CHAPTER TWENTY-THREE
THIRD PERSON'S POV:
Sa galit ni Dawn ay nagawa niyang paghalu-haluin ang monster form ng tatlong kapangyarihang meron siya.
bigla siyang nawala.
walang nakakakita sa kaniya ngunit nakikita niya ang lahat.
Mistula namang Aso na hindi makatae ang itsura ni Mr.Devon dahil sa nangyayari, siya ay nakakaramdam ng matinding takot pero bigla ring nawala iyon ng lapitan siya ni aelo ang kaniyang kaisa-isang anak at tinulungan.
dahil sa kakampi ng mga thunians ang mga demonyo ay nagsilabasan ang mga ibat ibang uri ng nilalang na napatay ni dawn sa deadland gamit ang napakalakas na kidlat.
Napangisi naman sila ash at ang iba pa at inihanda ang mga sarili nila para makipaglaban kahit na may isa silang kinatatakutan na hindi nila makita.
si dawn na kumakain sa magulong cafeteria ng kaniyang paboritong carbonara dahil ang sabi niya ay walang makakakita sa kaniya na nagnanakaw siya ng pagkain.
Sa gitna ng pagkain niya ay nakarinig siya ng dagundong at sa di kalayuan ay nakita niya ang malaking Unggoy na si kingkong.
tumalsik ang kinakain niya dahil sa malakas na pagtapak nito sa lupa kaya naman ay sinugod niya ito at inihagis palabas ng mundo ng immortal patungo sa mundo ng mga thunians.
hindi pa siya tuluyang nakakarecover ng magngitngit ang mga ngipin niya dahil sa pagkaskas ni Mr.devon sa isang styro na lagayan ng pagkain.
Sinugod niya ito at sasapakin na sana ng madatnan na nahihirapan na ang mga kasama niya, nakaramdam siya ng konsiyensiya at sinisi niya ang tiyan niyang gutom sa carbonara.
Hindi niya alam kung anong uunahin, si Mr.devon na papalapit na sa pintuan sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao o ang mga kaibigan niya na naghihingalo.
Sa inis ay tumubo ang galit sa puso niya kaya naman umilaw ang buong katawan niya at sinuntok ng pagkalakas lakas ang lupa dahilan para dumagundong ito at yumanig.
Naubos ang lakas niya dahil sa ginawa niya, Unti-unti siyang nakaramdam ng pagkahilo at panghihina dulot ng pwersa na nilabas niya at magpayanig ng lupa.
Bagsak na ang katawan niya sa lupa at nakikita na rin siya ng lahat, unti unting gumuguho ang lupa at nagsisipagbagsakan na ang mga halimaw na nandoon.
Ipipikit niya na sana ang mata niya pero sa di kalayuan ay nakita niya na pati ang mga kaibigan niya ay sinasama ng mga halimaw at demonyo sa pag-guho ng lupa.
Si jillian naman ay hirap na hirap na sa pagkapit dahil mahuhulog na sila ni taemi na ngayon ay walang malay.
habang si teddy naman ay yakap yakap si giddle at pinorprotektahan niya ito mula sa clown na iniitak ang likod ni teddy.
At sa di kalayuan ay nakita niya si Eka at ash, sasaksakin na sana ni Mr.Devon ng punyal si eka pero si ash naman ay nasa malapit lang at kahit hirap na hirap na ay tumatakbo siya para lamang masagip ang buhay ng lupaypay na katawan ni eka.
Nabuhayan si dawn and in just one snap ay naitulak niya si eka at siya ang nasaksak ng Itim na punyal.
ang punyal na kapag naitarak sa iyo ay mamatay ka kasama na pati ang kaluluwa mo.
dahil hinang hina na si dawn ay hindi niya nagawa pang iligtas si ash at eka ng maapakan sila ng isang titan.
napahiyaw si dawn at todo na sa iyak kaya naman ay nilapitan siya ni Mr.devon at hinugot ang punyal tapos pinagtatarak ulit sa kaniya.
Sumusuka na siya ng dugo at wakwak narin ang tiyan at dibdib niya ng mapalingon siya sa gilid niya at nakita si ash na pilit na inaabot siya.
napangiti siya ng kaunti at dahan-dahan ay ipinipilit niya ring iabot ang kamay niya kay ash.
pero bago pa man niya maabot ang kamay ni ash ay pinili niya nalang na ubusin ang natitira niyang lakas para patayin si devon.
Inipon niya ang lakas niya at pinatamaan si devon ng pinakamalakas na kidlat na may halong matutulis na yelo na gawa sa tubig.
Bago niya tuluyang ubusin ang lakas niya ay sumigaw siya at sa isang iglap ay nawala ang lahat ng demonyo at halimaw at naging maayos na ulit ang itsura ng campus.
Ang natira lamang na bakas ay ang kanilang mga katawan na puro laslas, lasog-lasog , piping katawan, wakwak at kung ano ano pa.
Naging abo ang katawan ni Mr.devon at ganun din kay dawn at eka pati na ng iba pa.
Tuluyang napahiyaw si jillian sa nasaksihan na puro abo na ang mga kasama niya bago siya unti unti ring naging abo at tinangay nalang ng hangin ng di katagalan.
Dito sa mundo ay walang perpekto, ginawa tayo ng Diyos ng pantay-pantay at may pagkakaiba.
subukan mo ring gamitin ang regalo niya sa iyo at pagyabungin ang iyong talento.
iba iba ang ating kakayahan, meron tayong kalakasan at kahinaan, pero sa Diyos na may likha ay wag mong kalilimutan, na magpasalamat sa lahat ng biyaya.
WAKAS
BINABASA MO ANG
University of High's (COMPLETED) (NOW IN MAJOR EDITING) #WATTYS2019
FantasyAdik kaba? enroll na sa University of High's!