Wait lang kukunin ko hintayin moko diyan" pahabol na sabi ni Yssa
"Yah sure babe" sagot ni Caleb
Pumunta sa kabilang kwarto si Yssa at kinuha niya ang ibibigay niyang regalo kay Caleb
"Close your eyes hehe" patawang ssabi ni Yssa
"Huwag na po" sagot ni Caleb
"Ano gusto mo bang makita o hindi?" sigaw ni Yssa (pero binibiro lang ito)
"Eto na po, sorry na hehe" malambing na sagot ni Caleb
"Okay.. 1..2..3... Open your eyes" -Yssa
"Halaa bat nag-abala kapa? Ang mahal neto e. Magkano to babe? Hay" -Caleb
"Don't mind the price babe. Diba yan yung gusto mong shoes? Are you happy?" tanong ni Yssa
"Yes babe yesss!! Super :)))))" Thank you po, I love you!" kinikilig na sagot ni Caleb
"I love you too!" sagot ni Yssa
"Anak, Caleb, baba na kayo at kakain na tayo" pasigaw na sabi ng Daddy ni Yssa
"Yes dad, pababa na po kami. Salamat" sagot ni Yssa
At kumain na silang magpapamilya kasama si Caleb. Masaya silang nagkukwentuhan habang may dumating na...
BINABASA MO ANG
" BAKIT NGA BA? "
RomanceMaraming "bakit?" ang gusto kong itanong sa iyo ngunit mananatiling tanong nalang ang mga ito... Hi, I'm Sara Fatima Mariano. 15 years of age. This is my first time to create a story in wattpad (dahil isa ito sa mga gagawin naming Performance Task i...